(Airyll Anne's P.O.V.)
Sinubukan kong umalis sa real world at pumasok sa mundo ng binabasa ko pero hindi ko magawa. Hindi pa rin ako mapakali sa lalaking katabi ko, nababaliw na yata siya. Mali yata yung napuntahan niyang lugar. Dapat doon siya sa mental.
Parang ang weird lang, kasi hindi ako nanginginig sa kan'ya kahit mukha siyang perfect fictional character na galing sa isang book, in short mukha siyang prince charming. Pero kaya siguro ganoon dahil pangit ugali niya? Kaso kasi sa iba, automatic na manginginig ako kahit hindi ko nakakausap or nakakasalubong ko lang. Hindi kaya nag-i-improve na itong sakit ko na ito? Ilang years na rin naman simula nung ma-trauma ako.
Napansin kong lumapit si Santos kay Ken at parang may ibinubulong. Palihim akong tumingin sa kanila at napansin ko na parang may nagbago kay Santos. Mukha siyang nanlalata, hindi katulad kanina na sobrang sigla niya at hyper. Napabalik ako kaagad sa pagbabasa nang umalis na si Santos. May nangyari ba? Or magka-cutting siya which is hindi ko inexpect dahil mukha naman siyang matino?
"Airyll, natatandaan mo pa ba ito?"
Nahalata ko sa tono ng pananalita ni Ken yung pagiging seryoso kaya napatingin ako sa kan'ya at sa hawak niya, na maling desisyon dahil biglang bumalik yung isang masakit na alaala na matagal ko nang nakalimutan.
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Nasa may garden kami noon, may event yata dahil may mga ibang bata at magulang na nandoon. Tahimik akong naglalaro ng clay sa isang sulok hanggang sa may lumapit sa aking isang matandang lalaki.
"Iha, may ibibigay pala sa iyong regalo anak ko," nakangiting sabi nung matanda habang itinutulak yung anak niyang lalaki papalapit sa akin.
Tiningnan ko lang yung batang lalaki na halatang may sumpong pero hindi ko na pinansin iyon. Agad kong tinanggap yung regalo niya dahil akala ko noon ay hudyat na iyon ng pagkakaayos namin. Binuksan ko yung box at nagulat ako nang may nakita akong kuwintas. Sobrang saya ko noon dahil ang ganda ng kuwintas at magkakabati na rin kami ng kaibigan ko. May makakalaro na ulit ako sa burol.
"Thank you po!" masaya kong sabi sa kanila.
Iniwan na kaming dalawa ng papa niya at nakipag-usap sa ibang matanda. Biglang lumapit yung bata at inagaw yung kuwintas na ikinagulat ko.
"Akin na nga yan!" sabi niya.
"Ayaw ko, bigay mo sa akin ito 'di ba?" sabi ko naman dahil ang ganda-ganda ng kuwintas tapos aagawin niya.
"Hindi naman sa iyo iyan eh. Huwag ka nang makulit. Hindi kita gusto, si Kate gusto ko. Ang pangit-pangit mo."
Sobra akong nasaktan at nagalit sa sinabi niya kaya hindi ko binitawan yung kuwintas. Nag-agawan lang kami roon. Maling pagkakamali ko lang, sana ibinigay ko na lang sa kan'ya agad iyon. Sa sobrang pag-aagawan, hindi ko namalayan na nasa may lamesa na pala kami ng mga pagkain, at 'di sinasadyang nabangga ko yung lamesa kaya natapon sa akin yung sauce ng spaghetti at iba pang pagkain na nakalagay doon.
Tiningnan ko yung batang lalaki at hawak niya na yung kuwintas. Pinalibutan na rin kami ng iba pang mga bata at sa araw na iyon, naging isa akong malaking katatawanan sa kanila. Akala ko tutulungan ako nung bata at magsisilbing prince charming ko. Pero nagkamali ako, mas lalo pa niya akong ipinahiya.
"Iyan napapala ng mga batang kumukuha ng mga gamit na hindi naman para sa kanila. Buti nga sa iyo."
Ibinato niya yung kuwintas sa akin bago umalis. Sa puntong iyon, gusto kong umiyak pero yumuko na lang ako. Naisip ko na dapat hindi ko sinasayang yung luha ko sa mga aroganteng tao katulad niya. Itinapon niya lang lahat ng pinagsamahan namin dahil lang sa pesteng kuwintas na iyon.
BINABASA MO ANG
His Missing Fiancée (Editing)
JugendliteraturIsang simpleng "nerd" lang si Airyll Anne Gomez at mayroong simpleng pamumuhay pero nang magpakita na ang mga misteryosong tao mula sa kan'yang nakaraan, dito na nagsimulang gumulo ang lahat. Tuluyan na kaya niyang makuha ang inaasam niyang bagay o...