Her perfect life is crumbling before her eyes. Parang kinakapos siya ng hininga.
Hindi makapaniwala ni Isabelle sa resulta ng mga tests na ginawa sa kanya. Tulala siyang naglalakad palabas sa hospital. Hindi niya akalain na she’ll be in this situation. Paulit-ulit na nag e-echo sa kanya yung sinabi ng Doktor.
‘I am sorry, Miss Ortega. You have ovarian cancer stage 3. We need to start the treatment right away…...’
Now it makes sense, these past months she’s always vomiting and sobrang sakit ng puson niya. Sometimes there’s spotting kahit hindi naman time of the month niya. Last month, she thought she was pregnant but the pregnancy tests and blood tests were negative but since hindi normal yung mga nararamdaman niya, her doctor recommended her to go under series of tests.
Today, she got the result.
‘Yung result na hindi niya kayang tanggapin. She planned her life. She will get married, have kids and build family with her long-time boyfriend. Lahat ng yun malabo na ngayon. Hindi niya alam bakit siya pa, gusto niyang sumbatan ang Diyos pero hindi niya kaya isatinig.
Life has its own way of mocking you, smacking you down when you thought everything is going well.
Her mouth tasted bitter.
Para pading namamanhid yung buo niyang katawan.
Patuloy lang si Isabelle sa paglalakad pababa sa hagdan ng exit ng ospital. Hindi na niya napansin na nabangga niya ang isang lalaking pero dahil sa lakas ng tama at wala siya sa sarili, siya pa yung na tumba. Pero wala na siyang pakialam.
Her life is now ruined. Malabo na sa sistema ni Isabelle kung paano siya nakauwi pero taxi stopped in front of her family house’s gate.
Agad siyang pinagbuksan ng katulong nila at sinalubong ng kanyang mama at ate.
Hindi niya mapigilan ang paghagulhol.
“Mama….Ate….” Nilapitan siya ng dalawa at agad na niyakap. "Mama, hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Hindi ko kaya. Ayaw ko pa. Hindi pa ako handa.”
Hindi siya tinanong ng mga ito about sa resulta per mahigpit lang siyang niyakap. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga ito kung sa sarili niya nga hindi niya ma-accept yung resulta. Umaasa siyang isang bangungot lang to at isang araw gigising siyang maayos.
“Isabelle…Shhhh…Andito kami ng ate mo.” Mas lalong lumakas yung iyak niya. Iginiya siya ng ina sa malapit na sofa at kumuha ang ate niya ng tubig.
“Mama….bakit ako? Hindi ko maintindihan bakit ako…” Her mother cupped her teary cheeks. Her mother is also crying. “Naging masama ba akong anak? Masamang kapatid? Promise, I’ll be good, just take it away from me."
Sinabi niya sa mama at ate niya yung resulta ng doctor at yung taning na binigay sa kanya niya. Higit sa lahat, ngayon niya kailangan ng suporta at pagmamahal ng taong nakapaligid sa kanya.
“Anak, hindi tayo susuko. Kanser lang yan! Pamilya tayo, okay?”
“Bunso, nandito lang kami ni mama. Hindi ka naming iiwan. Magkasama tayo sa laban na ‘to.”
Tumango-tango lang siya. Alam niyang hindi madali yung laban na ito pero hindi siyang magpapatalo ng hindi lumalaban. Lalabanan niya itong sakit na to hanggat kaya niya, para sa kanyang pamilya at sa lalaking mahal.
“Si Sandro...” Banggit ng kanyang ate.
“Ate, saka ko na sasabihin sa kanya kapag magaling na ako. Natatakot akong baka iwan niya ako kapag nalaman niya.”
BINABASA MO ANG
A Love that Stays
RandomIMVA Filipino Series #2 ---- "Meron pa ba akong puwang diyan sa puso mo, Sandro?" ---- "Do you love her? How much do you love her?" ---- "You love her more than me." ---- Walang kasiguraduhan sa pag-ibig, hindi ito nasusukat sa panahon.