I.L.Y.P.B.M. || Eight

144 4 0
                                    


"Kuya Pogi, san kayo pupunta ni Doc Ganda?" Tanong ni Gigi kay Uri habang inaantay ako sa labas. Dinig ko silang mag-usap mula dito sa loob ng kamalig habang inaayos ko ang gamit na dadalhin ko sa pag-alis namin.

"Secret, sasabihin namin pagbalik namin ok?" Sagot nito.

"Oi Father, san mo itatanan si Doc Ganda?. Kadarating mo lang dito tapos may bibitbitn ka pang chics para magbakasyon! Ikaw na malakas kay Lord!" Hirit ng lalaking nasa kaedaran ni Uri.

"Gago! Di ko sya itatanan. Kung saan kami pupunta, wa kayo pakels mga men!" Natatawang hirit ni Uri sa mga ito.

"Pero ano nga bang meron sa inyo iho? Bakit parang ang tagal tagal nyo na magka-kilala? Pati allergies mo alam nya?" Tanong ni Ate Emily dito.

"May pagka Marites din pala si Ate Emily" natatawang bulong ni Ronnalyn dito sa tabi ko bagay na ikinatawa ko.

Muli namin binalik ni Ronnabels ang atensyon namin sa labas upang marinig pa ang pinag-uusapan nila.

"Alam mo Uriel, ewan ko kung ako lang. Sa tingin ko ay bagay na bagay kayo ni Doc Mia, para kayong dalawang taong itinadhana sa isa't-isa. Kung paano kayo mag-usap, paano kayo mag-tinginan, paano kayo mag-alala para sa isat isa. Ganyang ganyan ung lolo at lola ko eh." hirit ni Mang Tonio na syang ikinatawa ng mga kausap nito. Maging kami dito sa loob ay palihim na tumatawa.

"Diba lumang kasabihan na yan Tonio?" kinikilig na sabi ni Ate Emily.

"Ate Emily, it is old but true. Alam mo Father, Bagay nga kayong dalawa. Ay, ayaw na kitang tawaging Father, ship ko na kasi kayo ni Doc Mia eh. Wala bang chance?" Hirit ni Dimple na nakiki mosang din sa labas.

Nakita ko si Ronnalyn dito na naka indian seat na sa papag namin at buong atensyon na nanonood sa labas habang kumakain ng pandesal at umiinom ng kape.

"Para na rin akong nagni-netflix" natatawang hirit ni Ronnalyn sa tabi ko bagay na ikina-iling ko.

"Oo nga Father, este Sir Uriel, wala bang chance?" Hirit naman ni Joana.

Sa lahat ng tanong kay Uri ay ngiti lang ang sinasagot nito.

"Kuya Pogi, nagagandahan ka po ba kay Doc Ganda?" Tanong ni Gigi.

"Ano sa tingin mo?" Nakangiting sagot ni Uri dito.

Biglang tumili naman si Ronnalyn dito sa tabi ko na syang ikinasakit ng tenga ko.

"Potek, kinikilig ako, may fast talk na ata doon. Bagalan mo pang mag-ayos ng gamit dyan bruha. Coz, Im enjoying the show outside yes!" Sabi nito ng tuwang tuwa pa.

"Diba po magpa-pari ka? Pwede po bang manligaw ng babae ang Pari po?" Tanong ng isang bata.

Kung anong saya ko kanina ay agad naman akong natauhan sa narinig ko. Im so stupid to enjoy them having that kind of conversation kung alam ko naman imposible ang mga sinasabi nila. Sino ba ako sa buhay nya? isang mortal lang na kaibigan. Stop thinking more Mia!

Hindi naman ito sinagot ni Uri at ginulo lang ang buhok nito.

"So what are your plans? Saan mo balak dalhin si Mia? Im trying to be nice to you kasi iyon ang pakiusap nya sa akin, pero diba parang hindi naman tama na hindi mo sabihin sa akin kung san mo sya dadalhin? Responsibilidad ko na maayos ang lahat ng kasama ko dito. Tapos dadalhin mo sya sa lugar na ayaw mong sabihin? Paano kung may mangyari sa inyong masama? Saan namin kayo hahagilapin? "matapang na sabi ni Ethan na kadarating lang.

"Shet, may KJ na dumating! Bilisan mo dyan Miabels! Lalabas na ko, maawat na yung mokong na yun!" Hirit ni Ronnalyn at madaling lumabas.

Agad ko naman sinara ang bagpack ko at mabilis na sumunod sa labas.

I.L.Y, Please Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon