Chapter 4: GROUP DATE

168 12 2
                                    

Simula kahapon, nung itanong nila yung tungkol sa nakaraan. Hindi na naman naaalis sa isip ko yun. Hays, mukhang di pa din siguro ako nakakapag move on. Buti na lang, hindi na, nila ini.open ulit yung usapan na iyon. Jusko po, sana wag na nila maalala.

“Oi, tara kaen naman daw tayo, bago umuwi.” Yaya ni Kuya Omel pagkatapos niyang manggaling sa pantry. Ano ba itong taong ito, katatapos lang kumaen, eh pagkaen na ulit ang nasa isip.

Pero ayos lang, first time naming kakain ng sama sama bago umuwi. Sakto,  kelangan ng isip ko nang ibang pagkakaabalahan.

 "Tara, saan ba?" sagot agad ni Ate Rheg.

"Kahit dyan lang daw sa McDo, eh." si Kuya Omel.

"McDo! tara hihihi" tuwang pagpayag naman ni Mai, palibhasa adik sa gravy, pumapapak siya nun eh. (huwag nyo ko isumbong ah, hihihih. Nga pala siya din po si Maye ah, wag kayo mailto, madami lang talaga kaming tawag sa isa’t isa heheheh.)

Teka, may “daw” sinong nagyaya?

“Sinong nagsabi?” tanong ni Ate Belle. Galing!ahahahah. Buti tinanong ni ate. ^^,

“Sila Leinard, Kelvin at Beryong” sagot ni Kuya.

Ano? Tama ba ang pagkakarining ko? Kelvin?

Pero …

Bakit?

Kasama si Kelvin? Parang alam ko na kung anong mangyayari mamaya.

Ako na naman bida nito. Bida ng asaran. huhuhuhu.

>>>>> 

Uwian na…

Naghihintay sa tapat ng elevator.

“Lheng, si  Kelvin oh!” tudyo  ni Ate Rheg. As always siya talaga ang nagpupush talaga. Kung may pasimuno ng asaran, may pasimuno din ng reto-reto. At wala ng iba kundi ang nag-iisang si Ate Reginae. Ang kulit talaga ni Ate Reginae eh,... Sinabi ko na nga na ang dahilan kung bakit ayoko pero go lang go pa din siya. Ano ba teh, stop na please.................. T______T

Kantiyawan dito.

Asaran doon.

Sabi ko na nga ba, ganito ang mangyayari eh. Matunawan naman sana ako sa pagkain ko mamaya. Hay naku! Grabe nakakahiya talaga. Kunwari na lang na may katext ko sa phone ko. Grrr..

 Pindot dito.

Pindot doon.

All I Want is Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon