Chapter 3

3.8K 97 0
                                    

Kinabukasan ng magising si Ecca ay wala na sa kanyang tabi si Ellieoth.

Bumangon siya sa pag kakahiga at naupo sa kama habang balot ng satin blanket ang buong katawan niya.

Dahan-dahan siya umalis sa kama at nag lakad papalabas ng pinto ng kwarto. Inayos din niya ang pag kakabalot ng blanket sa kaniyang hubad na katawan nag mistulan itong mahabang dress sa kanya.

Nang makalabas siya sa kuwarto may narinig siyang mumunting tunog ng isang piano.

"Saan ng gagaling yon?" Tanong niya sa kanyang isipan.

Nasa malawak na siya ng sala , ng matanaw niya roon ang isang kulay itim na pinto naka awang ito kaya nag tungo siya roon.

Marahan niyang tinulak ang pinto papasok malamig sa loob na halatang galing sa buga ng aircon, siguro'y bumalik na ang power ng kuryente.

Nag lakad siya patungo kung saan nang gagaling ang tunog ng piano.

Nahinto siya sa pag lalakad ng matanaw niya mula sa kinatatayuan niya ang lalaking naka upo sa isang upuan wala itong suot na pang itaas na damit tanging maong na pants lang suot nito.

Patuloy lang sa pag tugtog ang lalaki habang siya ay matamang nakikinig sa magandang musika.

Ilang minuto lang ay kumanta na ang lalaki, labis siyang na mangha dahil sa lamig ng boses nito.

Sa ilang taon nilang pag sasama ngayon niya lang ito narinig kumanta at mas lalong ngayon niya lang din ito nakitang mag piano.

Ang isang Ellieoth Del Falco ay marunong pala kumanta at mag piano.

Hindi niya alam kung anong title ng kanta ang kinakanta ng lalaki pero maganda ito, bagay na bagay sa  boses ng lalaki lalo ito naging gwapo sa kanyang paningin.

Maingat na yabag ang ginawa ni Ecca papalapit sa lalaki nang makarating siya sa likoran ng lalaki ay pinag masdan niya ang malapad na likod nito.

Tumigil ang lalaki sa pag tutog ng piano at pag kanta ng maramdaman niya isang presensiya ng tao sa kaniyang likuran. Amoy na amoy rin niya ang mabangong halimuyak ng buhok ng babae.

Bigla siyang napangiti na hindi niya na lalaman kung bakit.

Simula ng magising siya kanina ay halos hindi siya makapaniwala ang babaeng isang taon niyang hindi binigyan ng pansin ay naka siping niya sa kama.

Para sa lalaki ay isang magandang gabi iyon para sa kanya.

Nang mag mulat siya ng mata kanina ay magandang mukha ni Ecca ang unang hinanap ng kanyang paningin hindi ito nag sawang titigan ang maamong mukha ng babae.

Bumaling siya sa kaniyang likuran nakita niya ang babaeng nakatayo sa kanyang likuran balot ang katawan nito ng kumot.

Para itong isang diyosa ang ganda-ganda nito kahit anong suot nito ay napaka ganda kahit siguro'y pasuotin ito ng punit-punit na damit ay napaka ganda parin nito.

Nilahad niya ang kamay niya sa babae tinanggap naman ito ni Ecca.

Ginaya niya ito paupo sa kanyang mga hita

At hinawakan ang dalawang kamay at tinapat sa piano.

"Tuturuan kita kung paano tumugtog ng piano."  Sambit ng lalaki.

Nag umpisang gumalaw ang daliri ni Ellieoth kasabay ng kay Ecca.

Napapikit si Ecca sana ay hindi na matapos ito, yung ganito lang silang dalawa. Gusto niyang patigilin ang oras at manatiling ganito silang dalawa labis ang sayang nararamdaman ni Ecca ngayon.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon