♪♪ maybe it's true..
That I can't live without you,
And maybe two is better than one.-Two is better than One by: boys like girls ft. Taylor Swift.♪♪
** Thirteenth week it is. Ano kayang ginagawa nating dalawa ngayon kung hindi tayo nagbreak? Siguro, pareho nating tinatanaw ang sunset, o kaya kumakaen tayo ng fishball at kwek kwek sa complex kung saan tayo malimit tumambay kada uwian, o pwede ring magkahawak kamay lang tayo at pinapakinggan ang mabilis na tibok ng puso nating dalawa. Ang dami pa sana nating nagawa ng magkasama 'no? Kaso wala namang nakapagsabing may hangganan naman pala 'to lahat, sana binalaan mo ko na bibitaw ka din pala, sana hinanda mo ko para naman hindi ako ganito kamiserable ngayon.**
(Present)
I put my earphones on and raised its volume to its maximum level. It's just me, my spotify, and my room. Sa daming nangyayaring hindi ko maintindihan sa buhay ko, I believe na kailangan kong i-lock nalang ang sarili ko sa kwarto at magmukmok tulad ng ginagawa ko noon, 'cause the more I keep moving forward the more i get stuck to this situation kung saan puro sakit nalang.[One message received]
It flashes on the screen of my phone, dati halos magkandarapa ako at hindi mapakali pag lumilitaw ang katagang yan sa paningin ko pero ngayon wala na. Normal na pakiramdam nalang, kadalasan kasi 8888 lang naman ang nagtext.Dinedma ko ang text na iyon at ninamnam ang lyrics ng kantang two is better than one.
♪so maybe it's true, that I can't live without you and maybe two is better than one♪
"tama! Mas okay nung dalawa pa tayo, hindi tulad ngayong mag-isa nalang ako."
Dati rati hindi ko ito maintindihan, ang dating kasi nung title nya sakin ay parang kailangan may rebound? May pampalit kapag iniwan ng isa? May pangreserbang gulong pag na-flat-an?
But of course I was wrong. Lagi naman, kaya nga ko nasaktan!
It was really all about those who were left behind. Tulad ko na walang ginawa kundi sariwain nalang araw-araw ang mga alaalang nakalipas -alaala ng taong nang-iwan, and those who keep on thinking that 'we should be this, we can be that'.
Pero ano bang pinaglalaban ko tungkol sa kantang yon? Wala lang, gusto ko lang lituhin ang isipan ko at huminga panandalian. Napapagod na ko sa kakaalala kung paano kami noon, napapagod na ko sa pagpapahalaga sa taong kasama ko noon, at napapagod na kong umiyak ng umiyak ng dahil sa katangahan ko noon.
Darating din pala talaga yung panahong mapapagod nalang tayo bigla. Kung saan masasabi natin sa sarili nating 'hindi ko na kaya'.
(Flashback)
Normal day of class. Second week of March na at malapit lapit na din pala ang graduation, malapit na din kaming mag celebrate ng first month namin ni Zach. I wonder kung ano nanaman ang stunt na gagawin ng boyfriend kong bisugo-magnet. Well yeah, I called him that after ng nangyaring bisugo apocalypse.
"What the heck is on your mind? Or should I say who that handsome guy might be?" I rolled my eyes heavenwards. One thing I hate about Zach, para syang electric fan na nakanumber four, ang hangin nya grabe.
"I'm thinking about torturing a jerk." I glared at him, at tinuloy ang pagsulat sa aking kwaderno.
"What?" Nanlumo naman ang mukha nyang ubod ng gwapo. Ghadd!! Bakit bigla nalang syang naging ganito kagwapo sa paningin ko? "So, puso mo lang pala ang nainvade ko? Hindi pala ko umabot sa isipan mo." He added.
"Baby, stop it. May klase pa oh. Focus."
"I'm focusing!!" At lalo pa nyang nilapit ang mukha nito sakin. Eto nanaman sya sa titigan na yan.
BINABASA MO ANG
twenty eight weeks of moving on (Her POV)
Teen Fictionsabi nya panghabangbuhay, sabi nya walang iwanan, sabi nya mahal ka nya. sabi nya lang yon! dahil ang totoo... hindi ito panghabangbuhay! iiwanan ka din nya! at ang best part dun? HINDI KA NAMAN TALAGA NYA MAHAL!! story by: hayi_monster cover by: ha...