Maagang nagising si Ecca upang pumasok sa opisina. Kahit marami silang katulong ay siya ang nag luluto at nag aasikaso ng almusal para sa kaniyang mag aama.
Minsan ay nauuna siya kay Ellieoth umalis upang pumasok sa kompaniya na ipinamana ng kaniyang ama sa kanya.
"Good morning ma'am Angeleccca!"
Bati sa kaniya ni Mia ang dating yaya ni Leo na ngayon ay mayordoma na. Kababalik lang nito noong mga nakaraang taon pag katapos manganak nito.
"Good morning Mia!" Balik na bati nito sa babae.
Nag hahanda ng pagkain sa mahabang kabesera si Ecca ng mapansin niyang nakatingin sa bandang likuran niya si Mia kaya tinanong niya ito.
"May problema ba Mia?" Tanong niya sa katulong.
Sa halip sumagot ang babae ay ngumuso na lamang ito kaya sinundan niya kung ano ang itinuturo nito.
Bumaling siya sa kaniyang likuran, naroon si Ellieoth naka bihis na ito at handa na pumasok sa opisina.
Mataman ito nakatitig sa kanya, ang mapupungay na mata nito ay sa kanya naka tuon.
Nag iwas agad ng tingin si Angelecca, at muling humarap sa katulong tinaasan niya ito ng kilay dahil para itong kinikilig.
"Bakit ganiyan ka makangiti?" Tanong niya rito.
"Paano po kasi kanina pa nakatitig sa'yo si sir Ellieoth. Ang sexy mo naman kasi sa suot mo. Kaya ayan natutulala si sir Ellieoth."
Marahan niyang hinampas sa braso si Mia.
Agad naman nakaramdam ng kilig si Angelecca. Dahil kahit papaano ay attractive parin siya sa paningin ng asawa kahit nakalimutan siya nito.
Nag tanggal siya ng apron at ibinigay kay Mia ito.
"Kapag nagising si Leo at ang triplets ay pakainin mo, at ipahatid mo narin si Leo kay Edward sa school. Ako ang mag susundo mamaya kay Leo." Bilin niya sa babaeng kausap.
"Sige aalis na ako." Paalam niya rito.
"Hindi kana kakain ma'am? marami ang niluto mo." Pahabol niya sa amo.
"No, sa office nalang ako kakain." Pag kasabi niya nun ay tumalikod na ito.
Nag lakad na siya papunta sa dereksiyon ni Ellieoth, naka tayo kasi ito sa pinto ng dining room.
Tumigil siya sa harapan ng lalaki dahil napansin niyang hindi maayos ang pag kakalagay ng neck-tie nito.
Inayos ito ni Angelecca habang si Ellieoth ay nakatitig sa mukha ng babae.
Akala ni Angelecca ay tatanghaliin ito ng gising dahil galing ito sa club madaling araw na yata ito dumating. Sinundan niya ito kagabi. Kahapon din ang kanilang wedding anniversary pero hindi niya na ito pinaalala pa sa asawa dahil siguradong maiinis na naman ito sa kanya.
"Good morning! Have a nice day." Wika ni Angelecca at umalis na sa harapan ni Ellieoth.
Kumunot ang noo ni Ellieoth nag tataka ito kung bakit hindi siya hinalikan ni Angelecca sa kanyang pisngi.
Tuwing umaga kung aalis ang babae ay humahalik ito sa kanyang pisngi, o sa labi kahit hindi niya ito tinutugunan.
Pumihit siya patalikod at mataman tinapunan ng tingin ang magandang likod ni Angelecca.
Backless lang kasi ang design sa likod ng suot na damit ni Angelecca. Kaya lantad ang makinis at purselanang kutis nito.
Kanina niya lang napag masdan ng matagal ang babae, sexy pala ito. Simula kasi ng bumalik sila galing sa amerika ay hindi niya pa ito nakaka-siping sa kama mag kahiwalay rin sila ng silid na tinutulugan.
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband' Season 2.( Completed )
RomanceBakit ganito sa tuwing nag mamahal tayo , may kalakip na sakit. Sa tuwing masaya tayo , may kalakip na kalungkutan . Hindi na ba ako pwedeng maging masaya, bakit ganito kalupit ang kapalaran ko pag dating sa pag-ibig lagi akong bigo. Bakit nagawa mo...