I.L.Y.P.B.M. || One

243 6 0
                                    


"Doc, medyo masakit po ang ulo ko ngayon, siguro po lumabo po yung mga mata ko" my first patient said

"Ok" the only word i said because i almost hear this complain everyday. As in everyday!. Suko na ko sa pakikipaglaban sa pasyente.

"Dra, yung paa ko po kasi namamaga, nag-pahid na po ako ng ointment after ko po ipahilot sa kapitbahay" patient 2 said.

I closed my eyes and gathered all my patience in my body. Nag doctor kwak kwak na naman po sila.

"Doc, stomach ache lang po, napasobra lang po ata sa coke at manggang hilaw, tama po ba na pain reliever yung ininom ko? Patient 3 said.

I accidentally raised my 2 eyebrows because of the shock. WTF? Coke and Unripe Mango? Pain reliever?

"Dra, tumaas po ata ang BP ko kaya nahihilo ako ngayon. Uminom na po ako ng pineapple juice, tama naman po diba?" Patient 4 said.

"Doc, yung asawa ko kasi palaging nakakalimot sa bagay bagay, sa tingin nyo menopausal na sya?" Patient 5.

"Dra, hinika kasi ako kagabi, pero ngayon ok na po ako, kaya wala po kayong maririnig na kakaiba.  Pwede po bang magpa med cert nalang?" Patient 75 said.

Halos masira ko na ata ang papel sa madiin kong pagsulat sa reseta at medcert ng mga pasyente ko.

Ako na yata dapat ang magpa checkup dahil inaatake na naman ako ng migraine.

Imagine? i entertained almost 100 patients a day? Then you will hear your patients complain over and over again.

Well yeah, this is my job and i love my job and i took an oath that I will do my best to help the sick to the best of my ability and judgment.

More of my patients naman are ok, masunurin naman ang karamihan, di lang talaga nawawala yung mga pasaway.
Hindi ko alam kung nagpa checkup lang ba sila para   may mag-agree sa self diagnosis nila.

"Mia!" Ethan shouted while chasing at me at the hospital hallway.

He is the son of my Ninong Trevor, the owner of this hospital. So basically, Ethan is the owner too, partly he is my boss, but since he is a friend too and ex, I.D.G.A.D., naiirita talaga ako sa pambubully nya.

"Highblood ka na naman dyan. Chill lang. Ilibre nalang kita ng dinner mamaya para gumanda ang mood mo" pilyong sabi nito.

"Nyeh, style mo bulok talaga. Di na uubra sa akin yan no" sagot ko dito.

"So, tell me what happened? Mga pasaway na pasyente mo siguro" he said containing his laugh.

"Ano pa nga ba?" Sagot ko dito habang papunta sa isa kong pasyente.

"May rounds ka pa?" He asked.

"Yep, im here, sama ka sa loob?" Tanong ko sa kanya.

"Nope! Im on my way to my 1st surgery in an hour. I need to prepare. By the way, pinapatawag ka ni Dad, puntahan mo daw sya sa office. Got to go, wish me luck, wala bang kiss?." Sabi nito bago umalis.

"Tse!, sige alis na. Goodluck! Fight!" I said cheering him up. And then he left smiling.

Nakakatawang isipin na naging ex ko ang anak ng Ninong ko. Actually, pinagbigyan ko lang syang itry kung magwo-work ba pag naging kami.

Yes i loved him, but i love him more now as a brother. Pag hindi pa talaga uubra, wag nalang ipilit. And im glad, that we became friends after our split. 

Ng inalis ko ang paningin ko sa paalis na si Ethan ay pumasok na ako sa patient room.

I saw a cute baby boy playing on his hospital bed. 1 year old to be exact, this kid had a mild pneumonia and im glad he recovered in just 2 days.

I.L.Y, Please Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon