(Airanne's P.O.V.)
"Nerd"
"Sipsip"
"Squatter"
"Bida-bida"
"Bitch"
Ilan lamang iyan sa napakadaming itinatawag sa akin ng mga kaklase at mga taong nakaka-salamuha ko sa Charleston Academy. Ang impyerno ng buhay ko. Hindi ko alam kung may matitino pa ba dito o lahat naimpluwensyahan na o natatakot sa mga siraulong estudyante na ito at basagin ang trip nila sa akin. Hindi ko kung alam kung naging sobrang sama ko bang tao para ako lagi ang pag-initan ng mga ito. Tuwing umaga na lang, gan'to ang senaryo na nakikita ko, mga nagbubulungang mga estudyante sa paligid ko na hindi mo ba alam kung nagbubulungan ba talaga, matatalim na tingin sa akin, at
"Aray!" sambit ko nang matisod ako.
Ito, panti-trip sa akin coming to the point na nasasaktan na nila ako. Hindi ko namalayan yung tali na iniharang nila sa harapan ko dahil sa sobrang pag-iisip. Agad kong hinanap yung salamin ko pero hindi ko siya makapa sa paligid ko. Sobrang labo na ng mata ko kaya halos aninag na lang ng mga tao yung nakikita ko kapag hindi ako nakasalamin.
"Ito ba hinahanap mo Miss Nerd?" tanong ng babaeng may maarteng boses at nahinuha ko na agad kung sino ito.
"Akin na nga yan Charie!" sigaw ko sa kanya sabay hablot dun sa salamin ko pero agad niya itong naiangat. Kahit kailan talaga napakasama ng ugali ng babaeng ito. Sayang at anak pa man din siya ng principal ng Charleston, at malayong-malayo ang ugali niya sa ugali ng mama niya.
"You're so tanga talaga miss nerd. Then isusumbong mo sa principal and teachers namin na kami yung may kasalanan kung bakit ka nagkakagan'yan," sabi ng isang pabebeng boses and dahil sa way ng pananalita niya at ka-conyo-han, malamang si Drew iyon.
"Ano pa nga ba aasahan mo sa sipsip?" tanong naman ni Angelique.
Hindi ko na kailangan pa ng salamin para makilala kung sino itong mga ito. Araw-arawin ba naman nila ang pambu-bully sa akin. Bagay nga sa kanilang magkakaibigan yung bansag sa kanila dito sa Charleston. Hanggang pretty faces na lang sila as long as may make-up. Sana pati ugali may make-up para naman kahit papaano naitatago nila yung masamang ugali nila.
Naramdaman kong ibinagsak nila yung salamin ko sa sahig. Sa puntong iyon, gusto ko na silang sugurin pero mas nangibabaw yung pangingilid ng mga luha ko. Lahat puwede naman nilang sirain pero bakit yung salamin ko pa? Iyon na nga lang yung tanging bagay na iniwan sa akin ni mommy bago siya mawala.
"Hala ka Charie, pinaiyak mo si Ms. Nerd."
Ikinuyom ko yung mga palad ko at huminga ng malalim. Kailangan kong kumalma dahil sigurado akong pagsisihan ko kapag nagpadala ako sa emosyon ko. Hindi ko rin sila bibigyan ng karapatan na makita akong umiiyak. Kinuha ko na lang yung mga gamit ko at tumayo na ako. Papunta na sana ako sa classroom pero pinigilan nila ako at yun yung malaking pagkakamali na ginawa nilang tatlo.
"Alam na kaya ni Tita Mich kung ilang buwan na, Charie? I wonder, kilala niya rin kaya Jay?" tanong ko.
Biglang tumahimik ang lahat. Ngumiti na lang ako at nagsimula nang naglakad papasok ng classroom. Paniguradong nanginginig na sa takot si Charie. Tanging mga kaibigan lang niya ang nakakaalam at kahit kulang ang mga detalyeng sinabi ko, alam kong naintindihan niya kaagad iyon. Ikaw ba naman kapag gumawa ka ng kasalanan, paranoid ka na at hindi ka na makakapag-isip ng matino.
Pumasok na ako sa room namin at umupo sa may pinakalikod na parte kung saan walang tao. Kailangan ko ng peace of mind at malayo sa mga animal kong kaklase, lalo nasa grupo ni Charie. Panigurado ako, hindi niya palalagpasin ang araw na ito hangga't hindi siya nakakapaghiganti sa ginawa ko kanina. Kung tutuusin, pasalamat siya at hindi ko siya napatulan at wala akong salamin dahil pagsisihan niya.
BINABASA MO ANG
His Missing Fiancée (Editing)
Roman pour AdolescentsIsang simpleng "nerd" lang si Airyll Anne Gomez at mayroong simpleng pamumuhay pero nang magpakita na ang mga misteryosong tao mula sa kan'yang nakaraan, dito na nagsimulang gumulo ang lahat. Tuluyan na kaya niyang makuha ang inaasam niyang bagay o...