I stayed sa bahay nila Mama para makapag-isip, kung ano ba yung tamang gawin. Sandro tried to call me many times but I refused to answer. I know Ate Lara called him to make sure that I am okay and asked him to give me some time.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya nag-aalala sakin. Hindi na naman ako yung mahal niya diba? Para ang nasa isang bangungot, araw araw akong nagdadasal na sana magising na ako. Na sa pag gising ko meton pang kami. But no matter how much in denial of me, reality will be a reality. Wala nang kami, matagal na. I was just in illusion but it has to stop now.
After 5 days, umuwi ako sa bahay namin ni Sandro at nagulat akong nadatnan siya sa tapat ng minibar namin. Nakasuot lang siya ng pambahay na damit at shorts. Pinagmasdan ko si Sandro na hindi namalayan yung pagpasok ko sa bahay namin.
Baka ito na kase yung huling sandali na matitigan ko siya at matatawag ko siyang akin.
Never thought loving could this be hard, could hurt like this.
‘Tila naramdaman niya yung presensya ko at bigla itong tumayo at malalaking hakbang ang tinahak papunta sakin. Walang sabi-sabi ay bigla niyang akong niyakap. Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi ko mapigilan ang humikbi.
In his arms, I’m always at home. Hindi ko alam kung magkahiwalay kami kung makakahanap ba ako ng bagong tahanan. I am so sure, I'll be forever homeless and will be very homesick everyday.
“Pinag-alala mo ko, Bubby.”
Mas lalong naging mahigpit ang yakap niya sakin.
Ito naba yung huling beses niya akong yayakapin? Can I stay here forever? Pwede bang magmakaawa na ako nalang ulit. Na ako hanggang sa huli. I can’t imagine life without Sandro. Para akong robot na nakaprograma para mahalin siya habang buhay.
Kumalas siya pagkaharap at bakas sa mukha niya yung pag-alala ng makita niya yung luha ko na patuloy sa pagbagsak.
“Bubby, why are you crying? Are you okay?” Agad niyang pununasan yung luha ko. "We’ll go to the hospital.” Kinuha niya yung phone niya sa island table and dialed in.
“I don’t need to go to hospital.” Binaba ni Sandro yung phone at tumitig sakin. ‘Tila tinitimbang kung talagang ayos lang ako. Sana hindi ko nalang nalaman so I can keep him forever. “I am now cancer free, Sandro.”
Lumaki ang mata nito.
“Are you sure, Bubby?” Lumapit ulit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso. “Thanked God.”
Mapait ako lumunok.
“I also know about Lizette.” Bigla siya nitong nabitawan. Mahinanon yung pagsasalita ko, sobrang salungat sa emosyon ko. Gusto kong sumabog sa galit.
“Isabelle….”
“Kailan mo sasabihin sakin na may ibang mahal kana?” May nginig na sabi ko sa bawat salita. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob to confront him. Alam ko kahit anong sabihin niya masasaktan ako.
“Bubby…”
“I deserve the truth, Alessandro!” Lumayo ako sa kanya. “All these time, pinagtitiyagaan mo lang ako, kinakaawaan. How can you sleep with me kahit na may ibang mahal kana! Kailan mo balak sabihin yun?”
Hindi niya ako sinagot.
“Or wala ka talagang balak sabihin sakin? Ano?! Sumagot ka.”
“Calm down, Bubby. Hindi makakabuti sa kalusugan mo yan.” Kalmado pading sabi ni Sandro.
“To hell with cancer! Ngayon palang halos mamatay na ako sa sakit, sa sakit na binigay mo! Akala ko, Sandro, ako hanggang dulo? Anong nangyari? Bakit merong Lizette?! Kulang ba ako? May mali ba sakin? Tell me, why!?”
“Bubby…”
“Don’t call me that!”
Akmang lalapitan ako ni Sandro ay agad akong lumayo. Hindi ko kayang lumapit sa kanya baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na magmakaawa, na ako nalang ulit yung mahalin niya.
Binalot kami ng katahimikan. Tanging hikbi lang yung maririnig mo.
“Lizette was my secretary. Hindi ko namalayan nahulog ako sa panahon na kanya-kanya tayong nagluksa para kay Lusianna. But Bubby, believe me, wala kaming relasyon. Hindi ko kayang gumawa nang ikakasira natin. Kakalimutan ko siya, Bubby, para satin.” Sandro is now crying.
“You're supposed to end it with me kung hindi mo nalaman yung sakit ko.”
"Yes, I was about to end it with you--"
"Ganun mo siya kamahal?" I asked kahit alam ko na ang sagot. Sa ilang taon namin ni Sandro, he never thought of leaving me or breaking up with me kahit sobrang hirap ng pinagdaanan namin kaya sobrang sakit na dahil sa bagong babae makakaya niyang bumitiw. "Napagod kaba? Sana nagpahinga ka lang, bibigyan naman kita ng space eh."
“Bubby, aayusin ko ‘to. Maniwala ka. I will forget her.”
"Meron pa ba akong puwang diyan sa puso mo, Sandro?"
“Bubby, ano bang tanong yan? We’ve been together for years and we had Anna.” Frustrated na sabi ni Sandro.
“Do you love her? How much do you love her?" Direktang tanong ko. Hindi ko alam kung masokista ba ako o ewan. I wanted to feel the pain so I'll have a strength to let him go, to walk away from us.
Hindi siya nakasagot. Nanatili ang tingin niya sakin. His eyes were full of mixed emotions.
Napatango lang ako dahil alam ko na yung sagot.
“You love her more than me.” Pinal kong sabi.
His eyes are protesting pero we both know the truth.
Napaupo ako sa sofa. Tila ba nawalan ako ng lakas at kinakapos ng hininga. Nanunuot ang sakit sa kailaliman ng puso niya. It's kind of pain that will never be healed. Pakiramdam ko habang buhay akong magiging sugatan.
Kailan kaba magiging handa when the person you love is not into you anymore. Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko si Sandro at ngumiti. Maybe we both need a closure and to part ways. Maybe it's time to let go.
“Alam ko hindi pa nating napag-uusapan kung anong nangyari kay Anna. We both avoided it kase sobrang sakit. I know na sinisisi mo ko sa pagkamatay ng anak natin and I’m forever in guilt knowing na namatay siya dahil sa kapritso ko. Kung sana nakinig ako sayo, siguro she’ll be 3 years old now. I am sorry, Sandro. Gusto kitang saktan, sigawan at sumbatan dahil nagmahal ka ng iba pero I can’t find in myself to hate you kase alam ko sa taong pinagsamahan natin, you never left me, you’re always there kahit sobrang hirap at sakit na. I’ve been too selfish, na to the point na ako nalang lagi." I paused.
“Ni hindi ko man lang iniisip na nahihirapan ka din. It’s my fault for giving you a window to love someone else.”
Tumabi siya sakin sa sofa at hinawakan yung kamay ko ng mahigpit.
“Bubby, hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Ako, sakin lang yun. Kasalanan ko kung bakit ako nahulog sa iba. I never acted on it but I betrayed you, I betrayed our Anna.”
Ngumiti ako ng mapait.
“Maybe hanggang dito nalang tayo, Sandro….”
“Isabelle..”
“Sandro, sobrang sakit na kase. I wanted to heal alone. I’m letting you go.” Pilit akong ngumiti. “I know Anna would want you to be happy kahit hindi sa Mommy niya. Let’s free ourselves. I am letting you go so you can be with her."
Hinaplos yung mukha niya at pumikit.
"Ako naman ang magsasakripisyo para lumigaya ka. Sobrang sakit pero bibitawan kita. Ipangako mo lang na magiging masaya ka."
"Mahal na mahal kita, Sandro. Sobra sobra. Kapag sinaktan ka niya, babawiin kita. Wala akong pakialam kahit hindi mo ko mahal, babawiin talaga kita."
BINABASA MO ANG
A Love that Stays
SonstigesIMVA Filipino Series #2 ---- "Meron pa ba akong puwang diyan sa puso mo, Sandro?" ---- "Do you love her? How much do you love her?" ---- "You love her more than me." ---- Walang kasiguraduhan sa pag-ibig, hindi ito nasusukat sa panahon.