Chapter Two - Ken Richard

10.2K 241 12
                                    

(Ken Richard's P.O.V.)

"Alex? Sigurado ka bang dito talaga nag-aaral ang fiancee ko? I mean si Airyll Anne Gomez?" tanong ko kay Alex. Kailangan ko na siyang makita kaagad. Kailangan kong maunahan si Xander.

"Opo, Prince Ken. Marami na po akong nakausap na nakaka-kilala sa kan'ya. Pero hindi pa rin tayo sigurado dahil mukhang ginawang confidential ni Ma'am Grace ang buhay ni Airyll."

Si Alex naman, pa-prince-prince pang nalalaman. Ang tigas talaga ng ulo, ilang beses ko nang pinagsasabihan at parang hindi naman niya ramdam na kaibigan na ang turing ko sa kan'ya. Masyado siyang masunurin sa walang kuwentang pakulo ng mga matatanda.

"Alex, huwag mo na nga akong tawaging Prince Ken. Kahit Ken na lang okay na. Nandito naman tayo sa pampublikong lugar." Tumango na lang siya. Mukhang magkakasundo sila ni Airyll at yun ay kung hindi pa tuluyang naimpluwensyahan si Airyll ng mga nag-aaral sa low-class na eskuwelahan na ito. "Naayos mo na ba yung mga papeles natin para sa enrollment sa Charleston?"

"Opo, Ken. Tara na po sa loob," sabi ni Alex at pumasok na kami sa loob ng Charleston.

Kung sakaling nandirito man si Airyll, hindi ko lubos maisip kung bakit dito siya pinag-aral ni Tita Grace. Kilala ang Charleston Academy sa pagiging tapunan ng mga estudyanteng siraulo, war freaks, bullies at patapon na ang mga buhay. Baka kapag nagkataon, isa na rin si Airyll sa mga nabanggit ko. Paniguradong magiging sakit siya sa ulo naming dalawa ni Tito Ricky.

Pagkapasok namin sa loob ay bumungad na sa amin kaagad ang kalokohang ginagawa ng mga estudyante dito. May isang babaeng nakasuot ng Nerdy Glasses ang nadapa dahil sa tali na iniharang ng mga estudyante sa daanan niya. Natanggal yung salamin niya at bumagsak siya sa lupa. May pumulot namang babae sa salamin niya at isa siya sa mga nambu-bully.

"Ito ba hinahanap mo Miss Nerd?" tanong nung nambu-bully na babae. Kahit mga babae dito walang class. Hindi man lang din pigilan nung mga taong nakapaligid sa kanila yung harap-harapan na pambu-bully na nagaganap. Natutuwa pa sila sa nakikita nila.

"Akin na nga yan Charie!" sigaw nung babae binu-bully sabay hablot dun sa salamin niya. Pero naitaas agad ito nung nambu-bully sa kan'ya kaya hindi niya ito nakuha.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako umakto sa mga nasasaksihan ko ngayon. Gusto kong tulungan yung babae na kinakawawa nila. Kapag may nangyayaring gan'to sa St. Caroline, wala akong pakialam o ako pa minsan ang pasimuno.

"You're so tanga talaga miss nerd. Then isusumbong mo sa principal and teachers namin na kami yung may kasalanan kung bakit ka nagkakagan'yan," sabi ng isang babae na marahil kaibigan nung lider nila na nambu-bully.

"Ano pa nga ba aasahan mo sa sipsip?"

Sa totoo lang, may hitsura yung mga nambu-bully pero yung ugali nila, parang wala nang pag-asa. Mas lalo akong nakaramdam ng galit ng sirain nung Charie yung salamin nung binu-bully nila at itapon sa kan'ya. Napansin ko ring nangingilid na yung luha nung babae pero pinipigilan niya lang huwag umiyak.

Sa puntong iyon, bigla kong naalala si Airyll. Gan'yan yung hitsura niya noong mga bata pa kami at binu-bully siya sa eskuwelahan namin. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya. Iyon siguro yung dahilan kung bakit ganito ang reaksyon ko. Ikinuyom ko yung mga palad ko. Kailangan siguro may gawin na ako. Papunta na ako sa mga nambu-bully pero biglang humarang si Alex sa daraanan ko.

"Ken? Prince Ken?!" tawag sa akin ni Alex at halatang kanina pa niya kinukuha ang atensyon ko.

"Bakit Alex?" tanong ko at tumingin ako sa likuran niya. Nagsimula nang magsipagbalikan yung mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom. Pati yung binubully, wala na rin. Pero yung tatlong babae na nangunguna sa pambu-bully, nandoon pa rin na parang nanigas sa kinatatayuan nila. Ano kayang nangyari?

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon