week nine

23 1 0
                                    

♪♪i dedicate this song to you

the one who never sees the truth

that i can take away your hurt

Heart Break Girl.

-heartbreakgirl by: 5SOS♪♪


andrei's POV(presentday)

"sayang na sayang lang ang pagibig koo~" naandito kami ng barkada ngayon sa videokehan.

"ano ba yan CJ.. boses bang matatawag yan?" allen.

lintik naman kasi talaga yung boses ni CJ.. malala pa sa malala.

"ano ba? tsk whatever. kinakantahan ko lang naman kasi si....." sabay tingin saakin.

"oh bakit ako?" inosenteng tanong ko.

"may sinabi ba akong ikaw.? pahalata in the making ee. si astrid ang kinakantahan ko." CJ

"tseh! tigilan mo ako bruha ka." astrid. blooming na siya ngayon, ganyang-ganyan ang mukha nung araw na....nagustuhan ko sya, hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagawa ni zach na iwan pa siya. nakakagago ee, nagparaya na nga ako tapos--- hayyy! wag ka talaga magpapakita saakin zach.

(flashback)

"pre! balita?" james. madaldal sya kapag lalaki yung mga kausap niya pero kapag may babae na tiklop yan.

"kayo na ba?" tanong ko. aaminin ko na nalulungkot ako, bakit pa kasi dumadating yung puntong sa iisang tao pa nagkakagusto ang magkaibigan.

"chillax lang mga pre. dadating din kami doon. sa ngayon, ineenjoy muna namin kung anong meron kami ni astrid."

"seryoso ka ba dyan sa babaeng yan?" allen. hindi maikakaila na may pagka-babaero talaga si zach pero pagnagseryoso siya, seryoso talaga siya.

"....."

hindi sya nakasagot. napatunayan na ba ang salitang silence means yes?


"hi baby." dumating si astrid. ang ganda talaga niya. sana kasi ako nalang ee. kaso... marunong akong magpahalaga sa kaibigan ko.. handa akong magparaya kung talagang seryoso si zach sakanya.

"oh mga brad.. alis muna kami ng baby ko ha? lam niyo na.." ngumiti si zach. sa palagay ko seryoso naman talaga si zach sakanya ee.

(astrid's POV) (present day ulit.)

 shopping galore ang trip ng barkada ngayon. buti nalang talaga at nakuha ko yung allowance ko, plus narefund ko pa yung binayad ko sa hindi ko na-attend-an na seminar sa school. hahaha hello kickback!!

"kain muna tayo guys?" anyaya ni rachel.

"libre mo ba?" james. may napapansin ako.. si james nagiging madaldal pag si rachel ang kausap niya. mukha may something.hinila ko si andrei.

"drei may napapansin ka ba?"

"ano yun?"

"kay james at rachel.. i smell something sweet."

"nako.. anong i smell something sweet. ikaen mo nalang yan, at gutom kana."

kruuukkk~my tummy.. my poor tummy. tomguts na ko.

"oh dba? gutom ka lang. tara na.. guys saan tayo kakaen?" tanong ni andrei sa iba naming kasama.

"sa jollibee.." allen

"sa mcdo." CJ

"i want KFC" rachel na nakapout

"oh cute rachel.. sa giligans tayo!" james.

seriously.. magkanya-kanya nalang kaya kami?tumingin sila saaking lahat na para bang hinihintay yung sagot ko... nakow.. ayoko ng ganto! mukhang ako nanaman ang masusunod aa..

"astrid saan mo gusto?" tanong ni andrei.

saan nga ba?tumingin ako kay allen.. hmm jollibee? ayoko dun maalala ko yung mga date namin ni ZACH doon, baka imbes na bee happy ay magdrama ako dun.

tumingin ako kay CJ.. hmm sa mcdo? well na miss ko yung fries na sinasawsaw sa hotfudge sundae, yun ang malimit naming kainin ni ZACH doon.. waahh si zach. ayoko na sa mcdo.

tumingin ako kay rachel na nakapout.. pakyut naman to. hmm ayoko na sa KFC pinaalala pa niya yung pag pout ni ZACH.

tumingin ako kay james. sa giligans. dyan kami huling nagdate. dyan ko huling narinig yung ILOVEYOU sakanya. kung alam ko lang na huli na yon.. sana hindi nalang natapos.

"astrid.. o-okay ka lang?" andrei.

"oo-"

"astrid wag kana umiyak. kahit saan mo gusto kumain okay lang.. hindi kami magagalit.. wag kana umiyak." nabigla ako sa sinabi ni rachel. umiiyak na pala ako.. hindi ko namalayan. kahit ilang buwan na pala ang nakakalipas masakit pa din.tama nga yung sinabi dun sa nabasa ko.. time isn't a healer. it's more like a concealer for a scar. (hayi's note: from the break-up planner po yan by: erinedipity. maganda po yan.)

"hahaha wala 'to.. kayo talaga.. magtake-out nalang tayo dun sa mga restau na sinabi niyo tapos dun natin kainin sa food court." nakangiti kong sabi sakanila habang pinupunasan yung luha ko.

lahat ng restau na binanggit nila ay pinuntahan namin. hindi ko nalang pinansin yung mga memories na bumabalik at naalala ko. ang hirap talaga, pero sa palagay ko kailangan kong harapin 'to. baka ito yung way para makamove-on na ako.

"astrid oh.." inabot saakin ni andrei yung milktea na nilibre niya saakin. andito na kami ngayon sa foodcourt.

"salamat drei. kung ganyan ka ng ganyan edi ang gwapo mo sa paningin ko." nagtinginan silang lahat saakin. may nasabi ba akong mali?

"nagbblush si andrei.. ayiieeeeeeeeee... -aray! sadista" tukso ni allen. ayan nabatukan tuloy sya ni andrei.

"abnormal ka allen. kasalanan ko bang tisoy ako kaya ako namumula." depensa ni andrei. nakakahiya talaga. bakit ba kasi lumabas sa bibig ko yun. naiyuko ko nalang ang ulo ko sa kahihiyan.

"astrid wag mong pansinin yang mga yan! mga abnormal" sabi saakin ni andrei dahilan para mapatingin ako sakanya.napatitig ako sa mata niya.

nagkatitigan kami.lub dub.. lub dubb.. lubb dubbbb~yung puso ko bakit ganito.?

bakit biglang bumilis yung tibok?posible kayang...?




NO! I CANT BE INLOVE WITH MY EX's BESTFRIEND!hindi to pwede. NO. si zach lang ang mahal ko.. si ZACH LANG!OH ZACH. BUMALIK KANA BAGO PA AKO MADEVELOP SA BESTFRIEND MO.


"those moments we shared.. parang sirang plaka sa isip ko na paulit ulit na nagrerewind. hindi ko mapause at ayaw din magstop. hindi ko na din maintindihan yung nararamdaman ko. mahal kita pero ikaw yung lumayo, ikaw yung naiwan. at ngayon na parang may nararamdaman ako sa kaibigan mo ikaw ang unang naalala ko. ganitong ganito din yung naramdaman ko nung unang nagtama ang mga mata natin ee. mahal ko na ba siya? o sadyang naalala ko lang ikaw sakanya kaya nalilinlang ako sa totoong nararamdaman ko para sakanya? bumalik kana zach. i need you desperately."



♥madramang note ni hayi:

one hundred (plus) reads na pala 'to? grabe.. parang kahapon lang wala pang kahit isa na nagbabasa nito.. tapos ngayon.. waaaaahhh.. salamat ng marami sa bumabasa.

sana basahin nyo hanggang dulo. kapit lang.

labbb yow!

twenty eight weeks of moving on (Her POV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon