Akala ko noong nalaman ko na may kanser ako, this will be the end of my life. Na hindi na ako sasaya. Nitong nakaraang buwan, Sandro helped me. Nanjan siya lagi sa tabi ko, he monitors my food in take, make sure that I take my medicine on time.
Hindi ko alam kung anong himala ang nangyari.
Bumuti yung lagay ko nitong nakaraang months. I even surpassed yung taning na binigay saking ng doctor. I had my monthly check up earlier and the doctor declared I'm cancer free but advise me to remain my healthy lifestyle. Pati maging doctor was surprise when they check my ovaries.
Healthy na ang mga ito and checking its current status, I can bear a child.
I thanked God for this big miracle.
Hindi ko maintindihan kung paano pero isa lang ang alam ko. I could be with Sandro in this life time.
Lagi kong kasama si Sandro sa bawat check up ko pero not on this day kase may importante siyang kliyente at tinulak ko siyang unahin iyon
Ate Lara accompanied me at hinatid niya ako sa office ni Sandro to tell the good news.
Excited ako.
"Mag-ingat ka, Isabelle. If gusto mo umuwi ng maaga, call me okay?" Bilin ni ate Lara. "I am so happy for you, Bunso."
"Thank you, Ate. Sasabay na ako kay Sandro umuwi. I'll wait for him.''
Pagkatapos kong magpaalam kay Ate, pumunta ako derecho sa opisina ni Sandro and naabutan ko si Greg, yung lalaking sekretarya niya.
"Ma'am Isabelle."
"Hay naku. Greg. I always tell you to call me 'Isabelle'. Si Sandro lang yung Boss mo, ano." Nakangiti kong sabi.
"Pero Ma'am, asawa niyo padin po yung Boss ko." Parang isang musika sa tenga ko na tawaging asawa ni Sandro. Yes, we've been married for almost a year pero hindi padin ako sanay.
"Basta call me 'Isabelle' or else.." Pagbabanta ko ng pabiro.
"Got it, Ma'am Isabelle...Este Isabelle." Tumawa lang ako.
"By the way, is Sandro inside?"
"Naku, Isabelle, kakalabas niya lang pero nabanggit niya na dadaan siya sa office ni Sir Luca. Baka maabutan mo pa."
Ngumit ako at nagpasalamat. Tumungo ako sa office ni Luca.
Naglalakad ako ng dahan dahan nang may maaninag akong magkayakap.
'Loko 'tong si Luca. Nagdadala ng babae sa opisina.'
Pero agad akong nabigla noong mapagtanto kong hindi si Luca ang lalaki. Pamilyar sakin ang likod. Agad bumilis ang tibok ng puso ko.
Natigilan ako nang marealize ko na si Sandro ang lalaki. Si Sandro na may kayakap na babae. Yung higpit nang yakap na takot na takot itong mawala sa kanya ang kayakap.
He's crying too!
Sandro is a strong man. Hindi siya basta basta nagpapakita ng kahinaan sa kung sino man. He mastered the art of hiding emotions. And to see him like this.
Sino siya?
'Tila napako ako sa kinatatayuan ko.
Parang may kung anong mabigat na bumagsak sa kinatatayuan ko.Alam ko. Alam ko to pero pilit kong pinaniwala ang sarili ko na guni-guni ko lang yun.
Alam kong may nabago at makita ko tong eksena ngayon.
It only confirmed by biggest fear, na hindi na ako yung nag-iisang babae sa buhay niya. May kahati na ako. Kahati lang ba? Or baka wala na akong puwang.
Akala ko tapos na yung paghihirap ko.
Akala ko tuluyan na akong magiging masaya.
Ano ba yung mas masakit? Pisikal o emosyon?Hindi ko alam. Isa lang ang alam, para akong dinudurog ang puso ko, buong pagkatao ko.
Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko. Gusto ko silang komprotahin o kaya tumakbo palayo, palayo sa katotohanan pero hindi ko magalaw yung namanhid kong katawan."Now you know the truth." Hindi na ako lumingon. Alam kong si Luca yung nagsalita.
"She's Lizette. She was once Sandro's secretary. Hindi nila sinadya pero they fell with each other."Sandro cheated on me.
Para akong sinampal. Kulang ba ako? Anong meron sa babaeng yan?
"Pinigilan nila because Sandro still in relationship. He even demoted her to erase his feelings and focus on you. Kaya merong Greg." Hindi ako umimik. I wanted to know the whole story. "We advised him na kung wala na siyang nararamdaman sayo. He should end it with you before starting anything on her. Lizette is good woman and doesn't deserve to be a side chick. Sandro believes it too."
"But he never did end it with me." Matigas na sabi ko. Nagmanatigas na baka sakaling mali to, isang nalaking bangungot pero magigising din pagkuway.
"Because you're sick."
"No! I did not tell him that I was sick before he proposed to me!" Madiing sabi ko.
"Isabelle, I hate to hurt you but you should know the truth and it's up to you how you will go on from this." Seryoso niyang sabi at nagpatuloy. "He planned to break up with you the day you collapsed but that never happened again. He never got a chance after that."
Naalala ko yung araw na nahimatay ako sa sobrang sakit ng puson ko. I thought it was a normal cramps. That was 3 months before I was diagnosed of ovarian cancer.
Ang sakit na ang tagal na pala. Ang tagal na pala niya akong hindi mahal. Bakit hindi niya sinabi? Mas masakit pa to kaysa noing nakaman ko na may sakit ako at may taning.
"Matagal na pala. Bakit hindi niya sinabi?" Nanghihina kong tanong. Unti-unti na akong naging bukas sa masakit na katotohanan.
"Your Ate Lara accidentally knows that he'll break up with you."
"No...."
"Lara told him about your condition, na may taning ka na ng 3 months. Your mother and sister asked them to make your last days on earth happy. Na huwag na dagdagan yung sakit."
"That's why he married me. He pitied me." I concluded.
"Sandro only made that decision. Your mama and sister just asked him to stay with you."
"Why are you telling me this, Luca? Bakit hindi si Sandro?"
"You know Sandro."
Napatango nalang ako. Sandro is a responsible man. Napatingin ako uli sa office ni Luca and I saw Sandro kissed the girl's forehead. Parang sinasaksak yung puso ko.
Gusto kong magwala pero wala akong lakas.
Tumalikod na ako para upang umalis. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin pa kapag tumagal pa ako kahit isang minuto na makita si Sandro na may minamahal na iba.
"Ihahatid na kita, Isabelle." Hinawakan ni Luca yung braso niya.
"Kaya ko, Luca. Bitiwan mo ko." Marahas kong tinanggal ang kamay niga sa braso ko.
Pumunta ako lugar na yun na dala-dala ang magandang balita pero umalis akong pasan ang mundo. Hindi ko alam paano magsimula. Anong gagawin ko.
Yung umikot ang mundo mo sa isang tao kaya noong mag-isa ka na, para kang pusang niligaw. Walang uwian, walang tahanan.
BINABASA MO ANG
A Love that Stays
RandomIMVA Filipino Series #2 ---- "Meron pa ba akong puwang diyan sa puso mo, Sandro?" ---- "Do you love her? How much do you love her?" ---- "You love her more than me." ---- Walang kasiguraduhan sa pag-ibig, hindi ito nasusukat sa panahon.