After that conversation ay naglibot lang kami ni Uri sa paligid, picture dito, picture doon. Tulad ng una naming ginawa sa Bacolod ay maghahanap ulit kami ng matutuluyan ng libre ni Uri bago magdilim.
But the difference, this time ay may nakatago na kaming pocket money at cellphone, in case of emergency ay may magagamit kami.
Walang nagawa si Uri kundi ang pumayag dahil ayokong maging broke sa ibang bansa no!
Pero bago ang lahat ay nagenjoy muna kami. Ng kami lang.We discussed a lot of things. Katulad nalang ng health status nya. Mangiyak-ngiyak pa ako habang tinatanong ito at kung ano ang nararamdaman nya.
Kung may improvement ba ang lagay nito o kung nagpapatingin sya.At first, he doesnt want to answer my question but because he saw me cried a lot, he left no choice and answered it.
I was shocked.
Shocked is an understatement on what he said.
Im a happy yes, but sad at the same time because the good thing is he's not sick, but the sad thing is that the result is real and it's from someone very dear to his heart.After that, we decided to go back to the place we stayed this morning.
"Anong meron?" I asked Uri after seeing gathering of less than 15 people in an open space.
"May activity silang gagawin. Want to join Mi? " sabi nito na tila may pinaplanong di ko magugustuhan.
I narrowed my eye and challenged him to tell the truth but he said it's something fun to do. Kaya naman eto, pumayag naman ako.
Wala akong naintindihan sa sinabi ni Father Kiko sa amin. Sila lang ata ang nagkaka-intindihan.
"Anong sabi nila? Yung pupuntahan natin, sa kanila tayo magstay tonight? Saka ano yung 2 by 2?" Tanong ko dito.
I saw him nod his head then answered me.
"Yes, Mi. May napili naman na ako, matagal ko na itong nililigawan pero hindi talaga tumutugon. Pero mabait naman sila, at kakilala ko na kaya sure na may matutulugan tayo mamaya. And for 2 by 2. Dalawa tayo na pupunta sa isang lugar, yun na yun" nakangiting sabi nito.
Bakit parang may pinaplano talaga ang luko.
Nakarating kami sa isang katamtamang laki na bahay ngunit may malaking hardin, maganda ito at at may magandang veranda at meron din enclosed terrace sa taas nito
Ngunit mukhang walang tao kaya naman nagpunta muna kami sa lugar na tanaw ang dagat.Habang minamasdan ang dagat ay hindi ko mapigilan na hindi magtanong.
"Ano bang gagawin natin sa lugar na ito Uri? Doon sa bahay na pupuntahan natin?" I asked with curiosity.
"We will invite them to join evangelization with Father Kiko. Pero bago yun, we will share our deepest stories to them, how God changed our perspective in life" sagot nito.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at nataranta.
Teka wait? What? me? Will invite someone? Share my deepest stories? Why will I do that? Eto na ata ang sinasabi sa akin ni Father Kiko. Im not ready for this.
"Uri alam mo naman na hindi ako mabait na tao, hindi ako bagay dito. Hindi yata ako ang kasama mo dapat. Baka imbes sumama yan ay baka layuan nalang tayo sa kagagawan ko" sagot ko dito.
Ngumiti naman ito at naintindihan and sinabi ko.
But he said something na ikinagulat ko."You dont need to force yourself Mi, ok? Just leave it to me. But i want to tell you something. Not because you are serving God doesnt mean that you're not a sinner. Ang totoo nga nyan, kaya ako naglilingkod sa kanya dahil punong puno ako ng kasalanan."
BINABASA MO ANG
I.L.Y, Please Be Mine!
ChickLit[Completed] Marian Irish Avery (Mia), she did everything to be on top. She graduated in college with flying colors and became Top Notcher in Medical Board exam. Everything is perfect in her life until she and the man that broke her young heart cros...