Chapter Nineteen - Risk

7K 174 5
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Pagkarating sa bahay, agad naming dinala ni Alex sa kuwarto si Ken. Tumawag na rin ng doktor si Alex at ilang sandali lang ay dumating na ito. Agad niyang nilapatan ng lunas yung kamay ni Ken na walang tigil sa pagdurugo at sinunod ang ibang sugat at pasa ni Ken.

Pagkatapos gamutin si Ken at nagpaalam na ang doktor dahil dis-oras na ng gabi. Pinalitan namin ang pang-itaas na damit ni Ken at pinunasan. Umupo ako sa tabi ni Ken at tiningnan siya. Gusto ko siyang batukan dahil sa sobrang inis pero sa totoo lang, hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.

"Ms. Airyll, magpahinga na po kayo. Ako na po ang magbabantay kay Prince Ken," sabi ni Alex. Nginitian ko lang siya bago umiling. "Naiintindihan ko po. Nasa labas lang po ako. Tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan pa po kayo."

Bago pa makalabas si Alex ay tinawag ko siya at niyaya sa may terrace ni Ken para makapag-usap. Sa ngayon siya lang ang masasandalan ko.

"Pasensya na po, Ms. Airyll, kung nawala ako bigla kanina. Kinausap ko po ang coordinator kung puwedeng ipatigil ang laban."

"Naiintindihan ko. Pero hindi ka man lang ba magtatanong kung ano'ng nangyari?" tanong ko kay Alex dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat.

"Nakita ko po ang lahat, Ms. Airyll, at huwag po kayong mag-alala, wala pong makakaalam nito kahit si Prince Ken."

Sa tingin ko, iyon ang tamang desisyon, ang kalimutan na lang ang nangyari kanina. Pero hindi ko kaya, lahat ng masasakit na alaala bumabalik sa akin, lalo na yung dahilan ng pagkamatay ni mommy.

"Salamat, Alex. Pero ang hirap kalimutan lahat ng nangyari lalo pa't nakita ko na naman yung matandang hukluban na iyon." Ikinuyom ko yung kamao ko dahil sa sobrang galit.

Ikinuwento ko kay Alex lahat. Yung nangyari kay mommy, maging ang pagkamatay nito sa kamay ng matandang hukluban na iyon. Sinabi ko rin na simula pagkabata ay tinuruan na akong ipagtanggol ang sarili ko dahil kailangan kong maging handa. Anumang oras ay puwede kong makaharap yung matandang iyon at ituloy ang masama niyang plano.

"Tahan na po, Ms. Airyll. Hindi po namin hahayaan ni Prince Ken na mapahamak kayo." Niyakap ako ni Alex na mas lalong nakapagpaluha sa akin.

"Please, Alex. Ayaw ko kayong madamay. Huwag mo na lang sabihin ito kay Ken."

"Masusunod po."

Nagpasalamat ako kay Alex at pumasok na kami sa loob ng kuwarto ni Ken. Pinagpahinga ko na rin si Alex. Pinagmasdan ko lang si Ken magdamag dahil hindi ako makatulog.

Nang mag-umaga na ay nagising na rin si Ken. Nilapitan ko siya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" seryosong tanong niya. Ano pa nga bang aasahan ko matapos yung huling pag-uusap namin.

"Wala ka bang naalala? May masakit ba sa iyo?" nag-aalala kong tanong pero hindi niya sinagot iyon. Aalalayan ko sana siyang bumangon pero iniwas niya yung kamay ko.

"Kaya ko ang sarili ko. Makakaalis ka na."

Gusto ko siyang awayin dahil sa pagtrato niya nang ganito sa akin pagkatapos ko siyang iligtas at bantayan magdamag. Pero mas nangingibabaw pa rin yung guilt na nararamdaman ko at pag-aalala.

"Kailangan pa ba kitang kaladkarin palabas ng kuwartong ito?" Tiningnan ko si Ken at may hawak siyang damit na pang-alis.

"Aalis ka? Saan ka pupunta?" mahinahon kong tanong kahit alam ko kung saan siya puwedeng pumunta. Either kay Kate o sa lugar na iyon.

"Bakit mo tinatanong? Ano ba kita?"

Ikinuyom ko yung kamao ko. Alam kong dapat ako maging pasensyosa pero sa ikinikilos ni Ken, napaka-immature niya. Ano bang gusto niyang gawin ko?

"Sabagay, may punto ka. Ba't pa ba ako nagtatanong at nag-aalala? Fiancée mo lang naman ako sa papel. Ano bang pakialam ko kung nagpapakamatay ka na dun sa lugar na iyon?" sarkastiko kong tanong pabalik sa kan'ya. Naramdaman ko ang mainit na likido na umaagos mula sa mata ko.

Lumabas na ako ng kuwarto ni Ken at pumunta sa kuwarto ko. Agad akong nagbihis at umalis ng bahay. Nakakainis. Napaka-immature niya. Hindi niya ba alam kung gaano ako nag-aalala sa kan'ya? Halos mabaliw ako kakaisip kagabi ng kung anu-ano.

Pumunta ako sa pinuntahan namin Xander at tumambay doon. Mukha na akong baliw dito kakaiyak. Kahit pinagtitinginan na ako ng tao, wala akong pakialam kasi nakakainis. Hindi man lang ba siya marunong mag-thank you? Oo, may kasalanan din ako pero ako ba yung dahilan ba't ko siya sinukuan?

Buong araw lang akong nakatambay dito. Naramdaman ko rin na kumakalam yung tiyan ko pero hinayaan ko lang. Wala akong ganang kumain. Gusto ko lang pagmasdan yung lawa na nasa harap ko.

Isinubsob ko lang yung mukha ko sa tuhod ko. Ba't ba hindi maubos-ubos yung luha ko? Halos talunin na yung laman ng tubig ng lawa na ito. Naramdaman kong nagba-vibrate yung telepono ko. Ang daming missed calls at text messages pero walang galing kay Ken ni isa man lang dun.

Kung mawala kaya ako, mag-aalala si Ken? Baka oo dahil mananagot siya kay Papa dahil bigla akong nawala. Yun lang yun. Siguro nadala lang ng kalasingan si Ken kaya niya nasabi yung mga sinabi niya nung isang gabi. Baka nagiging ilusyonada at ambisyosa na naman ako for thinking that he's learning to love me.

"Ano bang dapat gawin ko para matutunan mo akong mahalin? Or should I just break this engagement and move on?" tanong ko sa sarili ko.

Yung determinasyon ko na ipaglaban yung nararamdaman ko bigla na lang naglaho dahil hindi na naman ako sigurado kung dapat ba na ipilit ko yung sarili ko sa taong hindi naman ako gusto.

"I think you should eat first," narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

Pinilit kong huwag lumingon dahil ayaw kong ipakita sa kan'ya na kung gaano ako kasabik na makita siya. Umupo siya sa tabi ko at napansin kong may dala siyang pagkain.

"Bakit ka nandito? 'Di ba gusto mong makipagpatayan? Naliligaw ka ba?"

Patago kong pinunasan yung mga luha ko. Ayaw kong ipakita sa kan'ya na nasasaktan ako nang dahil sa kan'ya. Hindi ko kailangan ng awa niya.

"I'm sorry, Airyll, for always hurting you." Bigla akong napatingin sa kan'ya dahil sa sinabi niya. Tama ba ako ng pagkakarinig o nagha-hallucinate na ako dahil sa pagod at gutom?

"A...ano'ng sabi mo?"

"I'll repeat what I said kung kakain ka." Inabot niya yung dala niyang plastic na may pagkain. Tiningnan ko muna iyon bago ko kinuha. Nagugutom na rin ako. Kinain ko yung dala niya habang tahimik lang kami dito sa lawa.

"I said I'm sorry and I know this may be absurd, Airyll, but can you give me another chance?" Bigla akong nabulunan sa sinabi niya. Mabuti na lang may kasamang tubig yung pagkain na dala niya.

"Seryoso ka ba?" tanong ko sa kan'ya kahit nakikita ko sa mukha niya na hindi siya nagbibiro.

"You don't need to answer it right away, after all the things I've do-"

"Pumapayag ako."

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ken. Bakit pa ba ako magpapaligoy-ligoy pa kung ito rin naman yung gusto kong marinig sa kan'ya. Yung inis na nararamdaman ko sa kan'ya kanina biglang naglaho. Napalitan ng tuwa.

"Are you sure? You can't back-out later on," sabi ni Ken at tumango ako.

I'll take Alex's advice. I'll take risk since I know I have a little chance unlike before, na para talaga akong tanga na sumusugod sa isang laban kung saan wala akong armas at hindi alam kung ano ang patutunguhan.

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon