Chapter 14: UMAASA at PAASA

113 10 4
                                    

this is for you bhoi, dahil atat ka sa update eto na sana magustuhan mo hehehehe :D

pasensya na po ngayon lang nakapag update, busy busyhan ang naging peg ko dis past few days. hihihi. (kahit di naman, hahahah)

And so i'm back from outer space, hope you like it 

enjoy !

***

6 in the morning ...

Rise and shine, good morning sa'yo ... excited na kong makita ka mamaya :D

[message send to: Kelvin MiLoves]

First things first, pagka mulat ng mga mata ko, hinanap ko agad yung iphone ko para itext ang pinakamamahal kong si Kelvin, kahit di pa ko nakakapagmumog at nagtanggal ng morning glory, ok lang hihihi.

Excited na ko para mamaya, eto nga at ang aga kong nagising dahil bukod sa off ko ngayon, may date kami ni Kelvin. emeyged! Isn't it amazing? Isn't surprising? Hahahah. Hay naku, kagabi pa lang talagang i just can't hide it na ang excitement na nafifeel ko.

Niyaya niya ko na pumunta sa mall, kyaaaahhhh!!! di ba nakakakilig dahil this is pansit, I think na iin love na siya saken tapos magtatapat na siya later, hahahaha. Sige magassume ka pa ineng sabi ng kambal isip ko. Well, malay nyu, malay natin di ba? Hindi naman masamang magassume, wag lang aasa. Di ba parehas lang yun? tanong ng kambal isip ko. Parehas lang ba? ah basta! keep positive, walang ayaw!

Maaring nagbunga na din ang paghihirap kong patunayan ang sarili ko sakanya. Na ako si Moilyn Artista ang karapat-dapat para kay Kelvin Salvador at wala ng iba. Bwahahahahah.

Ayt! makabangon na nga! Makapaglinis muna ng bahay, 4 PM pa naman kami magkikita. Tutulong muna ko dito sa gawaing bahay para walang madaming chechebureche si mudang pag nagpaalam akong may gala ako mamaya.

Naghilamos muna ko at nagayos ng sarili, inayos ko din muna yung kama ko, bago ako lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko nakita ko agad si tatay.

Abah, nak ang aga mo ata nagising ngayon ah, may sakit ka ba ? ang tatay talaga laging nang-aasar kapag maaga ako nagigising. Para bang isang himala kapag nangyari yun.

Alis ako maya, tay. Si nanay? papagood shot ako. Hihihi. Si tatay di naman kasi mahigpit sakin, ok lang na umalis ako sa off ko basta magpaalam na maayos pero ang nanay kasi masyadong madaladal, papayag din naman. Baliktad sila ng ugali hahahaha.

Aalis ka na naman ? napapadalas yung gala mo tuwing off ah, di ka na nakakatulong dito kay nanay. Nagsalita na naman ang magaling kong ate. Si Ate Laarnie, pangalawa sa matanda Kontrabida lagi ito sa buhay ko eh. Dinaig yung panganay naming ate, si Ate Lourdes.

Nandito din pala siya, di ko napansin o sadyang trip lang akong bungangaan neto.

Maglilinis naman ako ng bahay bago umalis. Tipid kong sagot sa kanya. Pagkasabi kong iyon sabay pasok ni nanay galing sa likod ng bahay.

Aalis ka? at san ka naman maglalakwatcha? di ka na napirmi dito sa bahay, kada off mo sa ibang tao mu nilalaan, sino ba yang mga madalas mong sinasamahan? may boyfriend ka na ba ha? aba kung may boyfriend ka na wala namang kaso sa amin yun ng tatay mo, habang naglilitanya si nanay si tatay naman ginagaya ang buka ng bibig ni nanay, malakas ang loob manggaya dahil nakatalikod si nanay, basta dalhin mo dito sa bahay at dito ka magpaligaw hindi yung kung saan- saan ka dinadala, humarap na samin si nanay, tumigil si tatay sa ginawa niya at nagkamot sa napapanot na ulo, sabay bulong na "papayagan ka din niyan, tiis lang nak" at binigyan ako ng shoulder tap at lumabas na ng bahay, habang ang nanay tuloy pa din, wag kang gagaya diyan sa ate mong pangatlo, oh yan buntis, di na awa sa amin, hay jusko talaga! Hangggang pati si ate Lanie nadamay na ayun walang kamalay malay sa usapan dahil tulog pa dahil buntis nga.

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon