Chapter 17: TRY AGAIN

94 10 0
                                    

"One of the hardest part of waking up in the morning is that you remembered something you've been trying so hard to forget last night"

>>>>
#MOILYN's POV

After confrontation session sa office nung nagdaang dalawang araw, kay Ate Lourdes namin ako nagconfess ngayon dahil off ko, sinabi ko lahat sakanya, yung rason kung bakit ko nasabing si Kelvin yung unang humalik kahit ako naman talaga. Pinakita ko yung fb account ni Kelvin at natawa pa saken dahil para daw akong stalker. At dagdag pa niya na natural lang daw yung reaksyon nila Ate Reginae, Ate Belle, Kuya Omel at Maye.

Pinayuhan niya din ako na humingi ng sorry kila Ate Reginae dahil nakalimutan ko ding sabihin yun, natabunan na din kasi ako ng pagkabadtrip ng mga oras na yun. After naming magusap ni Ate, tinitigan ko yung fb account ni Kelvin at kinausap na parang nababaliw na.

Hindi ako papayag na ako lang ang masira dito gaganti ako, minahal kita pero eto ako nasaktan, ako pa ang sira ang pagkatao. Isa lang naman ang gusto ko ang mahalin mo pero kahit ginawa ko na lahat wala pa din.

Halos di ako makatulog sa kakaisip kung paano ako gaganti pero ang resulta, pag iisip ko ng mga bagay na pwedeng mangyari kung magkakatuluyan kami. So grrrrr! nakakabaliw! bakit di ko magawang magalit sakanya ng bongga?!!

Nasa kalagitnaan ako ng pakikipagbunuan sa sarili ng magtext si Rmie.

"Lheng, sama ka sa outing d b? isama n kta sa headcount ah?!" hala the day after tomorrow na pala yung outing. Ayoko sanang sumama dahil nga nahihiya ako sa mga kasama ko dahil sa ginawa ko. Tapos dahil hindi nga din kasama si Kelvin. Ang sabi nila Rmie kinukulit daw nya si Kelvin na sumama pero ayaw daw talaga. Siguro kaya ayaw niyang sumama dahil alam niyang kasama ako.

"si jha ba at yung gf niya sama daw?!" gusto ko talagang itanong ay kung sasama si Kelvin pero baka makulitan na saken kaya sila na lang tinanong ko.

"oo, sumama ka ah! , pektus ka saken pag di ka sumama!" grabe talaga tong nilalang na to makapagbanta eh kala mo kung sinong malaking bulas.

Makatulog na nga bukas na ko magkoconfirm kung sasama ko. Pag iisipan ko pa uli ng ilang milyong beses. Goodnight!

Ilang oras akong bumabalikwas sa kama ko pero hindi pa din ako makatulog kakaisip sa iisang taong dapat ng ibaon sa limot, gusto magalit at kasuklaman siya pero bakit di ko magawa?! Ano pa ba ang pwede kong gawin para mahalin niya ko.

Kinuha ko yung iphone ko at nagbasa ng mga messages sa inbox ko, yung mga reply niya saken sa tuwing magkatext kami. Hindi ko magawang burahin ang mga ito kahit yung ibang messages eh kasing sakit ng mga salitang binitawan niya pagkatapos ng party.

Kinabukasan nagising ako ng nagriring yung phone ko. Chineck ko kung sino yung tumatawag, si Cristy bestfriend ko. Sa inis dahil inistorbo yung tulog ko, pinindot ko lang yung answer sabay lapat sa tenga ko, pero di ako naghello. Istorbo!

"bru bar tayo later, advance birthday celebration ni vakler, asahan ka daw nya ah, bye, seeyah!!" abat di man lang nagtanong kung free ako. Nawala sa hinuha kong birthday na pala ng isa sa mga matalik kong kaibigan si Tofie. Ang hirap talaga pag nagkakalovelife nababalewala mo ng di sinasadya yung mga taong nandyan para pasayhin ka noong may lovelife ka man o wala.

Dahil lumayo na sa katawan ko ang antok, tinawagan ko na lang si Cristy. Buti na lang talaga off ko ulit ngayon! May bago ng rules sa trabaho pwede na ang dalawang off na magkasunod dati kasi split yung off.

"ei Cristy buset ka, ang aga mo mambulabog! di ka man lang nagtanong kung free ako?!!" wala naman na yung inis ko sakanya kumbaga binibiro ko na lang. At narural na samin ang ganitong uri ng usapan.

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon