(Airyll Anne's P.O.V.)
"Xander..." Napansin kong lumiwanag yung ekspresyon ni Xander pero hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyari sa kan'ya nang dahil sa akin. "I'm sorry. Pero, paki-bitawan mo ako."
Biglang naglaho yung pansamantalang kasiyahan sa mga mata niya. Yumuko ako. Gusto kong umiyak dahil may nasaktan akong tao kahit na ang gusto ko lang naman ay protektahan siya.
"Pe...pero, Airyll?"
"Let her go, bastard. She already made her decision. Can't you respect it?" sabi ni Ken sabay hila sa isa kong kamay na hinahawakan ni Xander. "I'm warning you, Angeles. If I saw you bothering Airyll again, you're dead."
Hinila ako ni Ken paalis sa lugar na iyon. Tiningnan ko si Xander at yung hitsura niya, hindi maipinta na dumudurog sa puso ko ngayon. Bakit kailangang dumating ako sa puntong ito na mananakit ako ng kaibigan? Kinakarma ba ako dahil sa ginawa ko kanina sa Archery Range? Wala naman akong masamang intensyon doon?
Bigla kaming napahinto at nang tumingin ako sa harap namin ay nakita ko si Kate at ang mas ikinagulat ko ay nang mapagtanto ko kung sino ang kasama niya. Hindi ako puwedeng magkamali, isa iyon sa mga nambu-bully kanina sa Archery Range. Hindi na nga maganda yung nangyari kanina, makikita ko pa ito. Hinila ko yung kamay ko kay Ken at naglakad na ako palayo.
Umakyat ako sa rooftop ng isang abandunadong building sa St. Caroline. Doon ako nagsisigaw at nagwala. Nasa medyo liblib na lugar yung building kaya kampante ako na walang makakarinig sa akin.
"Ano bang kasalanan ko para mapunta ako sa ganitong sitwasyon, ha?"
Inilabas ko lahat ng nararamdaman kong emosyon, mula sa pagkainis hanggang galit. Kahit na medyo namamaos na ako, tuloy pa rin ako sa pagsigaw. Sinasabayan pa ng pag-agos ng mga luha ko.
"Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Kulang pa ba yung mga hirap na naranasan ko noon?"
Marahil kung wala lang akong takot sa heights at nababaliw na ako, tumalon na ako sa building na ito. Pero nasa katinuan pa naman ako kaya hindi ko gagawin iyon. Nang tuluyan nang maubos lahat ng lakas ko kakasigaw at pagwawala, sumandal ako sa harang ng rooftop at umupo. Pinunasan ko yung mga luha ko at isinubsob sa mga tuhod ko yung mukha ko.
"Napaka-ingay naman."
Napaangat ako agad ng mukha at nagulat ako nang makita ko kung sino yung nagsalita. Isa siya sa mga lalaking laging kasama ni Ken. Kaibigan ba siya ni Ken? Patay ako nito kapag nagkataon.
"Ka...kaibigan ka ni Ken, hindi ba?"
"Huwag kang mag-alala, hindi kita isusumbong sa kan'ya." Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko dahil sa sinabi niya pero nag-aalala pa rin ako. Inaamin ko, may trust issues ako at isa pa, hindi ko maalis sa sarili ko yung pag-aalala dahil kaibigan nga siya ni Ken. Mas matagal at malalim pinagsamahan nila. Pero wala na rin naman akong pakialam kung sasabihin niya o hindi. "Tama na pag-iisip, baka ikabaliw mo pa iyan lalo." Tiningnan ko siya nang masama pero nagulat ako nang may ihagis siya sa aking panyo. "Magpunas ka dahil mukha kang yagit na inagawan ng kendi."
Tiningnan ko yung panyo. Bakit compare kay Ken, mabait itong kaibigan niyang ito? Si Ken lang ba talaga ang naiiba ang ugali sa kanila? Pinunasan ko na yung mukha ko at inayos ang sarili. Medyo okay na rin ako pero mas magiging magaan siguro yung nararamdaman ko ngayon kung nandito si Xander. Maliban kay Alex, isa siya mga itinuturing kong una at matalik na kaibigan.
"Salamat din sa ginawa mo kanina sa Archery Range."
Napatingin ako sa kan'ya at naglalakad na siya palayo. Paano niya nalaman yung nangyari kanina? Nandoon ba siya? Bakit siya nagpapasalamat? Napaka-misteryoso naman ng taong iyon. Hindi ko rin alam ang pangalan niya. Tatanungin ko na lang si Alex mamaya. Tumayo na ako pagkatapos kong mag-ayos ng sarili at mahimasmasan. Paalis na rin sana ako pero nasilaw ako kaya napalingon ako sa likuran ko. Pinagmasdan ko yung paglubog ng araw na nakapagpagaan pa lalo sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Sobrang nakakapagod ang araw na ito, masyadong maraming nangyari.
BINABASA MO ANG
His Missing Fiancée (Editing)
Teen FictionIsang simpleng "nerd" lang si Airyll Anne Gomez at mayroong simpleng pamumuhay pero nang magpakita na ang mga misteryosong tao mula sa kan'yang nakaraan, dito na nagsimulang gumulo ang lahat. Tuluyan na kaya niyang makuha ang inaasam niyang bagay o...