Chapter 12: PATIBONG

92 10 0
                                    

“Anak ng pusang gala naman oh!, ang tanga lang!”

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa area, at ke aga aga eh, yan na agad ang pabati ni Kuya Omel. Ganyan siya mag good morning sakin eh. Pero kasalanan ko din naman talaga kasi di ko napansin na basa yung bitbit kong bag. Tumutulo siya sa sobrang basa, kaya galit na galit si kuya dahil nagkalat yung tubig. Hindi ko talaga napansin ito. Malamang nabasa ito nung naghilamos ako kanina sa cr.

“Sorry naman, di ko napansin eh” yun na lang ang naisagot ko di pa ko naka move on sa nangyari kanina. Hindi medaling maka move on dun.

“Akala ko Lheng, nagbitbit ka pa ng alak dito eh, ehhehehe” sabi ni Boss Nathan, team leader din ng isang shift. Isa sa mga tinuturing na seniors sa department.

“Lilinisin ko na lang po, sorry talaga” ano ba naman kasi bakit hindi ko napansin na basa pala itong lecheng bag na ito. Nakakainis kapag minamalas ka nga naman oh!

“Malamang, alangan namang kami pa ni Nathan ang magpunas niyang kalat mo” ito talagang si kuya daig pa ang babae kung makadakdak sa kin eh, akala mo talaga apekatado siya ng bonggang bongga eh. Yung sahig naman yung nabasa hindi siya.

“Sige, maiwan ko na kayo jan, ok naman yung duty ko wala namang naging problema, sige ciao” buti pa ito si Boss Nathan, di ako dinadaldalan. Kalma lang siya.

“Ay si Ate Belle pala, nasan na?” tanong ni Boss Nathan. Oo nga pala nasan na si Ate Belle, akala ko sila ka shift ko? Bakit si Kuya Omel lang? Gulpi ako neto. Gulpi ako sa salita at mura ni kuya Omel. Pero ang alam ko kasi ako yung puyat at may amatz dito eh, ako din yung broken hearted ako dapat mainit ulo pero daig pa niya ako dahil lang sa tulo ng tubig akala mo eh, pupu yung kinalat ko. Hay Naku talaga!

“I’m here now, kaya lang nalate ako, huhuhuhu …. Tsk! Inis!” dumating na si ate belle, hay buti naman akala ko di papasok si ate belle eh. Nakahinga ako ng maluwag kahit papano.

“Oh, Lheng bakit basa yung likod mo?”

 

Kinapa ko yung sinasabi ni ate Belle, my goodness basa nga at for sure dahil din to dun sa bagbag na bitbit ko. Asar talaga, kemalas lang, Moilyn talaga. Magsisimula pa lang ang duty ko eh, dala ko na ata lahat ng kamalasan ngayong araw.

“Pano te belle, shunga shunga!, lasing pa ata eh” nakakapikon na ah, nakakarami na to ah. Kapag di na ko nakapagpigil, nakoo. Patience Moilyn, patience. Hindi ako lasing. Wala silang alam sa nangyari sa inyo ni Kelvin kanina kaya akala nila ok lang. Dapat maging ok ka lang. Wag mo ipakita sa kanila na di ka ok. Mas madaling ipaliwanag na masaya ka kaysa malungkot ka kahit di ka naman talaga masaya.

“Ano bang nangyari sa iyo, ineng? Ok ka lang ba? Kaya mo bang magduty?” sunod sunod na tanong ni ate belle. Buti pa si ate concern, tinanong niya kung ok lang ako. Di ko sure kung magkukwento ba ako o hindi.

“Kaya ko naman po magduty” sa mga tanong ni ate belle, yun lang ang kaya kong sagutin. Gusto ko magkwento pero nagdadalawang isip ako. Lalo na ngayon na ka shift ko si kuya, malamang sa malamang eh, bubusugin ako neto sa mura at palalamunin ng masasakit na katotohanan. Hindi ko pa kayang tanggapin yun sa ngayon baka sumabog na lang ako sa sama ng loob kapag ganun.

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon