♪♪
its hard to hear your name when i haven't seen you in so long.
-amnesia by: 5SOS
♪♪
**hindi ko alam pero habang tumatagal nakakabangon na din ako, siguro gawa na din ng mga taong nakapaligid saakin. habang tumatagal nalilibang ako at natatakot, natatakot na baka sa kakalibang ko ay makalimutan kong mahal kita, paano nalang pag bigla kang bumalik tapos nalimutan na kita? paano ka nalang kapag nangyari yun? ikaw pa din ang iniisip ko kaysa sa sarili ko.**
---
(presentDay)
naglalakad lakad lang kami ni andrei sa kung saan saan. maganda ang simoy ng hangin ngayong gabi at maaliwalas ang langit, napakadaming bituin.
"drei.. sa tingin mo may dadaan kayang shooting star?"
"aba.. malay ko! hindi naman ako taga pag-asa para mapredict kung may dadaang shooting star 'noh!"
"panira moment ka talaga. aah basta, kapag may dumaang shooting star wag kang magwiwish ha? ako dapat ang gagamit ng wish"
"tss. oo na, hindi naman ako naniniwala dun."
"kasi duwag ka."
"duwag saan."
"duwag kang maniwala sa mga bagay na impossible kasi takot kang masaktan."
"ewan ko sayo. bakit ba lokong-loko ka jan sa wish na yan? ano bang ihihiling mo."
"hmm secret."
nagpatuloy kami sa paglalakad ng biglang may dinampot siyang isang bote ng tanduay ice na pakalat-kalat sa daan, mukhang malinis naman ito.
"walang dadaan na shooting star ngayon, pero i-assume nalang natin na kapag kiniskis mo ang boteng 'to may lalabas na genie sa loob at iga-grant niya ang wish mo."
"hahaha, anong kalokohan yan? iba yata ang nalanghap mong hangin."
tumingin lang sya saakin at mukhang seryosong seryoso naman yung mukha niya.
inabot niya saakin yung bote .
"anong wish mo?" tanong nya ulit.
"sana.."
BINABASA MO ANG
twenty eight weeks of moving on (Her POV)
Teen Fictionsabi nya panghabangbuhay, sabi nya walang iwanan, sabi nya mahal ka nya. sabi nya lang yon! dahil ang totoo... hindi ito panghabangbuhay! iiwanan ka din nya! at ang best part dun? HINDI KA NAMAN TALAGA NYA MAHAL!! story by: hayi_monster cover by: ha...