Chapter 7: CONFESSION

119 12 2
                                    

Pag ibig na kaya.?

Pareho ang nadarama?

Ito ba ang simula?

Di na mapipigilan

Pag-ibig nga ito …

Sana’y di na matapos ang nadaramang ito oh ..

Pag-ibig nga kaya ito?

Na LSS ako dun sa soundtrip ng bus na sinakyan namin kanina. Lakas maka love song eh. Parang patama sakin. Aahahahah assumera lang?

Buzz.

Nagvibrate yung cp ko. May nagtext.

“Got home, safe and sound, you?”

 

After kong mabasa to, ganito ngiti ko ^_______________________________________^

Hahahahahah.

OA

OA

OA

Aba! Englishero sa text??!!. Sosyal. So gay lang. Bakla ata to eh! Nyahahaha, In fairness, siya una nagtext hihihi. Kilig much. Hellow, magrereply ka ba oh, tengga na lang teh? sabi ni  konsiyensya ko. Epal lang talaga eh, ninanamnam ko pa kaya?

“Malapit na ko samin.” Tipid kong text. Hahahaha. Pa-maria clara lang ang peg. Pakipot pa lang tayo konti.

“Gudnyt, see you tom ^^,” reply niya.Aaaaahhhhh, kinikilig ako, kinikilig ako mga bente. Siyet. Ano ba ito? Ready na nga ata akong mainlab ulit. Pero bakit ang bilis naman ata. Siguro siya na talaga si THE ONE. Hahayaan ko pa bang makawala di ba?.

 

“gud nyt din :D , rest day ako tom” pacute lang tayo konti. Siguro naman di na masamang mainlab ako ulit. Iba kasi talaga to eh, parang nakaka high.

“ah ganun ba, eh di after ng off mo :p” reply ulit niya. Akala ko ba gudnyt na? Hihihihi.

“cge, ingat sa pgpasok bukas :D” reply ko.

Pagdating ko sa bahay. Nagtataka si tatay at nanay sakin, bakit yung ngiti ko daw eh abot hanggang batok. OA lang eh noh. Ganun ba talaga ngiti ko. Nako, iba na nga itoo.

Hanggang sa makahiga ako sa malambot kong kama di na maalis yung ngiting yun, impit pa kong tumitili. Hays this feeling, ibang iba to nung mainlove ako kay MacMac (yung damuho kong EX), sobrang ibang iba. Mas nakakakilig, mas nakakahigh, basta MAS lahat. Double kumbaga.

Siguro dahil crush ko siya tapos magkatextmate pa kami, PBB teens lang ang peg. Hahahahaha. Ewan. Hays. Makatulog na nga duty pa bukas. Bugak off mo nga di ba? sabi ni konsiyensiya.

Sana umaga na.

Tapos off ko na.

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon