Lost Angel

1.6K 15 1
                                    

‘Sweet Angel Cemetery’

Sa kagustuhan kong makalayo sa sakit at reyalidad, hindi ko namalayan na nandito ako dinala ng mga paa ko sa isang sementeryo.

Matagal na panahon na huling dumalaw ako dito sa lugar na ‘to. Kase pinaalala nito sakin kung gaano ako kafailure bilang isang babae.  Kung gaano ako kawalang kwentang tao.

May mga sugat kasing hindi nahihilom ng panahon at yung pagkawala ng isang anghel ay ang sugat na hindi mawawala sakin sa habang buhay.

Mahangin at makulimlim.  Tila mismong langit ay nagluluksa para sakin. May dala akong tulips, na sobrang paborito ko nung kasama ko pa siya.  Hindi ko alam kung paano ako nakakatayo pa sa daming sakit at hirap ang pinagdaanan ko these past years.
Huminto ako sa tabi ng puno kung saan siya nakahimlay.  Kung saan nakahimlay ang anghel sa buhay ko.

Lusianna Marie Ortega Riego
August 23, 2017
Beloved daughter of Sandro and Sandro
In hands of Father Almighty

“I am so sorry, anak.  Ngayon lang nakadalaw si Mommy.” Umiiyak na sabi ko habang haplos ang lapida ng aking anak.

“Mommy failed again, baby.”

“I should have take care of you better.  Sana nandito ka sa tabi ni mommy and daddy.”

Tuloy-tuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata.  Ang bigat ng lahat. Akala mo nakabangon kana sa isang dagok sa buhay pero hindi ka pa nakakaahon, nakakatayo nang maayos, meron na naman.

Yes, nanganak ako 4 years ago sa panganay naming ni Sandro.  I almost got crazy when my daughter died. Pinagtabuyan ko si Sandro, si Mama at Ate.  That’s when I almost lost myself, almost lost Sandro. Para akong baliw na pinilit tumawa all these years.  Ni hindi ko binigyan ng time ang sarili ko at si Sandro to heal properly sa pagkawala ni Anna.

I forced my self to move on without proper grieving.  I continued my life without acknowledging that I lost a daughter.  I never shed a tear when I doctor said we lost her, even on her burial.  Ni hindi ako makausap.  Kase para akong mababaliw tuwing maisip ko na namatay si Anna dahil sa kapabayaan ko.

Tinaboy ko si Sandro dati sa takot na mawala siya sakin dahil sisihin niya ako sa pagkawala ng anak namin. 

Kabuwanan ko noon.  Paulit-ulit si Sandro na huwag akong lalabas mag-isa baka manganak ako sa daan at wala akong kasama.  But I was stubborn.  I remembered that one time na kinailangan niyang pumunta sa isang site kase nagkaproblema at may aksidente. Sinabihan niya ako to stay at home since I was heavily pregnant pero hindi ako nagpapigil at hindi makahintay, lumabas ako ng bahay to get the food I am craving.

 Sa sobrang saya ko sa pinamili ko, hindi ko napansin na may parating n amabilis magpatakbo na van at nabangga ang driver’s seat ng sasakyan ko.

I was rushed in the nearest hospital, emergency room.  Sobrang lakas ng impact sa katawan ko hindi kinaya and I gave birth to Anna. She only lived for 3 days until hindi na kinaya ng maliit niyang katawan.  Sobrang sinisisi ko ang sarili ko, sobrang selfish ko.

Sa kabila noon, hindi ako nakarinig ng sumbat kay Sandro, ni hindi siya nagalit sakin. Pero naramdaman ko yung pagbabago, he become cold even to me.  Yes, he was there pero ang layo niya sakin.

I should have seen this coming.

I should have expected it.

Hindi na siya yung Sandrong minahal ko 8 years ago.  We grown apart these past years.  Ayaw ko lang i-acknowledge kase ayaw kong pati siya mawala sakin.

He still cares a lot pero may kulang.

“Siguro, baby kamukha mo si Daddy nuh? Naaalala ko pa nun, iritang-irita ako sa pagmumuka niya ee. Pero kapag wala naman siya sa tabi ko, hinahanap ko siya.” Pagak siyang tumawa habang tinatanaw sa ala-ala yung panahon na buntis siya.

"Anna, baby, I am sorry.  I am sorry because I was your mother.  I am sorry I failed to protect you. Kasalanan ko kung bakit hindi mo nakita yung mundo.  I am sorry because your mother is stubborn and brat.  I am sorry, anak.  Kung maibabalik ko lang, sana hindi na ako lumabas ng araw na yun.  Or kaya sana ako nalang ang kinuha, hindi ikaw.  I would trade my life for yours, Anak.  Mahal na mahal ka ni Mommy."

Patuloy kong hinaplos ang lapida ni Anna.

"Naiisip ko, Anak.  Sana kinuha nalang ako ng Diyos para makasama kana at si Daddy mo naman, makakasama na niya yung babaeng mahal niya. Hindi ko alam kung bakit hindi mo nalang ako hinayaan na makasama ka jan sa kabilang buhay.  Bakit mo pa tinuro yung ilaw pabalik dito sa mundo?"

“Hindi ko alam kung paano ang buhay na wala ka, na wala ang daddy mo. Anong gagawin ni mommy? Hindi ko kayang mawala ang daddy mo.  Hindi ko kaya.” Patuloy lang ako sa pag-iyak.

“I am sorry I failed you and your Daddy.  Siguro, oras na para pakawalan si Daddy para maging masaya naman siya.  Anna, please give Mommy strength to let go your Daddy.”

 Malungkot kong turan. 

“Anak, pangako, I’ll make you proud. Magpapatuloy si Mommy kahit mahirap.  Kahit wala si Daddy mo sa tabi ko.  Pipilitin kong mabuhay at pahalagahan ang pangalawang buhay na 'to para sa inyo kahiy hindi ko kayo kasama. Patuloy akong mabubuhay kahit masakit.”

Mas magaan na yung loob ko noong umalis ako sa sementeryo.  I want to make peace with my past so I can start the present with clean slate.  Gusto kong magsimulang muli.  Sobrang sakit pero hindi ako susuko. 

Nawalan ako ng anak, nagkaroon ng kanser at nawala yung lalaking kaisa-isang minahal ko pero magpapatuloy ako.

Hindi ko alam kung ano ang reason ng Diyos kung bakit ako may second chance in life pero hindi ko to sasayangin and I will leave my life to the fullest kahit nag-iisa.

Aaminin ko, parang tinutusok ng pinong pino yung puso ko tuwing naaalala ko siyang may kayakap at may mahal na iba.  But I know in my heart, I have to let him go.  Let him go to chase his real happiness.

A Love that StaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon