Chapter 25: MOVING ON?

50 6 0
                                    

"Now waking up is hard to do, sleeping's impossible too. And everything's reminding me of you, what can I do?" --- Maroon5

>>>>>

Back to reality na, parang naka slow motion ang mga nakaraang araw sa buhay ko. Ramdam ko ang pagod at sakit ng katawan ko.

Ayaw ko na sanang pumasok pero baka isipin ni Kelvin, siya na ang panalo. Hindi ako papayag.

"oi Lheng, kumusta? Mugto ang mga mata? Ano nangyare?" tanong ni Ate Reginae.

"oo nga Lheng, okay ka lang ba?" si Ate Belle naman ang nagtanong. Bakit naiiyak ako? Wala naman silang ginagawa di ba? Tinatanong lang naman nila ako. Parang timang lang???

"wala po, okay lang ako" pinipilit kong kalmahin ang sarili ko kasi feeling ko anytime bibigay na ang mga mata ko sa pag-iyak.

"okay ka lang?? Parang labas sa ilong ah???" si Kuya Omel talaga, walang patawad.

"Di ba birthday ni Kelvin nung isang araw? Nagkita kayo?" tanong Rmie. Boom boom pow!! Magic words!! and just like heavy clouds my eyes pour out the rainstorm. I can't help it. I can't hide it.

"halah, bakit Lheng?" gulat na tanong ng team leader namin. "si Rmie hilig talagang mang-aasar eh!" saway niya kay Rmie.

"wala naman akong ginawang masama nagtanong lang ako." halata ang pagkabadtrip sa mukha niya dahil napahiya siguro sa pagsaway sa kanya.

"ano ba kasing nangyari? Baka pwede mong sabihin para di naman kami napapahiya dito di ba!" tama nga ako napahiya ko nga si Rmie ng di sinasadya.

"lumayo na daw po ako sa kanya eh, itigil ko na daw" iilang salita pero ang hirap at ang sakit sabihin.

"eh bakit daw?" tanong ni Kuya Omel.

"hindi daw niya ako kayang mahalin" para akong bata na pinagalitan ng magulang. Bawat pagitan ng mga sinasabi kong salita may mga pag hikbi nagaganap.

"oh di itigil mo na! Anong iniiyak iyak mo? Di ba sabi mo last shot na yung gagawin mo sa birthday niya tapos kapag wa epek, awat ka na?!!! Eh bakit ngumangalngal ka dyan?" litanya ni Maye. Akala ko di magrereact sa mga sinasabi ko kasi tahimik lang siya sa tabi ko na nakikinig.

Hindi ako sumagot, paano ko sasabihin na sinuko ko ulit ang Bataan sa lalaking hindi naman pala ako mahal. Puro pag-iyak lang ang nagawa ko.

"oo nga Lheng ano bang nangyari nung birthday niya?" may pag-alalang tanong ni Ate Belle.

"teka umamin ka nga Moilyn, may nangyari sa inyong dalawa noh?? As in you two had one night stand???" kahit hindi ako sumagot halatang halata naman na sure si Rmie base na din sa pag-iyak ko.

"ano Lheng, totoo ba yung hinala ni Rmie??" tanong ni Ate Reginae, nakatingin silang lahat sa akin. Inaantay ang pag sagot ko ng Oo o Hindi.

Tanging pagtango na lang ang nagawa ko kasabay ng pagtakip ng kamay ko sa bibig ko, hindi ko na napigilan. Lahat ng mga masasakit na salitang sinabi ni Kelvin parang kantang nasa replay. Paulit-ulit. Parang sirang plaka na tumitigil sa nakakasugat na salita tagos sa puso.

Kasabay pa nito yung sakit ng isang sabunot sa buhok ko na ginawa ni Maye.
"ang tanga mo lang! Ang tanga-tanga mo lang talaga" alam ko naman pero bakit kailangang paulit-ulit. Eh tanga ka nga kasi!!! Inuulit kasi baka di mo gets, kasi nga tanga ka! Shungabels! Tonta!!!! ultimo kambal diwa ko salungat na sa mga pinag gagawa ko. ;(

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon