I.L.Y.P.B.M. || TwentySeven

153 3 0
                                    

- Uriel Simon -
.
.
.
"Di......Mukhang alam ko na ang sagot ko kay Father Kiko!"
"I want to go to different places with you, I want to help people, i want to continue my parents advocacies and I want to pursue new specialization as well. I want to help as much I can in any form. But first, I want to be your wife Uriel Simon."

Medyo hindi ko nai-intindihan ang mga sinabi ni Marian Irish sa akin dahil nagmessage lang naman sa akin ang magaling kong pinsan na gustong hiramin na naman ang isa sa mga restaurant ko.

Hay, lanya ka Gab! panira ka sa moment namin ng labs ko.

Magre-reply na dapat ako sa message ng g*go ng may sinabi muli ang labs ko.

"Let's get married, Di" she said.

Para akong nabingi sa narining.
Ano daw???

Tatanungin ko dapat sya kung ano yung sinabi nya ng bigla nya akong sunggaban ng maiinit na halik.

Teka lang Mi, di ako handa. Nanghahalik ka na naman bigla. Pero ok lang para sa ikakasiya mo, im a willing victim.

Di ko naman sinabi yung nasa isip ko dahil baka mainis pa ito at  itigil ang pananamantala nya sa kahinaan ko.

She released me on her kisses and hug then said something.

"So what is your answer?" She asked me showing her brightest smile.

Ang ganda talaga ng labs ko.
Teka, ano nga ba kasi ang tinanong nito. Hindi ko tuloy narinig gawa sa bwcit kong pinsan.

"Ano ulit sabi mo Mi?" Tanong ko dito.

Ang masayang mukha nito ay napalitan ng gulat tapos napalitan ng lungkot, then napalitan ng galit.

Hala? Anyare? May mali yata akong nagawa. Paktay na!

"Kung ayaw mo, sabihin mo lang, hindi yung nagbibingi-bingihan ka dyan!" Inis na sabi nito sabay tumayo.

Hala may ginawa nga ata akong mali. Ano ba kasi yun..

"Mi, hindi naman sa ayaw, hindi ko lang talaga nari...."i said the she cuts me off.

"Eh di ayaw mo nga!! My God Uriel Simon Fortich!. I took a lot of courage to say it tapos ito anong napala ko? Wala. Nganga. Sorry ha? Di ka pa pala handa. Ako naman ang mali eh" sabi nito at lumakad palayo sa akin.

Hinabol ko naman itong pilit at mabilis humarang sa harap nito.

"Wait lang Mi!, intindihin mo muna ako. Let me explain" hingal na sabi ko dito.

"Naiintindihan ko na nga! Pwede mo na ba akong padaanin???" Inis na sabi nito.

Bat naluluha sa inis ang labs ko??. Hala anong ginawa ko. If I will make her cry, it should be tears of joy. Hindi ganito? Ano ba kasing ginawa ko. Big deal ba?

Binangga naman nito ang balikat ko upang makadaan at mabilis na umalis.

Pero ayoko ng ganito! para akong guilty sa hindi ko kasalanan. Ano ba kasi ang ginawa ko. Mag sorry nalang kaya ako? Tama mag sorry nalang ako!

"Marian Irish, im sorry" habol ko dito sabay paghingi ng paumanhin

She looked at me too. I expect forgiveness because i already said sorry but what ive seen is sadness.

"Sorry din. Bigyan mo muna ako ng time to realize things Uri." Sabi nito at pilit inaalis ang kamay ko sa kamay nya.

Sa tagpo namin ay hindi namin napansin na nakuha na pala namin ang atensyon ng mga tao. Pero wala naman ako paki-alam sa iba. Ang gusto ko malaman ay kung ano ba yung ginawa ko na mali.

I.L.Y, Please Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon