(Airyll Anne's P.O.V.)
Ang bango ng paligid ko, para akong nasa hardin na napapalibutan ng mga rosas. Nararamdaman ko na lumulutang ako dahil sa sobrang lambot ng hinihigaan ko. Doon ko lang napagtanto na hindi ako nananaginip kaya napadilat ako kaagad at napabangon. Shoot, nasaan ako?
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto. Hindi ko ito kuwarto! Halos triple ng laki ng kuwartong ito yung buong bahay na tinitirhan ko. Dito ba ako dinala nung aroganteng lalaking iyon? Ano bang balak nilang gawin sa akin? Narinig ko ang palakas na palakas na tunog ng mga yabag ng paa, senyales na may paparating. Ano'ng gagawin ko? Kailangan kong makaalis dito! Bakit ba hindi gumagana utak ko ngayon? Akala ko ba matalino ka Airanne? Biglang bumukas yung pinto kaya napapikit ako bigla. Siguro kailangan ko muna silang obserbahan.
"Alex, tinawagan mo na ba si Tito Ricky?" Rinig kong tanong ni Ken kay Santos. Mag-bestfriend lang ba talaga sila o more than that?
"Tinawagan ko na po Prince Ken pero pauwi pa lang po siya galing sa business trip niya sa South Korea. Mukhang excited nga po siyang makita si Ms. Airyll." Ibinebenta na ba nila ako? Mga human trafficker ba sila kaya ganito kalaki yung bahay ni Ken? "Okay na po ba yung pasa niyo mukha?" Nagkapasa siguro yung sinuntok kong parte ng mukha ni Ken.
"Hindi ko akalain na ganoon kalakas manuntok itong babaeng ito at siya palang ang tanging taong nagbigay ng pasa sa mukha ni Chaos."
Narinig ko na lang silang nagtawanan at natigil lang iyon nang biglang tumunog yung tiyan ko. Shoot, ipapahamak pa yata ako nung tiyan ko. Pero kailangan kong panindigan na tulog ako. Malay ba nila, may tao talagang tumutunog yung tiyan kahit tulog.
"Alex, kunin mo na nga yung mga gamit. Mukhang kailangan na nating tanggalin yung mga lamang-loob nito para sa bago nating kliyente." Bigla akong napabangon at napahawak sa sarili ko.
"Subukan niyong lumapit, baka hindi lang pasa abutin mo sa akin," pagbabanta ko sa kanila pero natawa lang sila. "Akala mo ba nagbibiro ako?" Biglang sumeryoso si Ken.
"Tingin mo rin ba nagbibiro ako?"
Natulala lang ako doon hanggang sa lumabas siya. Sino ba talaga siya? Sobra na akong kinakabahan ngayon pero hindi ako nanginginig. Ano bang nangyayari sa buhay ko? Mas pipiliin ko pang bully-hin ako araw-araw kaysa makilala itong mga ito. Ilang sandali lang ay biglang umakyat si Santos at may dala-dala na siyang pagkain.
"Princess Airyll, kumain po muna kayo."
Hindi ko siya pinansin. Nakakaumay na tinatawag niyang prince yung mokong na iyon at ako bilang princess. Wala naman kami sa fairytale at hindi naman kami nga royal bloods katulad nung sa London. Napansin kong biglang lumapit si Santos sa akin at umupo sa kama.
"Princess Airyll, huwag po kayong matakot. Hindi po kaming masamang tao," sabi niya at muntik na niya akong mauto roon.
"Gu...gusto ko nang umuwi sa amin." Lalapit pa sana sa akin si Santos pero lumayo ako kaagad.
"Princess Airyll, hindi na po kayo makakabalik sa inyo. Ito na po yung magiging bago niyong tahanan." Bigla akong nagtaka sa sinabi niya.
"A...ano'ng ibig mong sabihin?"
"Kayo po ang nawawalang anak ni Sir Richmond Gomez."
Richmond Gomez? Biglang nanlaki ang mga mata ko. Ako? Nawawalang anak ng isa sa pinakamayamang tao dito sa bansa? Imbes na mainis ako, bigla akong natawa sa sinabi ni Santos. Hindi ko alam kung pagpapatawa ba yung paraan niya para kumbinsihin akong hindi silang masamang tao o ano.
"Ang ganda ng sense of humor mo, Santos."
Tiningnan ko siya pero mukhang hindi siya nagpapatawa at seryoso siya sa sinabi niya. May ipinakita siyang litrato sa akin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ka...katabi ni Mommy yung bilyonaryong si Richmond Gomez at yung batang kasama nilang dalawa, hindi ako puwedeng magkamali. Ako ito nung bata pa ako, base sa mga litrato ko noon na ipinapakita ni mommy. Napatingin ako ulit kay Santos.
BINABASA MO ANG
His Missing Fiancée (Editing)
Teen FictionIsang simpleng "nerd" lang si Airyll Anne Gomez at mayroong simpleng pamumuhay pero nang magpakita na ang mga misteryosong tao mula sa kan'yang nakaraan, dito na nagsimulang gumulo ang lahat. Tuluyan na kaya niyang makuha ang inaasam niyang bagay o...