Chapter 6: FIRST DATE

130 11 3
                                    

#MOILYN’s POV

Hikab.

Hikab ulit.

Hikab pa ulit.

Morning Shift na ko.

Hays, napuyat ako sa kakaisip nung nangyari kagabi lalo na nung kumain kami sa labas. Nagulat ako sa ginawa niya. Paulit ulit kong nakikita sa isip ko yun. Hirap maka move on heheheh.

Pero buti na lang uwian na. Hahaha. Ang bilis talaga ng oras kapag morning shift.

“Boss yun lang po yung tungkol sa report na pinagawa samin ni Sir B.” si Ate Reginae.

“Tapos yung records po boss, for observation nakasave po dun sa recording PC kayo na lang po bahala magcheck for clarifications.” si Ate Belle.

Iniendorse na nila yung mga pinagawa ng mahal naming visor tsaka yung mga nangyari sa shift namin.

 

Habang naglalakad palabas ng office.

 

“Lheng pupunta ka pa ba sa mall ?” tanong ni Ate Reginae.

“Opo, bibili ako ng mga abubot ko heheheh. Paubos na kasi. Bakit po?” balik tanong ko sakanya.

“Sama ko, may bibilhin din akong mga abubot heheheh” sabi niya.

“Ikaw te Belle, sama ka na din para masaya, may sundo ka ba mamaya?” tanong ko naman kay ate Belle.

“Teka lang, check ko muna kung nagtext si hubby.” sagot ni Ate Belle.

Biglang may sumingit sa usapan namin. Yung lalaking dahilan kung bakit di ako nakatulog ng matino kagabi. (-///-)

Here we go again.

Butterflies in my stomach, this feeling  *O*

“Pupunta kayong mall? Sama ko, sakto may bibilhin din ako eh.” si Kelvin. Nakangiti agad. ^^,

Parang nawala yung pagkapuyat ko nung nakita ko yung ngiti niya. Anong meron? Weird. . Pinili ko na lang di umimik kasi parang may sumanib sakin na masamang espiritu, ahahahah OA lang.

 Halos di ko na nga marinig yung usapan nung tatlo, hanggang sa …

“Lheng, di ako makakasama may sundo pala ako, you know, andyan na si hubby ko eh. Kayo na lang ni Reginae. Sarreee.” sabi ni Ate Belle. Sabay sulyap kay Ate Reginae na para bang may ibang sabihin.

“Ay oo nga pala! Lheng, may lakad pala kami ni boyfriend ngayon, pasama ka na lang kay Kelvin. Tutal naman may bibilhin din daw siya.”biglang sabi ni Ate Reginae.

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon