Chapter Five - Unexpected Encounters

1K 24 0
                                    

(Airyll Anne's P.O.V.)

Ilang beses ko nang tinitingnan ang sarili ko sa salamin sa sobrang kaba, mabuti na lamang ay hindi pa ito sumusuko at nababasag. Kanina pa rin ako palakad-lakad. Hindi ko alam kung ano'ng iaakto ko o magiging reaksyon kapag nakita ko na yung papa ko, ang bilyonaryong si Richmond Gomez.

"Ms. Airyll, kumalma lang po kayo. Sigurado po akong sobrang matutuwa si Sir Ricky kapag nakita na po niya kayo."

"Sigurado ka ba, Alex? Baka binobola mo lang ako." Tumango lang si Alex. "Hindi na ba ako mukhang dugyot, Alex?"

"Ms. Airyll, huwag po kayong mag-alala. Mabait po ang papa niyo." Hindi ko alam kung nagbibiro si Alex e. First time ko lang kasi magsuot ng dress at heels. Kailangan daw masanay na ako sa gan'to.

May kumatok sa pinto at bigla akong nag-panic sa hindi ko malaman na dahilan. Binuksan ni Alex iyon at nagulat ako nang makita si Ken at bihis na bihis siya. Ano'ng ginagawa niya dito? Sa ilang araw kasi na pananatili ko sa bahay niya, ngayon ko lang siya ulit nakita simula nung unang araw ko dito. Mabuti na rin siguro iyon, para tahimik dito sa bahay at hindi kami nagrarambulan. Baka masuntok ko lang siya ulit. Tiningnan ko siya at tiningnan niya rin ako mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis niya akong mabuti. Mas lalo tuloy bumababa low-esteem ko na harapin si Papa.

"Ano?" pagsusungit ko sa kan'ya.

"Okay na iyan. Tara na, naghihintay na papa mo sa baba," sabi niya at nauna nang lumabas ng kuwarto.

"Good luck po Ms. Airyll!"

"Thank you, Alex."

Lumabas na ako sa kuwarto at nagulat ako nang makita ko si Ken na naghihintay. Akala ko nauna na siya.

"Ang bagal mo kumilos," pagsusungit niya. Talagang hindi kami magkakasundo, pareho kaming masungit at maiksi ang konsensya, talagang mag-aaway at mag-aaway kami. Itulak ko kaya ito sa hagdan para tumino. Sa kabila ng mga atraso niya sa akin, siya pa ang may lakas ng loob na umasta ng gan'to. Hindi na talaga nagbago masamang ugali nito.

"Sino ba may sabing hintayin mo ako?"

Hindi na siya sumagot, hinila na lang niya ako at inilagay niya yung kamay ko sa braso niya.

"Ano'ng ginagawa mo?"

"Ayusin mo mga sasabihin mo sa papa mo." Pinagbabantaan niya ba ako?

Tumahimik na lang ako. Ayaw kong mag-eskandalo at awayin itong lalaking ito. Baka ako ang lumabas na masama at nakakahiya sa papa ko. Makiki-ride na lang ako sa ka-plastic-an ng asungot na ito. Siguro ito yung dahilan kaya ako inilayo ni mommy? Ayaw niyang maipakasal ako sa isang taong hindi ko naman gusto at worst, napakasama ng ugali.

Pagkababa ay nakita ko ang isang medyo may edad na lalaki na nakaupo sa couch at nagbabasa ng dyaryo. Naka-Americana siya at mahahalata mo sa postura niya ang pagiging pormal. In short, nakaka-intimidate. Gusto ko sana umatras kaso ayaw kong ipakita sa mokong na ito na kinakabahan ako. Just be confident, Airanne.

Nang makalapit na kami at mapansin ng papa ko yung presensya namin ni Ken, agad itong tumayo. Tiningnan niya akong mabuti at parang malulusaw yata ako. Ganito ba yung feeling na magkaroon ng ama? Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Airyll, anak."

"Pa...papa?" Gusto ko na lang maiyak sa puntong iyon, dahil pagkaraan ng ilang taon, finally, nasambit ko na yung mga katagang iyon.

"Ako nga, anak. Matagal kong hinintay yung pagkakataon na ito, akala ko hindi na kita makikita pang muli." Tuluyan nang nagsipagbagsakan yung mga luha ko. Sobra yung saya na nararamdaman ko.

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon