Chapter Seven - St. Caroline Academy

8K 204 7
                                    

(Airyll Anne's P.O.V.)

Tinitingnan ko yung note na binigay ni Xander. Nakasulat doon yung number niya. Ito siguro yung way para makausap siya at masabihan kung gusto kong tumakas dito. Ang kaso lang, wala akong cellphone para ma-contact siya. Agad kong itinago yung note na yung nang may narinig akong kumatok.

"Ms. Airyll, gusto niyo po bang pumunta sa St. Caroline ngayon?" tanong ni Alex. Bigla akong na-excite dahil nabuburyo na talaga ako dito sa bahay.

"Pinayagan ba ako?" Tumango si Alex at napatayo na ako kaagad sa higaan ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay umalis na kami ni Alex. Gamit namin yung isa sa mga sasakyan ni Ken at tama nga si Xander, ang ganda nga ng sasakyan ni Ken. Ilang minuto lang ay pumasok na kami sa isang malaking gate. Namangha ako sa nakita ko, parang napunta kami sa ibang mundo pagkalagpas sa gate. Puro puno ang nasa paligid at kinalaunan ay nagkaroon na ng mga naglalakihang buildings.

"Alex, iskuwelahan pa ba ito o palasyo?" Natawa na lang si Alex sa sinabi ko.

Siguro kaya prinsesa at prinsipe ang turing sa mga nag-aaral dito dahil mala-palasyo ang St. Caroline Academy. Limang beses yata ang inilaki nito sa Charleston. Nag-park na si Alex at bumaba na kami. Halos puno na yung parking lot kahit sobrang laki nito at puro magagandang kotse pa ang naka-park doon. Ganito ba kayayaman talaga ang tao dito? Binigyan ako ni Alex ng mapa at kung anu-ano pang pamphlet. Tiningnan ko yung mapa. May swimming pool dito sa school, archery range, lawa, theatre halls, stadium, sports field, dormitories at golf course.

"Alex, gaano ba kalaki ang St. Caroline?"

"Nasa 20 hectares po yung lupang kinatitirikan nito." 20 hectares?! Ilang mais at bigas na ang maitatanim mo roon! "Nakapili na po ba kayo ng pupuntahan?"

Tumango ako. Pumunta na kami sa Archery Range. Habang naglalakad ay napag-usapan namin yung curriculum dito sa school. Almost same lang naman daw ang curriculum dito, pero ang pinagkaiba lang daw ay puwede kang kumuha ng extra subjects at required na may extra-curricular activity ang bawat estudyante rito.

"Ano extra-curricular mo, Alex?"

"Mixed Martial Arts po. Iyon po ang required sa amin na mga servants lang ang status dito sa school. Tanging mga katulad niyo lang po Ms. Airyll ang may kakayahang mamili."

Maganda na sana lahat ng nandito sa school kaso may social discrimination. Iyon ang pangit kapag ipinanganak at lumaki sa isang mayamang pamilya. Hindi mo alam ang kalagayan ng mga mahihirap at 80% ang chance na maging spoiled brat ka at i-discriminate sila. Pakiramdam mo pagma-may-ari mo sila dahil kaya mo silang bilhin.

"Bakit may discrimination dito?" tanong ko pero hindi na lang nakasagot si Alex.

Nakarating kami sa may Archery range at naabutan naming may mga estudyante roon na nagpa-practice. Umupo muna kami ni Alex sa isang tabi. Malayo-layo rin yung nilakad namin mula sa parking lot kaya napagod ako. Nag-observe lang ako sa mga estudyante at may taong pumukaw sa aking atensyon.

"Alex, sino yung babaeng pinagkakaguluhan nung mga lalaki?" tanong ko. Nakita ko yung babaeng kayakapan ni Ken nung isang gabi. Dito rin pala siya nag-aaral. Maraming lalaking nakapalibot sa kan'ya kaya madali siyang nakita ni Alex.

"Siya po si Princess Colleen Kate Cojuangco. Bakit niyo po naitanong? Kilala niyo po ba siya?"

"Ano relasyon niya kay Ken?"

Alam kong puwede akong masaktan sa tinatanong ko pero gusto ko lang makumpirma kung siya pa rin yung Kate na dating gusto ni Ken. Kung siya pa rin hanggang ngayon yung gusto niya.

"Siya po yung one great love ni Prince Ken."

Bigla na lang ako natawa. Nababaliw na yata ako. Nasasaktan ako pero may gana pa akong tumawa. Tiningnan kong mabuti yung Kate, siya pala yung palaging ikinukuwento ni Ken sa akin dati. Tama nga si Ken, kumpara kay Kate, wala akong sinabi, lalo na sa hitsura ko. Mas bagay sila.

His Missing Fiancée (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon