Chapter 18

1.4K 48 2
                                    

Sa pinto palang tanaw ni Angelecca kung paano haplusin ni Lyra ang braso ni Ellieoth.

Parang may kung anong kumibot sa sintido ni Angelecca. Feeling niya kahit anong oras ay puputok ang ugat niya sa batok, pakiramdam niya  ha-high blood-in siya.

"Ang landi,, sarap bunutan ng ngipin ng walang anesthesia, respeto girl nandito ang asawa."

Usal ni Angelecca sa kaniyang isipan.

"Sweetie! Can you get me some water ? please, bigla kasi akong nauhaw."

Malambing na wika ni Angelecca sa asawa. Agad naman hinawi ni Ellieoth ang kamay ni Lyra na kanina lang nasa braso niya.

Kabadong napalingon si Ellieoth sa kinatatayuan ni Angelecca, ilang beses siya napa lunok.

"S-sweetie, s-sure k-kukuhanan k-kita teka lang kukuha ako sa baba."

Halos mag kanda-utal-utal sa pag sasalita si Ellieoth.

Matagal ng lalaki tinitigan ang kaniyang asawa, hindi naman bakas sa mukha nito na galit ito. Naka ngiti pa nga si Angelecca habang naka tingin sa kaniya.

Nag paalam si Ellieoth kay Lyra ng mapadaan si Ellieoth kay Angelecca ay tumigil ito at humalik sa pisngi ng babae.

"Wag mo masyadong bilisan sweetie hindi naman ako nag mamadali, baka kasi mapatid ka sa hagdan." Wika ni Angelecca sabay kabig sa batok ng lalaki at hinalikan si Ellieoth sa labi.

Nanlaki ang mata ni Ellieoth nabigla siya roon, hindi gawain ni Angelecca ang makipag halikan sa kaniya kapag may ibang tao.

Habang hinahalikan ni Angelecca si Ellieoth ang mga mata nito ay nakatuon kay Lyra. Dahil nahuli niyang nakatingin ito sa kanila ni Ellieoth.

Si Lyra naman napanganga dahil sa kaniyang nakita.

Si Ellieoth na ang unang humiwalay kay Angelecca para na siyang mauubusan ng hangin sa baga.

Humahangos na nakatitig si Ellieoth sa asawa at gumuhit sa labi nito ang nag lalarong ngiti. May ganito palang side si Angelecca ngayon niya lang ito nakita.

Nang umalis si Ellieoth ay dahan-dahan nag lakad si Angelecca patungo sa dereksiyon ni Lyra.

"Lyra, interior designer ka ang trabaho mo ay ayusin ang loob ng mansion na ito. Hindi kasali sa trabaho mo ang asawa ko! " May diin sa huling salitang binitawan ni Angelecca. "Hindi mo naman siguro gugustuhin na tawaging kang, isang kabit. Mahiya ka naman sa katawang lupa mo kung meron ka, i warning you Ms. Garcia hindi pa ako nakakapatay sa tanang buhay ko, baka ngayon palang kung hindi mo ititigil yang kakatihan at kalandian mo!" Muling saad ni Angelecca sa malumanay na tinig ngunit may halong pag babanta.

Agad namutla ang babae at ilang beses napa lunok.

"Do you understand?" wika muli ni Angelecca.

"Y-yes, Mrs Del Falco."

Halos walang lumabas na salita sa bibig ni Lyra para hangin lang ito.

"Good, kung ganoon ay mag kakasundo tayo." Bigkas ni Anglecca at ngumiti kay Lyra.

Sakto naman dumating si Ellieoth bitbit ang ang plastic bottle of water. Kinuha niya pa ito sa kanilang sasakyan naubos kasi ang stock ng mineral water sa mansion na ito. Hindi pa nakakapag pa-deliver ng inumin ang care taker ng mansion na si Mang Agustin.

"Here's your water sweetie." Saad ni Ellieoth at sabay abot kay Angelecca.

Pag katapos ipakita ni Lyra ang magiging design ng kabuuhan ng mansion ay nag paalam na ito na aalis.

My Possessive Husband' Season 2.( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon