Chapter 23: GAME PLAN

76 6 1
                                    

"Walang lalaking masasabihang paasa kung walang babaeng magigiging assumera." --- Marcelo Santos III

"... pero walang babaeng masasabihang assumera kung walang lalaking paasa" ---- #hugotNgwriter ;)

(just a thought, mga repa... Kayo ba ano sa tingin niyo?)

>>>>>
#KELVIN's POV

"uuwi na ako, Moilyn. Nahihilo na ako, di ko na kaya" patayo na ako pero ramdam ko ang pag-nginig ng mga tuhod ko. Nagdidilim na din ang paningin ko. What's happening to me??

"hindi ka pa pwedeng umuwi Kelvin!" hindi ko sure kung talagang lasing na ako kasi sa pandinig ko biglang nagbago yung tono ni Moilyn, parang nakakatakot.

"hindi mo ako kayang pigilan, Moilyn. Hindi mo ako masisindak sa ganyan. Diyan ka na!" pero hindi ko kayang maglakad ng tuwid at di pa ako nakakalayo ramdam ko nang matutumba ako. I have to thank Moilyn for her fast reflexes dahil kung hindi niya ako naalalayan malamang hahalik ako sa sahig.

"easy Kelvin, mahaba pa ang gabi. Inom pa tayo" hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta kinakabahan na ako ng todo pag nagkakalapit kaming dalawa.

"please Lheng, gusto ko ng umuwi. Ihatid mo na lang ako. Magtaxi na tayo" gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng matapos ang araw na ito. Hindi ko na kasi mawari kung anong dahilan ng panghihina ko, kung dahil ba sa antok, sa pagod o dahil sa alak eh.

"Don't worry, ihahatid talaga kita" what was that? an evil smile??? Ano mang plano niya, alam kong hindi ito maganda. Ito na lang ang birthday wish ko, na sana magbago ang isip niya kung may balak nga siyang masama sa akin.

>>>

Sa loob ng taxi...

"teka manong ibang way ata ang daan natin ah, Moilyn sabihin mo kay manong sa kabila tayo" ang panghihinang nararamdaman ko mas lumalala. Gusto kong awayin si manong driver di ko na magawa. Gusto kong tumalon palabas ng taxi pero wala na akong lakas. Tanging utak ko na lang ata ang di pa pumapalya.

Pinipilit kong labanan ng antok dahil alam kong nasa panganib na ako. Kung ito na ang huling sandali ng buhay ko. Hihingi na ako ng tawad sa kanya.

"Lheng, sorry" hanggang ito na lang ang naalala ko.

>>>>>>
#MOILYN's POV

"Tofie, nasan ka?" pinipigil ko ang paghikbi ko dahil hanggang ngayon wala pa din ang taong kanina ko pa inaantay. At gusto kong maghanap ng kakampi ngayon but for sure gegerahin ako nitong nilalang na ito. Dahil ngayon na lang ulit ako tumawag sa kanya.

"yellow?, himala at buhay ka pa pala? kilala mo pa pala ang may-ari ng number na ito?" sabi ko na nga ba eh. Nagtatampo nga siya sa akin. Paano ngayon yan?

"Tofie, wag ka ng magalit ooh, i need someone to talk to at this very moment" nagagaya ko yung way ng pananalita niya na pavakler. Well at least kahit paano nakakagaan ng feeling.

"oh, ano na namang problema mo? hindi mo ba pwedeng sarilinin na lang yan, madami din akong problema inday!" so ako nga lang talaga mag-isa ngayon. So wala akong supporters ngayon sa gagawin kong pag-aantay kay Kelvin.

"ganun ba? Sige di bale na lng. I miss you! Bye!" kahit di pa nagrereact si Tofie tinapos ko na ang usapan namin. Sabay tingin sa iphone ko at makalipas ng ilang segundo nilagay ko na sa bag ko at pakawala ng hingang malalim.

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon