I.L.Y.P.B.M. || Six

167 5 0
                                    


Mag aalas-syete ng makabalik kami sa lugar nila Mang Tonio at tulad ng inaasahan, inaayos na nila ngayon ang hapunan ng lahat.

Uriel Simon and I are walking side by side with smile on our faces.

I never thought that i can easily forgive him. Sa tagal ng galit ko sa kanya ay hindi ko aakalain na isang simpleng sorry lang ay parang bula na mawawala na ang lahat ng sakit dito sa puso ko. How is it possible? I dont know.

Nagkatinginan kami ng saglit at ngumiti bago naghiwalay ng mesa.

I went to Ronnalyn and seated beside her.

"Kamusta? Nasaan si Ethan?" Tanong ko dito.

"Hayaan mo yung pabebe na yun. Hindi yun sasabay sa atin. Hmm teka, bakit may iba sayo?" Naniningkit na tanong nito.

"Anong iba?" I answered

"May iba talaga sayo sis! Hmmm the eyes?" Sabi nito habang kapit ang mukha ko at tinititigan ang mata ko.

"Tigilan mo nga ako Ronnabels. Bitaw!" Inis na sabi ko dito bagay na kinatawa nito.

"Sya, mamayang gabi nalang kita kukulitin, pag tayong dalawa nalang. May dumarating na pabebe eh" sabi ni Ronnalyn pointed her lips to someone.

Si Ethan pala yun.

Matapos ang mga tawanan sa hapag-kainan, mas pinili ng lahat na magstay muna at magkasiyahan. May mga nagkkwentuhan. Nagtatawanan.

Si Ethan ay tumabi sa side ni Ronnabels. And he said sorry to me. Mukha naman sincere ito kaya pinatawad ko na agad ito. Syempre ang kondisyon para patawarin ko sya ay magsorry dapat sya kay Uriel Simon. And he said yes.

He excused himself and went to Team Boys area.

Kami pa rin ang magkatabi ni Ronnabels ng biglang umupo sa malapit sa amin si Uriel Simon.

At dahil alam kong bestfriend ko ang katabi ko ay nabalot ako ng kaba. Tiningnan ko naman ito para iparating sa kanya na makuha ka sa tingin.
Hay Ronnabels, wag na wag kang magkakamali kundi lagot ka sa akin.

"Magpapari ka?" Biglang tanong ni Ronnabels.

"Oo" nakangiting sagot ni Uriel Simon.

"Ilang taon ka na sa seminaryo?" She asked again.

"5 years na ata" he answered.

"Kailan mo nalaman na gusto mo? Hindi mo ba gustong magka pamilya?" Tanong ni Ronnabels. Papasang talk show host itong kaibigan ko kung maka interview buset!.

"Honestly, at first yun naman talaga ang plano ko. Ang magkapamilya. But then something happened at i cant deny it. May calling ako" he said.

Hindi ko maiwasan na makaramdan nang konting lungkot sa puso ko sa narinig. I should be happy for him diba? Bat may ganito akong feeling.

"Ano naman yung calling mo? Totoo pala yun?" Tanong ni Ronnabels.

"Sikretong malupet girls. I'll tell it soon. At oo, totoo yung calling. Sa gagong to ko ba naman?, maiisip ko bang pumasok sa bokasyon ng pagpapari? Iba syang kumilos ladies, he can do the impossible things." Mahinang natatawa ito sa sagot niya.

Ano ba itong nararamdaman ko? Inggit ba ito? Panghihinayang? I dont know and i cant name this feeling.

"Mga binibini!!! May dessert na gawa si Ate Emily! Kain tayo!" Sigaw ni Pocholo malapit sa mesa namin.

"Siya guys, mauna na ko sa table, baka maubusan ako. Miabels, sunod ka nalang sa amin" sabi ni Ronnalyn.

Bago pa man sya umalis ay bumulong ito sa akin.

I.L.Y, Please Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon