(Ken Richard's P.O.V.)
Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung mukha ni Airyll na naiinis dahil sa mga pang-aasar ko. Alam kong hindi pa siya nagkakaroon ng karelasyon at baguhan pa lang sa bagay na ito. Sa ikinikilos niya, mas natutuwa akong asarin siya.
"It seems like something good happened?" tanong ni Ranz habang naglalaro ng dart.
Nandito kami ngayon sa private room namin sa St. Caroline. Dito kami laging tumatambay kapag walang klase o ginagawa. Kaming apat lang ang puwedeng pumasok dito o gumamit.
"Let me guess, it involves your fiancée?" tanong ni Xavier pero hindi ko siya pinansin.
"At least, we don't have to see Ken's grumpy face whenever we come here," pang-aasar ni Ranz kaya binato ko siya ng unan.
"However, your fiancée looks tired and sleepy. Did you do it last night?" pang-uusisa pa ni Ranz.
"Siraulo ka talaga. Huwag niyo ako itulad sa inyo."
Bigla silang nagtawanan. Pero sa totoo lang, nababahala din ako kay Airyll. Mukhang pagod na pagod nga siya at walang tulog. Dahil ba yun sa nangyari kagabi? Tiningnan ko yung cellphone ko at hindi pa rin siya nagti-text or tumawag para ipaalam man lang yung number niya.
Natapos yung klase namin at nagmadali akong ayusin yung mga gamit ko para makapunta agad sa sasakyan ko. Bago makalabas ng pintuan ng classroom namin, nang-asar pa yung mga kumag.
"May nagmamadaling maka-score ulit," sabi ni Xavier na pinagtawanan naman nila Ranz at Nigel.
"Lagot ka sa akin bukas," babala ko sa kan'ya at umalis na.
Dumating ako sa sasakyan pero wala pa si Airyll. Wala ring ni-isang text o tawag galing sa kan'ya. Halos trenta-minutos na ako naghihintay, wala pa rin siya. Ano bang ginagawa niya? Tinawagan ko si Alex baka sakaling magkasama sila. Pero kahit si Alex hindi ko ma-contact.
"Looking for your fiancée?" Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kate. Pagkatapos ng pag-uusap namin sa Archery Range, ngayon na lang ulit kami nagkita.
"Yes, did you see her?" Nginisian ako ni Kate. I know that smirk. Dumating si Alex na hingal na hingal at may pag-aalalang ekspresyon.
"Prince Ken, hindi ko po mahanap si Ms. Airyll. Hindi na po siya bumalik ng classroom after lunch at sabi po nila Kurumi at Eun Hee, nauna na raw po siyang umalis sa kanila. Sinubukan ko po siyang hanapin pero hindi ko siya makita," sabi ni Alex habang naghahabol ng hininga.
"Good luck in finding her," sabi ni Kate bago umalis.
Gusto kong pigilan si Kate at komprontahin kung ano'ng ginawa niya kay Airyll. Pero mas kailangan kong mahanap si Airyll ngayon. Naghiwalay kami ni Alex sa paghahanap sa kan'ya. Pumunta ako sa library at sa lawa na lagi niyang pinagtatambayan pero wala siya roon. Sinubukan ko ring pumunta sa clinic dahil nagbabaka-sakali ako na doon siya nagpahinga. Kaso miski anino niya hindi ko nadatnan doon.
Tinawagan ko si Alex at hindi niya pa rin nahahanap si Airyll. Tinawagan ko rin si Kate pero hindi siya sumasagot. Kapag may nangyaring masama kay Airyll, hinding-hindi ko mapapatawad si Kate. Gabi na at hindi ko pa rin mahanap si Airyll. Inisa-isa ko lahat ng kuwarto sa building nila hanggang sa maalala ko yung rooftop kung saan kami na-trap noon.
Nagmadali akong umakyat doon at pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Airyll na nakahandusay roon. Tumakbo ako palapit sa kan'ya at sinubukan ko siyang gisingin pero ngumiti lang siya. Inamoy ko siya at amoy alak siya. Agad ko siyang binuhat at napansin ko na may boteng nalaglag. Pero hinayaan ko lang iyon, dali-dali akong pumunta sa sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
His Missing Fiancée (Editing)
Teen FictionIsang simpleng "nerd" lang si Airyll Anne Gomez at mayroong simpleng pamumuhay pero nang magpakita na ang mga misteryosong tao mula sa kan'yang nakaraan, dito na nagsimulang gumulo ang lahat. Tuluyan na kaya niyang makuha ang inaasam niyang bagay o...