(Airyll Anne's P.O.V.)
Simula nang tumira ako pansamantala sa bahay ni papa, medyo gumaan yung pakiramdam ko. Pero nababagot pa rin ako. Hindi ko alam kung nagiging attention seeker ako dahil alam kong may mga taong magbibigay na sa akin ng atensyon. Alam ko namang busy siya at para sa akin naman yung ginagawa niya kaso, kung ako papapiliin, mas gusto ko na lang ng simpleng buhay kahit nakatira sa squatters.
Tumambay muna ako sa garden namin dahil wala akong magawa sa kuwarto ko at nasu-suffocate na rin ako. Kailangan ko ng sariwang hangin. Pagkarating doon ay namangha ako sa fountain at mga blue rose na nakatanim doon. Halatang alam na alam ni papa kung ano yung paboritong bulaklak namin ni mama.
Umupo ako sa isa sa mga bench na nandoon. Ang ganda ng garden, kahit papaano, napapagaan nito ang loob ko. Naabala lang ako sa pagmumuni-muni ko nang may lumapit sa aking maid.
"Princess Airyll, may bisita po kayo," sabi nito at nakita ko si Alice sa likod niya.
Tumango ako at nagpasalamat bago umalis yung maid. Hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Alice. Inaya ko siyang umupo sa tabi ko at pinaunlakan naman niya iyon. Ilang minuto rin kaming nagmamasid sa fountain na nasa harap namin bago niya binasag ang nakakabinging katahimikan na bumabalot sa amin.
"Princess Airyll, alam kong hindi ko dapat ito gawin pero mahalaga si Prince Xander sa akin." Napatingin ako sa kan'ya. "Sana po ay sabihan niyo po si Prince Ken na kung maaari, itigil na niyang laban nila ni Prince Xander."
"Laban?" Hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi ni Alice.
"Parte po kami ng isang organisasyon kung saan maaari naming kalabanin ang kapwa miyembro namin." Naguguluhan pa rin ako sa sinasabi ni Alice. "Sa madaling salita, may nakaabang na laban sina Prince Xander at Prince Ken at kung sinuman ang manalo, maaari niyang patawan ng parusa ang natalo niyang kalaban. At si Prince Ken po ang pinakakinakatakutan na kalabanin ng buong organisasyon. Wala pang nakakatalo sa kan'ya."
"Ma...malaki ang tiyansa na matalo si Xander?"
"Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan ni Prince Xander pero iyon ang totoo. Kaya sana pakiusapan niyo si Prince Ken kayo naman po ang puno't dulo ng lahat. Dahil kapag nagkataon, baka mangyari na ang inaasam na paghihiganti ni Prince Ken kay Prince Xander."
Bigla akong napayuko. Naiinis ako sinabi ni Alice dahil wala siyang karapatang sabihin iyon dahil unang-una, wala naman siyang alam. Pero sa kabilang banda, may punto at tama siya. Marahil kung hindi ko hinawakan yung kamay ni Xander noon at sumama sa kan'ya paalis ng bahay, hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Ikinuyom ko ang palad ko at tumayo agad paalis ng garden. Nagpahatid ako sa isa sa mga driver ni papa sa bahay ni Ken. Hindi ko alam kung bakit palagi na lang niya ako sinasaktan at pinapakialamanan ang buhay ko. Hindi pa ba siya nakuntento sa ginawa niya sa akin nung mga bata pa kami? Kulang pa ba yung parusa na ibinigay niya sa akin? Parang ang laki naman ng kasalanan ko sa kan'ya? Kasalanan bang nagkagusto ang isang tulad ko sa kan'ya?
Nakarating kami sa bahay ni Ken at sinalubong ako ni Alex. Nakangiti si Alex pero hindi ko mapigilan yung galit ko. Sobra na itong naipon at para akong sasabog na bulkan ngayon. Hindi na ako makapagisip nang maayos.
"Nasaan yung amo mo?"
Umakyat kami sa taas ng kuwarto ni Ken. Unang pumasok si Alex pero sumunod ako kaagad sa kan'ya. Nakita ko si Ken na nakaupo sa table niya. Nakakahiya naman sa kan'ya, prenteng-prente yung pagkakaupo niya at hindi man lang siyang nakokonsensya. May konsensya pa ba ang lalaking ito?
"Ano bang problema mo?"
Biglang nabalot ng inis yung mukha niya. Wala akong pakialam kong mag-away kami ngayon o magkasakitan. Ito naman palagi niyang hinahanap kaya palagi siyang gumagawa ng mga bagay na ikinakabuwisit ko. Kung iniintindi niya lang ako at hindi puro gusto niya ang nasusunod, hindi kami aabot sa ganito.
BINABASA MO ANG
His Missing Fiancée (Editing)
Novela JuvenilIsang simpleng "nerd" lang si Airyll Anne Gomez at mayroong simpleng pamumuhay pero nang magpakita na ang mga misteryosong tao mula sa kan'yang nakaraan, dito na nagsimulang gumulo ang lahat. Tuluyan na kaya niyang makuha ang inaasam niyang bagay o...