Chapter 2: GETTING ALONG

185 14 2
                                    

 

It’s been 2 months…

Nakasanayan ko na din ang trabaho ko ngayon. Gamay ko na yung mga dapat gawin. Nung una talaga, jusko, nakakatakot  magkamali. Paano ba naman kapag nagkamali ka, damay ang mga seniors mo sa maling nagawa mo. Nakakahiya naman. Kaya dinibdib ko talaga yung trabaho. Kaya heto, masasabi kong kering keri ko na. Hahahahaha.

“Ate Rheg, tapos ko na po iupdate yung Daily Log natin.” Sabi ko habang kausap ko ang sarili ko.

“Salamat Lheng.” Sagot naman ni Ate Rheg sakin.

Lheng. Yan ang bago kong pangalan. Hahahah. Iyan na kasi ang nakasanayang tawag nila sakin. Palayaw ko kumbaga. Hindi ko na matandaan kung sino ang unang tumawag o nagbansag sakin nyan pero hindi din naman ako umaangal. Parang endearment na nila sakin yan. (Hahahah, endearment talaga)

At sa dalawang buwan ko dito sa trabaho ko, napatunayan ko ngang masaya sila kasama at yung iba ko pang ka.team. Parang pangalawang tropa o pamilya ko sila.

Kapag kasama ko sila, chill chill lang aura ng office. Which is mas nakakatulong para di masyadong stressful yung trabaho.

“Ate Belle, mukhang blooooming ka ata ah, mukhang nakascore ka no? ahahahah” si Ate Rheg.

Enebe, obvious ba? Ahahahah” pababy naming sagot ni Ate Belle.

“Kaya naman pala, ang sipag magtrabho, nyaahaahahah” tukso ni Kuya Omel.

Yan ganyan ang isa sa madalas na usapan. Lalo nilang tatlo (Hahahah, peace po).  Palibhasa si Ate Belle at  Kuya Omel ay may asawa’t anak na. Samantalang si Ate Rheg,  eh active sa aspetong yun ng buhay. (You know what I mean :))

Maliban kay Maye na isang NBSB (No Boyfriend Since Birth), na kapag ganun ang usapan eh, no comment o nakikinig na lang. Nakikigatong na lang din minsan. (Buti nga eh, di sya naOOP kapag ganun at natitiis niya ah, ahahahah)

“Lheng, anong baon mo?” tanong ni Ate Rheg.

“Ano po, Jollibee”. Sagot ko.

“Aba matinde, buti nadala mo yun Lheng. Hindi ka ba nabigatan nung iniakayat mo dito sa office, amazing!ahahahahaha.” biro ni kuya Omel.

Yan si Kuya, the best sa barahan. Siya ang madalas bida kapag ganyang usapan. Hahahah. At siya ang laging pasimuno.

“Wow! Lheng, kamag-anak mo pala si Darna! Ahahaha” gatong ni Ate Belle.

“Anong Darna, si Hulk kamo’ te!. Nyahahahah”.  Dagdag pa ni Maye.

Dahil nga may pasimuno, siyempre may mga alipores. Hahahah. Ganyan kami lagi asaran, barahan, tawanan, kwentuhan at kulitan habang nagtatrabaho. AnSaya lang di ba?

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon