"Ang lalakas ng loob niyo tumakas, anong akala niyo sa akin tanga. Akala niyo siguro hindi ko malalaman ang mga pinaplano niyo!"
Bulyaw ni Voss at tinapunan ng nakamamatay na tingin sina Angelecca at Lyra.
"Traydor ka talagang babae ka!" Anas ni Voss at mariing piniga ang braso ni Lyra.
"Aray! Nasasaktan ako, masakit ano ba! bakit mo ako sinasaktan akala ko ba mahal mo ako?" Sigaw ni Lyra.
"Wag kang umasang mamahalin kita, dahil ginamit lang naman kita para maisakatuparan ko ang lahat ng mga plano ko. At ngayong hawak ko na si Angelecca, hindi na kita kailangan wala ka ng silbi pa sa'kin!" Sigaw ng lalaki.
Tumulo ang luha sa mga ni Lyra, bumalatay ang sakit sa mukha nito.
"Boss, nakatakas yung dalawa." Humahangos na wika ng lalaki, sa kaliwang kamay nito ay may hawak itong baril.
"Mga inutil! Isang lalaking iika-ika at isang bata lang, ay natakasan pa kayo. Mga wala kayong silbi! Puntahan mo ang ibang kasamahan mo, at ipaalam mo na lilipat tayo sa warehouse." Sambit ng lalaki at pabalyang tinulak si Lyra papunta sa dalawa pang tauhan niya.
"Dalhin niyo ang babaeng yan sasakyan," utos nito sa mga lalaki.
"G**go ka talaga, kahit g**go ka mahal na mahal kita Voss." Sigaw ni Lyra habang kinakaladkad ito ng dalawang lalaki papunta sa kotse.
"Ikaw! Halika rito." Sabay hila ng braso ni Angelecca at kinaladkad niya rin ito patungo sa kotse kung saan isinakay si Lyra.
Lihim na pangiti si Angelecca alam niyang ligtas na si Leo at Edward. Isa lang ang dasal niya na sana matiwasay ang mga ito makarating sa mansion ng makahingi ng tulong.
"Ellieoth, please umuwi kana i need you now." Usal ni Angelecca sa kanyang isipan.
Pasimpleng ibinulsa ni Angelecca ang kwentas sa bulsa ng suot niyang jumpsuit.
Sa tabi ni Lyra naupo si Voss, hindi nakawala sa paningin ni Angelecca, ang marahang pag himas ni Voss sa makinis na hita ni Lyra. Nakasuot lang kasi ang babae, ng dress na hanggang lagpas tuhod ang haba.
"Ano ba! Huwag mo nga akong hahawakan, hindi mo ako mahal hindi ba? Kaya wala kang karapatan hawakan ako!" Sigaw ni Lyra sa loob ng sasakyan at tinapik ang kamay ni Voss.
Nakita ni Angelecca ang pag tiim ng labi ni Voss, habang nakatitig kay Lyra.
"Sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod, hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko sa'yo. Hahawakan kita kahit saan parte ng katawan mo sa ayaw, at sa gusto mo." Matigas na wika ni Voss.
Binaling ni Angelecca, ang kanyang paningin sa labas ng bintana. Para kasing aso't, pusang nag aaway ang dalawa. Kung nag kataon lang na wala sila sa ganitong sitwasiyon, baka kiligin pa siya sa dalawa.
"Huwag! Pakiusap maawa ka sa akin Voss!" Umiiyak na sigaw ni Lyra sa kabilang bodega, kung saan ito ikinulong at ngayon ay kasama nito si Voss sa loob ng nasabing bodega.
Si Angelecca naman hindi mapakali, panay ang silip niya sa maliit na butas. Katabi lang kasi ng kwartong ito ang bodega kung saan dinala si Lyra.
Hindi gaano maliwanag sa loob nito kaya hindi masyado maaninag ni Angelecca, kung ano ang nangyayari sa loob. Labis ang pag aalala ni Angelecca kay Lyra, hindi niya alam kung anong nangyayari sa babae.
Muling sumilip si Angelecca sa maliit na butas, at sa wakas ay may nakita na siyang munting liwanag sa loob nito.
Kahit hindi gaano kaliwanag ang bombilya sa loob nito, ay sapat na para makita niya kung ano nangyayari sa loob.
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband' Season 2.( Completed )
RomanceBakit ganito sa tuwing nag mamahal tayo , may kalakip na sakit. Sa tuwing masaya tayo , may kalakip na kalungkutan . Hindi na ba ako pwedeng maging masaya, bakit ganito kalupit ang kapalaran ko pag dating sa pag-ibig lagi akong bigo. Bakit nagawa mo...