Empty Shell

1.6K 16 0
                                    

Nang matapos kong pumunta sa puntod ni Anna pumunta ako sa bahay ni Mama.  Gusto ko padin makumpirma yung lahat.  Alam kong wala naming reason si Luca para magsinungaling.  I’ve known him since college as frank and no bullshit guy.
May konting galit sa puso ko kila mama at ate Lara kung bakit nila pinaalam kay Sandro pero alam ko sa puso ko na kapakanan ko lang yung iniisip nila.  But I want to hear their explanation first hand.
Pag dating sa bahay agad akong dumerecho sa garden kung saan nandun si Mama na nagdidilig ng kanyang mga halaman habang si ate Lara kay pinaglalaruan ang cupcake na nasa harap.

“Ma, paano kapag nalaman ni Isabelle…” Nag-aalalang tanong ni Ate Lara.

“Nag-aalala ako sa kapatid mo, Lara.  She’s been through a lot. Alam kong mahirap kapag nalaman niya na….”

Napahinto si Mama sa sasabihin ng makita niyan ako.

“Kanina ka pa ba, Anak?’ Kinakabahang tanong sakin ni Mama.

“Ma…Ate.. Bakit?  Bakit niyo ginawa yun?’’ Unti-unting namuo yung mga luha ko at agad akong dinaluhan ni Mama at pina-upo sa tabi ni ate Lara. Tinignan ko silang dalawa. “Why do you have to beg for me?!’ Medyo tumaas ang boses ko sa tindi ng emosyon ko.  Halong-halo ang galit at awa sa sarili ko.

“Isabelle…”

“Ate.. Ma.. Wala ba kayong tiwala sakin, ganoon ba ko kaawa-awa sa tingin niyo? Hindi naman ako mamamatay pag iniwan ako ni Sandro!  Why do you have to beg him? Masasaktan ako pero lalaban ako."

Umiiyak nadin silang dalawa habang natingin sa mukha ko.

“Kanina… I thought I could be happy. Akala ko ito na yung simula, yung totoong simula namin ni Sandro.  I am cancer free.  Handa na akong iwan ang guilt at galit just to have a new start with him after Anna's death.    We could have a family now.”

I paused. 

Patuloy padin yung pag-agos ng luha ko.

“Ang pinakasakit, para akong nasa panaginip and it’s time now to wake up.  I woke up na hindi na pala ako mahal taong pinakamamahal ko, that he just stayed with me kase may sakit ako.  He chose to sacrifice his happiness para na naman sakin.”

“Ate….Ma…Kayo lang ang kailangan ko.  I don’t need an empty shell of a man. Ang sakit sakit.” Pinalo-palo ko yung dibdib ko.  Hoping na mabawasan sana yung sakit.

“Shhhh.  Bunso, hindi ka nakakaawa, you’re very strong woman. Sa dami nang pinagdaanan mo, nakataas noo ka padin na nakatayo at patuloy na lumalaban. Patawarin mo kami ni Mama. Iniisip lang naming yung kalagayan mo.  You’re too wreck physically at alam naming na si Sandro, siya ang matibay mong sandalan sa mahabang panahaon at hindi mo kakayanin kapag pati siya nawala.”

Niyakap ako ni Ate Lara nang mahigpit.

Alam ko naman na ginawa lang nila iyon para sa akin pero ang hindi ko matanggap, why Sandro have to pretend he’s still in love with me when all these time na kasama ako, ibang babae ang laman ng isip at puso niya.  I will appreciate honestly even if it kills me, even if it hurts me.

“Anak, mahal na mahal ka namin.  Hindi mo man gusto yung ginawa naming, isa lang ang nasa isip namin, ang maging masaya ka.”
Umiyak lang ako habang yakap si Mama.

Tama si Ate Lara.

Sandro has been my anchor, he’s been my compass.  Hindi ko alam paano magsimula ng wala siya sa tabi ko dahil sanay ako na nasa tabi ko siya.

It’s always been Alessandro and Isabelle.
Gusto kong mamuhi kay Sandro.  Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko kaya. Mas madali siguro kong punuin ko ng galit yung puso ko para madali ko siyang kalimutan pero alam kong hindi iyon gugustuhin ni Lusianna.  Ibabaon ko nalang sa kailaliman ng puso ko yung pagmamahal kay Sandro.
Alam ko balang araw makakahanap din ako ng ibang mamahalin.  Yung higit sa pagmamahal ko sa kanya.

“Anong balak mo, Isabelle? Paano kayo ni Sandro?”

Ngumit ako ng malungkot kay Ate.

“Gusto ko siyang pakawalan, Ate Lara.  Ayaw ko siyang ikulong sa kasal na ‘to. Pero hindi ko alam kung kaya ko.  Gusto kong maging selfish pero I don’t think pwede padin yun sa ngayon.  He already loves someone else.”

“Hindi ka ba galit sa asawa mo?” Pinisil ko yung kamay ni Mama.

I looked at her truthfuly. Alam kong nakita ni Mama at Ate Lara na walang bakas ng galit yung mga mata ko.

“Hindi ko alam, ‘Ma, kung bakit wala akong makapang galit sa puso bugkos naiintidihan ko siya. Naiintindihan ko siya to the point na kaya ko siyang patawarin for loving someone else.”

“Bunso….Sinaktan ko si Sandro when he admitted that he’s having a feelings for Lizette.  Sinumbatan ko siya at sinampal.” Tumulo yung luha ni Ate. “Hinayaan niya lang ako.  Sorry lang siya ng sorry and promise not to leave your side.  Sandro is a good man.  He promised he did not act on his feeling because he is commitment to you, to Anna.”

Mas lalo akong napa-iyak ng marinig ang kwento ni Ate.  Akala ko ako lang ang nakakulong sa nakaraan, kay Anna.  I forget about Sandro.  Hindi lang ako ang nawalan.

“I knew who I married, Ate.  He's a ruthless businessman but when it comes to me.  He'll move oceans and mountains. Siguro, he's feeling guilty that why he stayed with me. Him being so my responsible for the people he deeply care."

Alam kong sang-ayon si Mama at ate Lara.  Sa tagal ng relasyon namin ni Sandro, kilala nila ang asawa ko. 

"Siguro, this time, ako naman.  Ako naman dapat yung magsakrisprisyo para sa kaligayahan niya.  I understand Luca now.   Even his friends is worried about his happiness.  Na alam nila na hindi na masaya si Sandro."

"Actually, nalulungkot ako.  Am I too selfish? Na hindi ko man lang napansin na hindi na siya masaya.  Was I too focus on myself?Sana nakita ko agad na wala na.  O baka alam ko na hindi na talaga pero nagbubulag-bulagan nalang ako just to keep him."

"Isabelle..."

"Bunso..."

Pumatak yung luha ko at malungkot akong tumungin kanila ni mama.

"Maybe. Sometimes loving means letting go.  Yung enough na makita siyang masaya kahit hindi sayo.”

" I though our love story is a happily ever after, a great love story to be told but it's just another story of greatest sacrifice, a 'I love you, goodbye' story. Kwento ng pagpaparaya."

A Love that StaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon