week fourteen

10 0 0
                                    

♪♪
Tell me why You're so hard to forget?
Don't remind me.. I'm not over it
Tell me why I can't seem to face the truth?
And I really don't know what to do..
I'm just a little too not over you

-A little too not over you by: David Archuleta
♪♪

(Present)
I'm reviewing for our final exam this coming Monday. Buti nalang at busy ako this past few days, meron akong valid reason pag tinanong ako nila CJ kung bakit hindi ko sila sinisipot.

Hangga't maaari ayokong makipagkita sakanila. Nadadamay na kasi sila sa kamiserablihan ko.

Binuksan ko ang laptop ko para makapagresearch para sa mga kulang kong notes. But before that, I logged in my Facebook account.

Laking gulat ko nang makita ko ang bumungad sa news feed ko.

It's trending. Perhaps our university's highlight.

I felt something killing me inside. Bakit ganito?

(Flashback)

We're awfully late. Graduation na at lahat late pa din ako. Hindi na talaga ko nagbago.

"Papa, mauna na ko sa taas. Ikaw na magpark nito ha?" Bumaba ako ng kotse at dumarecho na sa event center kung saan gaganapin ang graduation.

Naka-ilang missed calls na din si Zach. Hindi ko ito masagot dahil kasama ko si papa. Wala pa syang alam tungkol sa relasyon naming dalawa.

It's not that I don't want my dad to know, ayaw lang muna ni Zach magpakilala. Gusto nya yung may maipagmamalaki na daw sya. So, fine with me. Hinayaan ko nalang.

Hinanap ko ang pila ng section namin. Mabuti na lang at section D pa ko, at section A palang ang nakakamarcha. I waved my hand at Zach bago sumulpot ang papa ko.

Mahabang seremonyas ang naganap.

Umakyat din kami ni CJ at Zach sa stage bilang kasali kami sa top5 ng section namin.

Wag kayo pang top 5 kaya ako, habang parehong nasa ikaunang pwesto naman sina Zach at CJ.

Pagkatapos ng lahat, dumarecho ang barkada sa tambayan upang magcelebrate. Buti nalang din at pumayag si papa.

"Okay first things first, a toast of congratulatory dahil finally, college na tayo" panimula ni Zach. Lahat naman kami ay inangat ang aming baso na may lamang apple juice.

We say no to sinful drinks.

"Second, para sa barkada." Dugtong ni Andrei.

"Third, a toast for CJ, Astrid, and Zach. For making it to the top 5" Sabi ni James.

"Fourth. sa memories, sa mga kalokohan, at sa kopyahan." Sabi ni CJ at tumingin pa saakin.

"Fifth, sa pagiging no girlfriend since birth ni Allen." Panunukso ni Rachel.

"Baliw ka rachel! Sixth, Sa haharapin nating Bagong buhay, sana walang iwanan hanggang sa magsipag-asawa na tayo." Sabi ni Allen.

"seventh.." Lahat napatingin sa akin at hinihintay ang ikapitong toast. "to life!" Maikling dugtong ko.

Nagpahid kaming lahat ng luha. Iba talaga pag graduation na, ramdam na ramdam nyo yung importansya ng bawat isa, pati na din yung lahat ng pinagsamahan nyo.

Pinagkwentuhan namin lahat ng plano namin sa darating na college. Hindi namin napag-usapan ni Zach ang tungkol dito, mabuti nalang at naopen-up ni CJ yung topic na to. Nalaman kong engineering pala ang kukunin nitong course. Hindi kagulat-gulat dahil magaling naman talaga si Zach sa math

Isa lang naman ang ikinabahala ko.. Hindi available ang course na 'yon sa university na papasukan ko.

"Eh saan mo naman planong kumuha ng engineering Zach? Baka naman lumayo ka pare? Bihira ang ganung course dito sa Lugar natin" Tanong ni Allen at lahat ng mata ay natuon saakin.

"Bakit sakin kayo nakatingin?" I asked with the lamest question. Of course ako ang titignan. Ako ang girlfriend eh.

At some point iba talaga ang mga kaibigan ko. Alam nila kung ano ang nararamdaman ng bawat isa.

"Kung saang university papasok si Astrid dun ako." Napatingin ako kay Zach at ngumiti ito saakin. "Afterall, LDR sucks! Baka mamaya kung sino ang umaligid dito." Dagdag pa nito.

A piece of relief that he'll go wherever university I'll go to, pero paano yun? walang engineering sa university na papasukan ko.

"Ikaw ba Astrid anong course ang kukunin mo? At saang school?" Tanong naman saakin ni Andrei.

"Actually, guys.. Eighth toast, Astrid passed the Alford University's entrance examination. And take note: pasok lang naman sya sa top 10 na may pinakamataas na nakuhang score." Sabi ni CJ at itinaas nya ang kanyang baso. Halos lahat ay nakatulala saakin, maging si Zach na hindi ko maipaliwanag ang ekspresyong rumerehistro sa kanyang mukha.

"Teka diba walang engineering do'n?" Tanong ni James.

Tumayo si Zach at umalis. "Zach wait." Pag pigil ko.

"Bakit hindi mo sakin sinabi? Astrid naman, gumagawa ka ng plano without me on the picture. Okay na sana eh kahit walang engineering sa university na 'yon, fine with me. Pwede akong kumuha ng ibang course. Basta ang mahalaga nasa iisang university tayo. Ngayon, paano yun magiging posible ha? Sarado na ang registration do'n." Galit na galit ang maamong mata ni Zach.

Tumalikod ito at iniwan ako. Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Ni hindi man lang ako hinayaan ni Zach maipaliwanag yung side ko. At ang sakit lang na nagagalit sya saakin ngayon, to think na First Monthsary namin.

"Astrid, hayaan mo nalang muna si Zach, palamigin mo muna ang ulo nya. Basta kami nang bahala nila James na kumausap sakanya." Sabi ni Rachel saakin.

"Hindi Rachel, paano naman yung side ko? Susundan ko sya." Tatayo na ako ng pigilan ako ni James.

"Minsan lang ako magsalita pero sana makinig ka, pag galit si Zach ayaw nyang kumausap ng kahit na sino, kaya hayaan mo muna sya Astrid. Wag mong palakihin yung gulo." Seryosong sabi ni James saakin. Sinunod ko ito.

Pinagmasdan ko ang papalayong si Zach hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko.

Akala ko masaya ang Monthsary lalo na't unang beses namin ipagdiriwang ito ni Zach, hindi pala.

(Present)

♪and I turned around you're with her now, I just can't figure it out♪

Parang sasabog ang puso ko habang nagpapaunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko ito inaasahan, yung iwan ako ni Zach hindi ko matanggap..

... Ito pa kayang nabalitaan kong nagkabalikan na sila ni ailene.

I grab my phone and called him directly.

"Hello" narinig kong sabi nito sa kabilang linya.

"Bakit Zach?" Umiiyak kong sabi. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Mas Masakit pa kaysa sa sinabi nyang break na kami; Mas Masakit pa sa pag iwan nya saakin; At mas Masakit pa sa salitang hindi na nya ako mahal.

**Hindi ko akalaing may mas sasakit pa pala. Sobrang sakit Zach.**

---
Abangan ang mas Masakit na pagdating ng chapter 15.

~♥hayi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

twenty eight weeks of moving on (Her POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon