♪♪nobody said it was easy, its such a shame for us to part.
Nobody said it was easy, no one ever said it would be this hardThe Scientist -Coldplay♪♪
**twelve weeks. 84 days of torture, 2016 hours of pain, all in the same intensity. Tinrato mo ko na parang siopao. Pinaramdam mong special ako, binola bola mo. Ako naman si tanga, asadong asado. How I wish to ease at least the half of everything, pero once a stupid, forever stupid. Hindi ako makaahon sa sarili kong katangahan. Malala pa ko sa natraffic sa EDSA. Hindi na nakausad.**
(Present)
"CJ.." I hugged my best friend since hindi ko na alam ang gagawin ko. "Litong lito ko. Bakit ganun? I thought it was Andrei. And now ugh.."
Nagtataka kayo kung anong pinaguusapan namin? Remember that truck scene last week? Yung may humila sakin at sinabing mahal nya ako? Huh. How I wish na sana si Zach yon, I even thought na si Andrei. But to my surprise.. It was James.
Yes si James, akala ko may something sweet sakanila ni Rachel.
"Magkachat kami ni Rachel kagabi. Inamin nya sakin, that she's falling in love with James." Si CJ.
"Ayokong saktan si Rachel. Ayokong naramdaman nya yung nararamdaman ko ngayon. Ayokong maipit sya sa sitwasyong kinalalagyan ko." A tear stream down the surface of my cheeks. Bakit ganito ang nangyayari? Kakaibang magloko sakin ang tadhana.
(Flashback)
"James.." Tawag ko sa lalaking nakatalikod, batok pa lang nya kilala ko na kung sino sya.
"A.. Aa.. As.. Trid" utal utal nyang sagot. Ganyan naman yan palagi. Kaya hindi magkagirlfriend eh. Ang hirap nya kausap.
"Nakita mo ba si Zach?" Nginitian ko ito. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam nya sa pakikipagusap sakin.
"S..sa... L.. Li.. Brary." Namutla ito. Mukha syang Ewan.
"S.. Sa.. La.. Mat!! Haha joke lang. Ikaw naman James. Hindi ka pa ba nasanay sakin? Lagi kang nauutal. Smile, and be confident. Gwapo ka kaya." Ayan namula. Mapula pa sya ngayon sa kamatis. He's so unpredictable. "Hay nako James. Mauna na nga ko sayo."
I have to admit, gwapo si James. Wala namang tapon sa tropahan nila. Si Andrei, varsity. Gwapo. Maputi. Chinito.
Si Allen, top student. Moreno. Pilipinong pilipino ang mukha. Gwapo.
Si James, campus heartthrob. Tahimik, misteryoso. Gwapo.
At ang Zach ko. Singer, Dancer, mathematician, sweet, PINAKAGWAPO.
Speaking of.. Ayan na sya. Ang gwapo kong boyfriend na tambay sa library.
I was about to surprise him nang ako ang nasurprise. May kausap syang iba. A girl in her red lipstick.
Sadyang meron tayong taglay na women's instinct eh. And I believe nakikipagflirt 'tong babae na 'to. At ang boyfriend ko naman nagpapaflirt.
"Ahem." Ayan. Na shocked sila. I gave them the hell-est gaze they ever seen.
"Baby." Kabado.
"Baby? Stop calling me baby, baka mamaya triplets pala kame!" I rolled my eyes, then tinignan mula ulo hanggang paa ang babaeng mukhang bisugo. Kala mo naman ikinaganda nya yung pumuputok na pulang lipstick nya. Akala mo naman bagay sakanya yung pagkakapal kapal nyang blush on.
"Are you flirting with my boyfriend?" Straightforward kong Tanong.
Hindi umimik si bruha. And take note, nakuha pa nyang mag puppy eyes kay Zach.
"I said, are you FLIRTING with MY BOYFRIEND" I raised the tone of my voice.
"Yes. Now, back off" Tas noo nyang sagot.
"Ah ganun." I grabbed her arm. Idiniin ko ang kuko ko. Good thing mahaba ang mga ito.
"Hey? Where in the pits of hell are you going to take me?" Tanong ng malanding bisugo.
"Astrid stop." I heard Zach, habang nakikipaghilahan sya sakin. Sige, maghilahan tayo. Pabor ako, para mabalian ang babaeng to.
Umabot kami sa labas ng library. Mas malakas ako kay Zach sa paghila. Nagising ata ang adrenaline sa katawan ko.
Inihampas ko sya sa pader. I grabbed the collar of her blouse. Iniangat ko ito.
"I maybe good, but not to everyone. I can share, but not everything. Lalo na yung mahalaga sakin. Zach is mine, you better back off if you don't want to die." Gigil na gigil ako sa galit. "I'm serious." Tinignan ko ito ng matiim.
"I.. I'll back off. Let go of me." Naiyak na ito. Susme. Wala pa nga eh.
"Paano kung nageenjoy pa ko sa pagsabit ko sayo dito sa pader?" I mockingly smile. Tinignan ko si Zach at parang naaamaze pa sya sa ginagawa ko. Humanda sakin to mamaya.
"Parang awa mo na.." Ayan na humahagulgol na sya.
"Hindi ka mukhang nakakaawa. Maraming bata ang nagugutom, walang matulugan, hindi makapagaral, sila ang kaawa awa." Pang aasar ko. This. Is. Fun.
Suddenly, may tumulong mainit na likido sa paanan ko.. Teka anu to? I look down. Shit inihian ako ng gaga. Nabitawan ko ito kaya naman bumagsak sya sa ground.
Tumingin ito sakin, tapos kay Zach. I can see shameness in her eyes. Tumayo ito at kumaripas ng takbo.
"Hahaha. That was brave. I didn't know my girl is such a badass."
Hinubad ko ang sapatos kong nabasa gawa ng ihi ni bruha. Tinignan ko ito at tinignan ko si Zach.
Shoes then Zach then shoes again.
One. Two. Three.
"Aray ko." Binato ko sa mukha nya ang sapatos ko.
"Now we're even. Pareho na tayong mapanghe."
Tumalikod ako at nagwalk out. Nag walk out ng nakapaa. Ngayon ko lang naramdaman ang ngalay ko sa braso. Masakit pala.
"Astrid.. " maghabol ka. Sige.. Habol. Then we reached the stairs. Walang tao, at hindi din dinadaanan ang hagdan na ito. Marami kasing nakapagsabi na haunted to. At once na dumaan ka dito, mamalasin ka.
I stopped. Tutuloy pa ba ko? Oo Astrid, kanina ka pa naman minamalas eh. Sulitin mo na.
"Astrid. I didn't do anything." I frozed. Ramdam ko yung sincerity nya, ayokong maging heartless. Pero ayokong magpauto ng paganun ganun na lang.
"Maybe. Just maybe. But what if hindi ko kayo nakita? How sure am I na hindi ka magpapalandi?" I met his gaze. Eye to eye.
Then he became speechless. See? Iisa talaga ang hibla ng mga lalaki.
Im about to step at magwalk out nalang instead na makipagusap sa sinungaling na to when he grabbed and hugged me from behind.
"Sorry" that 1word 5letters melt my heart.
Pagmahal mo, hindi mo matitiis. Kahit na mulat ka, at harapharapan mong nakita ang ginawa nya. Ganun tayo katanga.
(Present)
"Tapos Astrid alam mo ba.. Eehhhh ang sweet sweet ng mga conversation namin ni James. Tapos nung nakaraan, hinatid nya ko pauwi." Kilig na kilig si Rachel habang kinukwento nya yung mga kasweetan ni James sakanya, samantalang nagkakatinginan lang kami ni CJ.
Napagkasunduan sana namin na komprontahin na si Rachel, pero eto at parehong umurong ang dila namin ni CJ. Ang hirap na samin pa mismo manggagaling to.
Kitang Kita ko sa mata ni Rachel ang saya at ayokong maging dahilan para mawala yun.
"I'm happy for you Rachel." CJ glared at me. One look and I knew, I had said the worst words.
BINABASA MO ANG
twenty eight weeks of moving on (Her POV)
Teen Fictionsabi nya panghabangbuhay, sabi nya walang iwanan, sabi nya mahal ka nya. sabi nya lang yon! dahil ang totoo... hindi ito panghabangbuhay! iiwanan ka din nya! at ang best part dun? HINDI KA NAMAN TALAGA NYA MAHAL!! story by: hayi_monster cover by: ha...