Chapter Twenty-Five - Uneasiness

5.9K 161 15
                                    

(Airyll Anne's P.OV.)

Simula kahapon, nasa kuwarto ko lang si Ken at binabantayan ako. Kapag kailangan kong pumunta ng banyo, binubuhat niya ako papunta roon. Kapag may kailangan ako, kinukuha niya. Pinapakain niya rin ako. Wala akong narinig na kahit na anong reklamo galing sa kan'ya.

Aaminin ko, ang saya ko kasi inaalagaan ako ni Ken ngayon at pinagsisilbihan. Kahit inaasar niya ako dahil pinicture-an niya yung mukha ko na may drawing habang natutulog, okay lang. Tinulungan niya rin akong burahin yung mga naka-drawing sa mukha ko kahit inunahan niya ng pang-aasar.

"Prince Ken, Ms. Airyll, nandito po ang papa niyo," sabi ni Alex.

Nagkatinginan kami ni Ken. Gusto kong makita si Papa at masaya ako na bumisita siya pero bakit may masama akong pakiramdam dito? Nakakahiya man pero binuhat ako ni Ken, pababa. Nang makarating kami sa sala ay nakita ko ang ang seryosong mukha ni Papa.

"Anak, ano'ng nangyari sa iyo?" Halata sa mukha ni Papa ang pag-aaalala.

"Natisod lang po ako, Papa. Kumusta po kayo?" masaya kong tanong pero parang may problema base sa ikinikilos niya.

"Hindi niyo pa ba nakikita yung mga kumakalat na litrato?"

Iniabot niya sa amin yung cellphone niya at tiningnan namin ni Ken yung mga litrato. Mga litrato namin iyon ni Xander sa may lawa. Mayroon ding litrato sila Kate at Ken. Parang alam ko na kung sino'ng nagpapakalat nito kahit sabi ko noong una, ayaw ko siyang husgahan agad.

"Papa..."

"Totoo ba yung kumakalat na may kan'ya-kan'ya kayong karelasyon?" Ngayon ko lang nakita gan'to ka-seryoso si Papa. Halatang hindi niya nagustuhan yung mga nangyari.

"To be honest, Kate is my..."

"Hindi po totoo iyon, Papa. Matalik lang po naming kaibigan ni Ken sila Kate at Xander." Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Ken.

Napansin kong parang gumaan yung pakiramdam ni Papa. Hinawakan ko yung kamay ni Ken at tiningnan ko siya. Alam kong masama ang magsinungaling pero ayaw ko nang makadagdag pa ito sa iniisip ni Papa. Masyado na siyang maraming iniintindi.

"That's good then. However, we need to make an announcement to clear this mess. How about an engagement party?" masayang sabi ni Papa pero ayaw kong i-pressure si Ken. Once na lumabas na ito sa ibang tao, paniguradong wala nang chance mag-back-out si Ken sa arranged marriage na ito. Isa pa, ayaw kong maging sentro ng atensyon sa school.

"Pero, Papa, hindi naman na po kailanga..."

"I agree with you, Tito Ricky. This should fix the issue." Tiningnan ko si Ken at umiiwas siya ng tingin. Ano bang iniisip niya?

"Great! I'll schedule this as soon as possible. Expect a notice this week."

Nagpaalam na si Papa sa amin at inihatid na siya ni Ken sa labas. Naiwan ako sa loob ng sala dahil hindi na ako pinalabas ni Papa gawa nung sitwasyon ko. Sinisilip ko sila Ken at Papa sa labas. Medyo mahaba-haba rin yung pinag-usapan nila. Pagkaalis ni Papa, pumasok na rin si Ken sa loob ng bahay.

"Bakit ka pumayag?" tanong ko agad sa kan'ya. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Dahil iyon ang makakabuti sa lahat."

"Pero, once na lumabas iyon sa lahat, mas malaki ang chance na ma-pressure ka na huwag ng mag-back-out if things won't work out between us. Ayaw kong alisin yung freedom mo na hanapin yung babaeng mamahalin mo nang totoo just because of this fixed marriage. I don't want that kind of toxic relationship." Hinawakan ni Ken yung kamay ko.

"Do you trust me?" tanong ni Ken at base sa ekspresyon ng mukha niya ay seryoso siya.

"Yes, but..."

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon