♪♪ "No words can explain the way I'm missing you."
Lay me down -sam smith♪♪**may mga bagay lang talaga na dapat mong tanggapin, tulad ng pag iwan sayo ng isang taong minsan ay nagbigay ng kulay sa mundo mo. Mahirap, Masakit, pero habang tumatagal masasanay ka din. At tulad ng pagtatapos ng gabi, sisikat ang bagong umaga; at kasabay ng pagsikat ng araw matatapos din ang nararamdaman mo para sakanya. Darating ang araw, Hindi Na Kita Mamimiss**
(Present Day)
"Last three-eights na lang matatapos na tayo, all set na din yung mga props at costumes. Surewin na talaga tayo sa sabado." Sabi ng choreo namin na si Ron. Nag papractice kami ngayon para sa dance battle na gaganapin sa sabado. Foundation day kasi namin. At syempre hindi porke college na dapat isubsob ang sarili sa academics. Minsan umextra curricular activities din. "Oh 2minutes waterbreak muna ha?" Dagdag pa nito.
"Uy.. Bruha.. Aattend kayo sa acquaintance?" Narinig kong usapan ng mga co-dancers ko.
"Ay oo naman girl. Nakabili na nga ko ng damit eh. Tsaka sayang naman yung binayaran natin para sa event na yun. Compulsory eh" narinig kong sagot ni CJ.
"Ikaw Astrid?" Lahat ng atensyon ay napako sakin.
"Hindi eh." Naalala ko bigla yung prom namin nung high-school. It was fun and magical. Some of my memories that's for keeps.
"Okay isang run nalang. Top tayo." Bahagyang naputol ang pagiisip ko tungkol sa prom ng dahil sa sigaw ng choreo namin.
(Flashback)
"Knock knock?" Someone hug me from behind habang busy ako sa pagbubura ng black board. Syempre si Zach. Almost 5months na din syang nanliligaw. At wag kayo Effort kung effort ang lolo nyo. Araw araw sya ang dahilan ng pagngiti ko.
"Who's there?" I asked. Babanat nanaman to ng nakakilig nyang kachuchuan. Buti nalang at wala masyadong tao. Uwian na kasi at cleaners kami kaya ayan naiwan kami.
"Pwede ka bang maging.." I faced him at nakita ko syang nakangiti ng nakakaloko.
"No. Zach hindi pa tayo na graduate"
"Wag ka ngang KJ. Dali na sakyan mo na yung knock knock ko.." Aww.. Yung pout ni Zach. The cutest pout I've ever seen.
"Sige na nga.. Hayy.. Pwede ka bang maging who?"
"One.. Two.. One Two Three.. Hit it" biglang nagsidatingan sila CJ at Rachel. Kasama ang tropa ni Zach na sina Andrei, Allen, at James.
Nagsimulang magbeatbox si James. At nag Freestyle rap naman sina Allen at Andrei. Habang sumasabay sa beat ang palakpak nila CJ at Rachel. "Pwede ka bang maging, Pwede ka bang maging.."
"D-" tumalikod si James habang may nakadikit sakanyang kulay yellow na papel na may nakasulat na malaking letter D
"A-" sumunod na tumalikod si Rachel. Tulad ni James may papel din sya sa likod na kulay pink at nakasulat ang isang malaki at tabinging letter A
"T-" si Allen naman ang sumunod.
"E-" at sinundan ni CJ.
"?" At ang huli ay si Andrei.
Hindi maiwasang maluha ng mga mata ko. Sige na ako na ang mababaw. Ako na ang nadadaan sa simpleng bagay. Eh sa natouch talaga ko eh.
Biglang sumulpot sa mukha ko ang isang stem ng red rose. Hawak ng pinaka gwapong nilalang na nakilala ko.
"Pwede ka bang maging Date sa Prom?" He asked. Ewan ko kung saan nanggaling yung rose. O baka hawak na nya kanina pa hindi ko lang napansin.
"Hmm.. Basta ako lang ang isasayaw mo?" At ako na ang demanding. Sige!
Pinunasan nya ang mga luha sa pisngi ko, using his thumb.
"Pinky promise baby" he answered. Makakatangi pa ba ko nito? I can't find the thin line between Maria Clara and Maria Ozawa.
"Then.. Yes" nagulat ako ng bigla nya along yakapin. Kahit naman lagi nya kong niyayakap feeling ko pa din palaging first time. Ewan ko ba. Ganito ata talaga ang epekto pag nainlove ka. Ang weird.
"Oh tama na yan. Aba nilalanggam na eh." Awat samin ni Andrei. Kahit kelan ang epal nito, nagmomoment pa kami ni Zach eh.
Bumitaw si zach, at syempre kumalas na din ako sa pagkakayakap ko sakanya. Kahit na ayaw ko pa naman talaga. Psh. Pampam kasi ng Andrei na to eh.
"Basta wala ng bawian yan ha?" Paninigurado nya. Si Zach yung tipo na laging ninigurado. Ayaw kasi nyang nag aassume. Well ang swerte nya, hindi kasi ako paasa.
**there were things that definitely you wouldn't forget. Those things that's within the every system of you. Para syang paghinga na nasa systema na ng katawan mo, na kahit kailan hindi mo pwedeng kalimutan. Siguro kung masasagasaan ako, at mababagok ang ulo ko, it can cause me amnesia and by that makakalimutan Kita, at makakalimutan ko na din lahat ng memories natin, pero yun nalang ba ang way para makalimutan ko lahat ng sakit?**
(Present)
Napahawak ako sa sumasakit kong ulo. Medyo nahilo ako at napaupo sa sahig. Tinamaan kasi ako ng bola ng mga dayo na nagbabasketball dito sa court na pinagpapraktisan namin.
Agad na may lumapit saakin. Isa sa mga naglalaro. "Astrid okay ka lang?"
Ang boses na yon. Boses na lagi kong naririnig sa isip ko. Boses na miss na miss ko.
"Sabihin mo saken na okay ka lang." Kitang Kita ko ang pag aalala sa mga mata nya. Mga matang matagal ko ng gustong makita.
Nakalimutan ko ang sakit na galing sa bola. Maraming nakapalibot samin pero niisa sakanila wala akong narinig at wala akong makita. Tanging si Zach lang at ako ang iniisip ko ngayon.
Naramdaman ko ang luha kong kumawala sa aking mga mata. Alam kong dapat maging masaya ko ngayong nagtama ulit ang mata namin, pero bakit ganito? Bakit ang sakit? Sobrang sakit.
"Okay ka lang?" Tanong nito ulit.
Hindi Zach. Kelan ba naging okay ang taong walang ginawa kundi magmahal pero sa huli iniwan?
Gusto kong sabihin at isumbat ang mga salitang yan pero walang lumalabas sa bibig ko. Para kong napipi. Ang hina ko.
"Malayo sa bituka" tanging naisagot ko.
"Halika na Astrid." Inalalayan ako ni CJ tumayo. At kasabay ng pagtayo kong yon, ay ang pagtalikod ni Zach at bumalik sa mga kalaro nya. Gusto ko syang yakapin, habulin pero hindi pa din ako makagalaw. Para kong natuod.
"Astrid, wala na syang pakialam sayo. Halika na." Bulong sakin ni CJ.
Then I realized, I need to move forward.
|| hayi's ||
Sorry sa matagal na update. Late na nga ang lame pa. Sorry po kasagsagan po kasi ng midterm namin. Sorry kung may typos ang grammatical errors.
Anyways. What do you think about this chapter? Vote and comment naman tayo dyan.
Love ya'll
BINABASA MO ANG
twenty eight weeks of moving on (Her POV)
Teen Fictionsabi nya panghabangbuhay, sabi nya walang iwanan, sabi nya mahal ka nya. sabi nya lang yon! dahil ang totoo... hindi ito panghabangbuhay! iiwanan ka din nya! at ang best part dun? HINDI KA NAMAN TALAGA NYA MAHAL!! story by: hayi_monster cover by: ha...