Chapter 13: MU

104 10 0
                                    

“Kumusta ka Lheng?” tanong sakin ni Ate Reginae. Matagal tagal ding hindi kami nagkwentuhan ni Ate Reginae, ang pasimuno ng lahat. Nakakamiss yung kakulitan niya, yung mga pang-aasar niya sa amin ni Kelvin.

“Rheg, nakita mo na ba yung picture nila sa facebook na inaupload ni Maye?” tanong ni Ate Belle. Nakangiti at talagang kinikilig pa. Napipikon ako pag nakikita silang ganun, kinikilig samantalang ako, eto nasasakatan.

“Oo naman te Belle, ano Lheng ok ba?” sagot ni Ate Reginae kay Ate Belle.

“Siyempre ok na ok kay Lheng, yun di ba? choosy pa ba?” pang aasar naman ni Kuya Omel.

“Arte pa ni Kelvin eh, ikikiss ka din naman pala Lheng no?” sabi pa ni Maye. Ang salarin sa pagkalat ng picture namin sa facebook. Pinapaalala pa nila sakin yung mga pangyayaring gusto ko ng ibaon sa limot. Kumpleto ang barkadahan ng mga buyo ngayon. Naiinis ako sakanila dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit ako nandito ngayon, nasasaktan ng dahil kay Kelvin. Alam ko namang mali na mainis ako sakanila dahil ako pa din naman ang nagdecide na magpadala sa mga buyo nila, ako pa din ang may kasalanan. Pero di nyo naman ako masisisi di ba? Ang lakas nilang mantrip eh, tao lang ako.

“Balita ko Lheng, may continuation daw ah?” ngiting ngiti si Ate Reginae. Alam ko na ang ibig nitong malaman.

“Ay naku Rheg, alam mo bang nagkiss na sila sa lips, at take note ah, si Kelvin daw yung nagkiss, yieeee! Eh mey ged, I’m gonna die, I’m gonna die” teka di ba dapat ako yung kinikilig pero bakit si Ate Belle? Ahahahah. Laugh trip talaga itong si Ate Belai eh, gayahin ba naman yung linya ni Vice Ganda with matching paypay din ng mga kamay niya.

“really, is it really real?? Real na real, real na real? Eh mey ged I’m gonna die” gaya naman din ni Maye. Kukulit lang nila. Kinikilig? Ako hindi, dahil di naman totoo na si Kelvin yung nagkiss. Oh how I wish di ba? kaya lang di nila alam yung totoo eh, but for the mean time, it’s better this way. Yung di nila alam yung totoo dahil for sure, magmumukhang akong cheap sakanila, pero di ko din naman balak na patagalin itago yung totoo sasabihin ko din sakanila, kumukuha lang ako ng tiyempo. Sa ngayon yung plano ko na lang muna ang pagtutuunan ko ng pansin.

“So ano nang status nyo Lheng?” tanong ni Kuya Omel.

“M.U” sabi ko with confidence. Hahaha ako na po ang feeler. Harhar.

 

“MU, malaswang ugnayan, ahahahahah” sabi ni Ate Belle.

“te Belle, nu ka ba malabong usapan yun, mejo green ka na naman eh” natatawang kontra ni Ate Reginae kay Ate Belle.

“mali kayong dalawa, ang ibig sabihin nun, Medyo Umaasa at Medyo Umiiwas di ba Lheng?” bulls eye, BOOM CLAP, CLAP! nawala yung mga ngiti ko sa sinabing iyon ni Maye, ang tataba ng utak nila pero bilib ako sa isang ito.

Status: Medyo Umaasa at Medyo Umiiwas

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon