"Matindi rin itong si Fork De Lata, esti Ford De Silva pala.
Ang lakas ng tama kay Ecca. Biruin mo kamukha pa talaga ni Angelecca ang inasawa. But infairnes maganda at sexy! ung hindi lang natin kasama si Angelecca " mapag kakamalan ko talaga siya si Ecca. Pag kakaiba nga lang ng dalawa ang kulay ng kanilang mga mata kay Ecca ay hazel nut samantalang si Alvanna ay kasing itim ng gabi kulay ng mata nito."Mahabang litaniya ni Kole at sabay lagok ng alak sa goblet nito.
Si Lara naman ay nag tungo sa comfort room dahil bigla-bigla nalang tumawag si Dianna sa kanya.
Nasa kabilang side ng table naka-upo ang grupo nila Ellieoth.
Kaharap naman nila ang table kung saan naka pwesto si Ford at Angelecca.
Habang sumisimsim ng alak si Ellieoth ang mga mata nito ay naka tuon lamang kay Angelecca.
Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya parang isang magnet si Alvanna para sa kaniya. Dahil pilit hinihila ang kaniyang atensiyon at paningin . Kahit iwasan niya ay hindi niya kayang tumangi sa kamandag na ganda ng babae. Sa isang babae lamang siya nag kakaganito yun ay sa kanyang asawa. Pero anong nangyayari sa kanya bakit parang nag kakasala siya kay Angelecca.
Nag tagpo ang kanilang mga mata na hindi sinasadya.
Nag katitigan ang dalawa ang puso ni Angelecca para na ito lalabas sa dibdib niya sa lakas ng kabog nito. Si Ellieoth naman ay bigla nalang napahawak sa kaliwang dibdib nito.
Ngumiti ang babae kay Ellieoth na lalong nag palakas ng tibok ng puso ng lalaki. Kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Ellieoth para sa babae.
Huling-huli naman ito ni Kole at Luke kaya nag salinan ng tingin ang dalawang lalaki at sabay ngisi.
"Tinamaan na ng lintik ang isang ito may balak pa yata kumabit sa may asawa." Bulong ni Kole kay Luke.
Namatay ang lahat ng ilaw sa loob ng venue at napalitan ng iba't ibang kulay ng dim light. Nag simula ang magandang tunog mula sa piano.
Nag tayuan naman ang mga lalaki at niyayang sumayaw ng sweet dance ang kanilang mga asawa at nobya. Ganoon din ang mga kaibigan ni Ellieoth siya nalang at si Samantha ang naiwan sa kanilang table.
Hinahanap naman ng kanyang mata ang kanyang impostor na asawa ngunit hindi niya ito nakita. Saan na kaya ito nag punta, hanggang ngayon hindi pa bumabalik.
Tumayo naman si Ford at hinawakan ang kamay ni Angelecca upang alalayan tumayo. Nag tungo sila sa pwesto nila Ellieoth at bahagyang ngumiti si Ford kay Ellieoth.
"Pare, pwede mo ba isayaw ang asawa ko." Naka ngiting wika ni Ford at sabay abot ng kamay ni Angelecca sa harapan ni Ellieoth.
Bumukas, sara ang labi ni Ellieoth naguguluhan siya sa inaakto ni Ford. Bakit ganito ang lalaki parang willing pa ito ipahiram ang asawa sa iba. Samantalang siya ay halos ipag damot niya si Angelecca noon kay Ford.
"Please dude!" Muling saad ni Ford.
"S-sure!" Hindi makapaniwalang usal ni Ellieoth at tumayo mula sa pag kakaupo.
Kinuha ni Ford ang kamay ni Ellieoth at pinatong nito ang kamay ni Angelecca sa palad ni Ellieoth.
Si Angelecca naman ay hindi maka tanggi ano ba nangyayari sa kaibigan niya. Oo alam niyang nag papanggap lamang sila ni Ford na mag asawa, pero hindi maganda tingnan, kung ibang lalaki ang kasayaw niya. Alam ng mga taong naririto na mag asawa silang dalawa ni Ford.
Nakita ni Ford ang pag tutol sa mga mata ni Angelecca habang nakatitig sa kanya ito. Nginitian lang siya ng lalaki bago mag salita.
"It's ok honey huwag mo intidihin ang ibang tao wala naman malisya."
BINABASA MO ANG
My Possessive Husband' Season 2.( Completed )
RomanceBakit ganito sa tuwing nag mamahal tayo , may kalakip na sakit. Sa tuwing masaya tayo , may kalakip na kalungkutan . Hindi na ba ako pwedeng maging masaya, bakit ganito kalupit ang kapalaran ko pag dating sa pag-ibig lagi akong bigo. Bakit nagawa mo...