Epilogue

3.9K 75 0
                                    

Sa isang basement ng mansion nakakulong ang isang batang babae.

Isang araw ay napadpad ang binatang lalaki roon. Dahil sa isang kalabog sa baba ay natuksong puntahan ito ng binata.

Maliwanag naman ang pasilyong kan'yang dinaraan. Habang nag lalakad siya ay pinapaikot niya sa kan'yan hintuturo ang bolang dala- dala nito.

Muli siyang nakarinig ng sunod-sunod na kalabog.

Nang gagaling ito sa pinaka dulo ng pasilyo. Sa dulo na iyon ay may isang kulay itim na pinto.

Kumunot ang noo ng binatang lalaki, ano kaya ang mayroon sa kwartong iyon. Bakit maingay mayroon din siyang narinig ng isang tinig, kung hindi siya nag kakamali ay boses ito ng isang batang babae.

Malaking hakbang ang ginawa ng binatilyo patungo sa misteryusong pinto.

Nang nasa harapan na siya ay nawala ang ingay na nag mumula roon.

Kinatok ito ng binata pero walang sumasagot. Ilang beses niya itong kinatok pero wala na talaga siyang narinig na ingay mula sa loob.

Guni-guni niya lang ba iyon? Pero hindi, rinig na rinig ng kan'yang dalawang tainga ang boses ng isang batang babae.

Hinawakan ng binatilyo ang siradura ng pinto pipihitin na sana niya ito ng biglang--

"Florian!"

Ma-awtoridad na boses ng isang lalaki ang tumawag sa binata.

Agad na lumingon ang binatilyo sa ama nito. Nakatayo sa gitna ng pasilyo   si Diego Deogracia. Habang ang dalawang kamay nito ay naka suksok sa bulsa ng itim na pantalon nito.

"What are you doing here?!"

Seryusong tanong ng lalaki sa anak nito.

"May roon akong narinig na ingay mula sa kwartong ito. May tao ba dito?" Usisa nito sa ama.

"Wala, pero may roon akong isang alagang mabangis na  hayop na naka kulong sa silid na iyan." Sagot nito.

"Really? Pero boses ng isang batang babae ang narinig ko mula rito." Takang saad nito at idinikit ang kan'yang tainga sa pinto. At pinakiramdaman kung may maririnig paba siya ritong ingay.

Masyado ng tahimik sa loob kaya wala na siyang marinig na kahit anong ingay o kalabog sa loob.

"I heard something!" Anang niya sa isipan.

"Lets go Florian, baka mahuli tayo sa flight. Your tita Amber its waiting with us." Saad ng lalaki at tumalikod na.

Si Florian ay trese anyos na ngayon. Ngayong araw nakatakda ang balik nila sa america doon kasi sila namamalagi.

Si Elizabeth ang mayordoma ng mansion, ang naka talagang mag alaga at mag bantay kay Sadia habang wala sa pilipinas si Diego.

Mahigpit ding pinag babawal ng lalaki naka makalabas ang bata sa silid nito. Hindi ito pwedeng makalabas ng mansion o' makasilip man lang sa bintana.

Kaya ang kwarto ng batang babae ay walang bintana, kahit maliit na butas ay wala.

Tumalikod na si Florian at humakbang papalayo ng pinto ng silid. Ilang beses pa siya roon luningon bago tuluyang binilisan ang pag lakad nito.

Habang tumatagal ay unti-unti ng tinatanggap nila Angelecca at Ellieoth. Na hindi na nila makakasama pa si Sadia. Pero sa puso ni Angelecca ay nanatiling umu-asa na babalik ang kan'yang anak kahit gaano katagal ay mag hihintay siya.

Muli naman nabuntis si Angelecca noong mga nakaraang taon. Isang lalaki ang kan'yang ipinanganak. Buti nga ay hindi nag karoon ng komplekasiyon ang pag bubuntis ni Angelecca. Dahil thirty eight years old na siya ng mabuntis. Mabuti at kinaya niya pa ang pag bubuntis niya sa bunso nilang anak na lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon