Chapter 19: SO CLOSE

85 9 0
                                    

"the best thing i never had"

                                             --- Beyonce

>>>>>>>

Magkatabi kami sa inuman pero di naman kami nag uusap kung anu ano na ang kwento sa hapag ng mga bote ng alak pero walang kibuan, paminsan minsan kami ang sentro ng asaran at kwentuhan pero ni hindi kami nag uusap. Badtrip!!!

"oi san pala kami matutulog" tanong ni Drei, dahil nga sumunod lang sila ni Deo di nila alam kung saan sila pupuwesto.

"Drei tabi daw kayo ni Lheng, ahahahah" nakakainis na suggestion na Rmie. At nagulat din ako sa sinabi niyang iyon, di nakakatuwa.

"talaga?! sige mamaya" sagot naman ni Drei sabay kindat saken. Yuck, eeewww. Ano ba feeling close ba siya?? at bakit ako tatabi sakanya.

Nakakainis wala man lang magtanggol saken, sila Ate Reginae at Ate Belle di man lang sabihin na wag kasi di naman kami magkakilala, dedma lang sila, umalis sa upuan nila at nagswimming ulit sa pool. Tapos itong katabi ko di man lang din ako sinagip sa isang iyon.

"Kelvin, lika dito!" tawag ni Ate Belle mula sa pool. Ano na naman kaya trip nitong mga ito. Baka mamaya iiwan ako tapos ipatabi si Drei saken, nakuu ah. Kaya kunwari magccr ako. Sinabayan ko si Kelvin sa pagtayo.

"oh san ka pupunta si Kelvin yung tinawag kasama ka?? tanong ni Rmie.

"iihi lang ako, sasama ka?" sarkastikong sagot ko sakanya. Kainis eh, di na lang manahimik.

Sabay kaming umalis ni Kelvin sa inuman, ako pinush ang pagpunta sa CR at siya umupo sa gutter habang kinakausap nila Ate Belle at Ate Reginae. Nang pagkabalik ko sa kubo, di na ako umupo sa pwesto kung nasan ako kanina, napagdesisyunan ko na kasing matulog na din katulad nila Maye at Zari.

"Rmie tulog na ko di ko na talaga kaya" pagpaalam ko.

"oh Drei matutulog na daw tabihan mo na" tapik ni Rmie kay Drei habang nakanta.

"Rmie, matutulog na din ako" singit naman ni Kelvin.

"san ka pupuwesto?" tanong ni Rmie.

"tabi kami ni Moilyn" sagot ni Kelvin.

Teka totoo ba yung narinig ko!??? Siya yung makakatabi ko sa pagtulog, hindi si Drei. Hay salamat sa Diyos......

teka...

wait a minute....

pwede bang pakiulit...

si Kelvin at...

ako magtatabi matulog?????!!!

what the eeeeffffff!!!!!

Si Kelvin at ako magtatabi matulog???

Si Kelvin at ako magtatabi matulog???

Si Kelvin at ako magtatabi matulog???

OA lang more? OMG !!!!  \(^o^)/

Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko, teka baka dahil sa kalasingan kaya kung anu-ano na ang naririnig ko.

"magkatabi tayo?" gusto ko lang iconfirm baka nga kasi nabingi lang ako o naghahallucinate lang ako.

"choosy pa ba? ayaw mo nun makakachansing ka na nga?!heheheh"  waah, is this really happening???? hindi ba panaginip lang ito???

"Lheng sampal gusto mo?? di panaginip yan, totoo po!!! ayaw pa mo?" sabi naman ni Maye.

Gusto kong sabihin na "weeeh di nga?!" pero baka sampalin nga ako o baka hindi lang iyon ang magawa nila saken. Hahahah. Hindi naman sa nagpapakachoosy, hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari sa mga oras na ito.

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon