I.L.Y.P.B.M. || Nine

152 4 0
                                    

"Ano na?? lalakad nalang ba tayo? May pupuntahan ba man lang tayo?" Inis na tanong ko dito.

Ala Una na kasi ng hapon ng dumating kami sa destinasyon ng bus. Ni hindi na kami nakapag tanghalian man lang dahil halos apat na oras din ang naging byahe namin.

Pagbaba namin ng bus ay naglakad nalang kami sa kung saan man lupalop kami dalhin ng aming mga paa. Ako naman si tanga, sunod lang ng sunod sa kanya.

"Pagod ka na ba? Gusto mo magpahinga muna tayo? Water?" Sabi nito habang inaalok ang kapit na mineral water kaya hinablot ko nalang ito sa kanya at uminom.

"Kasi naman Uriel Simon! Umayos ka naman. Ni hindi natin alam kung nasaan na tayo? Ni wala nga tayong matutuluyan. Hapon na! Di pa tayo nagla-lunch. Saan tayo matutulog nito?" sabi ko dito na tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

"Chill ka lang Mi, eto at may 100 pesos pa tayo. Mag late lunch na tayo, ayan o may Siomai Rice, masarap yan, tipid pa." sabi nito habang hatak hatak ako.

Wala akong nagawa kundi kumain at mag-tanghalian ng siomai rice, medyo nabusog din ako kahit papaano. Gumanda naman din ang mood ko kahit ganito ang nangyayari sa akin. Bat naman kasi ako nagpa-hatak dito kay Uriel Simon. Imbes na  kumakain kami ngayon ng masarap kina Mang Tonio, eto kami ngayon, tinitipid ang pagkain.

"Diba may 30 pesos pa tayong natitira? Galing diba? Tila nang-aasar pa na sabi nito.

"Seriously? Makakauwi pa ba tayo sa barrio sa halagang 30 pesos?" Di makapaniwalang sagot ko dito.

Sa halip na sumagot ay pinagsiklop ni Uriel Simon ang aming mga palad at naglakad. Nauuna syang lumakad at ako ay halos nasa likod nya gawa sa laki ng hakbang nya, pero kahit ganoon pa man ay hindi nya pa rin inaalis ang kamay nya sa mga palad ko.

The he suddenly stopped. Halos mauntog ang mukha ko likod nito gawa doon.

"What happened?" Tanong ko dito.

Ng tignan ko ang paligid ay nakita ko ang isang napakagandang park na puno ng ibat ibang klase ng mga bulaklak, marami din turista ang naglilibot at nagpapakuha ng mga litrato dito.

"Wow" i said amazed on the beautiful flowers. Hinatak ko si Uri para makalapit dito. Ano kayang itsura ng park na ito on top? Naka organized kasi ang mga bulaklak base sa mga kulay nito at alam mo na may mabubuong imahe ito pag sa taas mo ito tiningnan.

Ng mapagod kami ni Uri ay umupo kami saglit sa isang mahabang upuan at nagbuntong hininga.

"Anu ne?" Pagod na tanong ko ulit kay Uriel Simon. Ang hirap pala ng ganito, walang plano plano, walang matutulugan blah blah.

"Sorry na. Pero let us see where God will bring us" sagot nito na nagpipigil pa rin ng ngiti matapos ko syang tingnan ng masama.

"Paano na tayo kakain mamaya?, saan na tayo matutulog? 30 pesos talaga ha." I asked in defeat.

"Nakikita mo ba yang kalapati, Mi?" Turo ni Uriel Simon sa harap namin. May mga tourist kasing nagsasaboy ng feeds at  pinupuntahan ito ng mga kalapati.

"Oo, bakit? Huhuliin mo isa-isa at iuulam natin?" Sagot ko dito habang naka nguso.

Humagalpak naman ito sa tawa.
"Your idea was hilarious! Pero you have apoint. Pero hindi ganoon ang nasa isip ko, Marian Irish,
sabi nga sa isang bible verse,
Look at the birds of the air, they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly father feeds them. Are you not much more valuable than they?" He said.

"Sabi ko nga Father!. So sa atin na human beings, san tayo makakakuha ng  makakain at matutulugan natin ng libre?? Uriel Simon, wala ng libre sa mundo natin" sagot ko dito.

I.L.Y, Please Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon