"Boss anong plano mo kay Ellieoth Del Falco?" Tanong ng isang lalaki.
Nasa opisina ng kaninyang mansion ngayon si Diego Deogracia seryuso ang mukha ng lalaki. Habang ang mga mata nito ay naka tuon sa kaniyang anak na lalaki. Nasa crib ang bata mahimbing itong natutulog.
"Like what i said before, may tamang panahon. Hindi man ngayon pero susunod na hinirasyon." Wika ng lalaki at sumimsim ng alak sa hawak nitong kopeta.
"Ihanda mo ang passport ko, at asikasuhin mo narin ang sa'yo. Aalis tayo pupunta tayo ng america, then after 10 years ay babalik tayo dito sa pilipinas. Pero bago yun may gagawin muna ako. Ngayon masusubukan kung gaano talaga katibay ang pag mamahalan ni Ellieoth at Angelecca. Kung gaano katatag ang pag mamahal ni Ellieoth para kay Angelecca." Ani ng lalaki at ngumisi.
Patungo sa boracay ang buong mag anak. Sakay sila sa isang private plane na pag mamay-ari ni Ellieoth Del Falco.
Mag babakasiyon ang buong pamilya roon total ay bakasiyon na ng mga bata sa school.
Napag usapan ng mag kakaibigan na kailangan nila ng bakasiyon at pahinga. Dahil narin sa mga hindi magagandang nangyari sa kanilang buhay, sa resort na pag mamay-ari ni Dom sa boracay nila napag disisyunan na mag vacation.
Nauna na ang ibang kaibigan ni Ellieoth sa nasabing lugar.
Bakas sa mukha ng mga bata ang excitement. Kasama nila si Mia ang mayordoma ng kanilang mansiyon. Kasama ang anak nitong si Hara.
Ang triplets ay nasa kanilang ya'ya si Leo ay katabi ni Edward at Reymond.
Sayang at wala na si Samantha dahil bumalik na ito sa London naroroon kasi ang kaniyang ama. Medyo nag kaka-edad narin kasi ito at gusto ng matanda ay makasama niya lagi ang kaniyang apo.
Si Ford naman ay sinundan si Samantha sa London gusto niyang manligaw sa babae pero si Samantha ay umiiwas. Lalo na sa usaping pag-ibig. Sa isip kasi ni Samantha ay dala ni Ellieazar ang kaniyang puso sa kabilang buhay.
Hindi pa siya handa sa bagong pag-ibig, ngunit sadyang matiyaga si Ford, kaya nito mag hintay kahit gaano pa katagal kay Samantha.
Nang lumapag ang private plane sa malawak na paliparan sa caticlan airport ay agad sila nanaog. Pag baba palang nila sa hagdan ng plane ay may mahaba ay malaking itim na van ang nag aabang sa kanila.
Lumapit sa kanila ang dalawang lakaking tauhan ito ni Dom.
Tinulungan ng mga ito si Reymond at Edward mag mag buhat ng mga maleta at nilagay sa compartment ng sasakyan.
Sumakay sila sa malaking itim na van lahat sila ay tahimik habang nasa byahe.
Nang makarating sila sa caticlan port ay agad sila ginaya ng dalawang lalaki patungo sa isang yate katamtaman lang ang laki nito.
Naunang nag tungo si Ellieoth sa yate dahil siya ang nag alalay sa mga anak nito. Si Angelecca naman ay hindi pa naka baba sa sasakyan dahil biglang tumawag si Gray. Nang matapos ang pag uusap nila ay nanaog narin si Angelecca.
Ang ganda-ganda ni Angelecca sa suot nitong red floral print lace-up maxi long dress may slit ito sa kaliwang hita kaya halos makita ang isang legs ni Angelecca.
Dala sa sobrang init ng araw ay halos kuminang ang makinis at mala pursilanang balat ni Angelecca. Ang kulay ash brown at mahaba nitong buhok ay pinapalid ng hangin, na nag bigay pa ng kaakit-akit sa paningin ng mga kalalakihan.
Habang nag lalakad si Angelecca patungo sa nakadaong na yate ay hindi maiwasan mapatingin at mapalingon ng karamihang mga kalalakihan sa kaniya.
Kahit ang mga americano ay hindi
maiwasan matitig sa kaniya. Ang mga babaeng nakakasalubong ni Angelecca ay puno ng pag hanga at inggit sa mga mata ng mga ito.
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband' Season 2.( Completed )
RomanceBakit ganito sa tuwing nag mamahal tayo , may kalakip na sakit. Sa tuwing masaya tayo , may kalakip na kalungkutan . Hindi na ba ako pwedeng maging masaya, bakit ganito kalupit ang kapalaran ko pag dating sa pag-ibig lagi akong bigo. Bakit nagawa mo...