-Bellatrix-
Hapon na pero wala pa ring paramdam si Orion.
Hindi naman sa namimiss ko siya pero . . . parang ganoon na nga. Gustuhin ko mang pigilan pero itong pesteng puso ko ay hinahanap-hanap siya. Hindi pa kami totally okay pero feeling ko malapit na . . . .
Malapit na ulit akong bumigay sa kanya.
Malakas na napabuntong-hininga ako.
"Ayos ka lang?" naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Amie.
Nilingon ko siya saka tamad na tumango.
"Ikaw ba , ayos ka lang?" balik-tanong ko sa kanya.
Napapansin ko kasing lutang siya nitong mga nakaraang araw.
Saglit siyang natigilan saka napakurap-kurap. "O-oo naman , ayos lang naman ako"
"So ano ngang nangyari at bigla kang umuwi ng Cagayan?"
Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan bago sumagot. "W-wala. Sabi ko nga diba namiss ko si Mary Wyneth kaya ---"
"Kaya ka umuwi?" tuloy ko sa sinasabi niya. "Namiss mo anak mo pero hindi ka man lang nagpaabot ng 24 hours doon at bumalik ka agad dito?"
Mas lalo siyang naging balisa. "A-alam ko naman may problema ka Bella at kailangan mo ako"
Tumaas ang kaliwang kilay ko. "Amie , kesyo may problema ako ngayon o wala hindi ka sana bumalik muna. Sana nagstay ka muna doon ng isang linggo , o kahit three days man lang. Nami-miss mo pala anak mo eh ba't bumalik ka agad?"
Hindi na siya nakapagsalita. Nginangatngat na niya ngayon ang kuko niya sa hinlalaki at isa lang ang ibig sabihin noon.
Nate-tense na si Maria Amanda!
Humalukipkip ako at mataman siyang tinitigan. "Magtapat ka nga sakin . . ."
"N-ng a-ano?"
"You've met Mary Wyneth's father no?"
Ang panlalaki ng mga mata niya ay sapat ng kompirmasyon na tama ang hinala ko.
"B-Bella . . . anong . . . a-anong gagawin ko?" aniya sa basag ng tinig. Ang mga mata niya ay nagsisimula ng manubig. Bakas sa mga mata niya ang takot at pagkalito.
"Tsk! Halika ka nga dito!" hinila ko siya at niyakap. Doon na siya tuluyang umiyak sa balikat ko.
"Natatakot ako Bella. Baka kunin niya sa akin si Wyneth"
"Ssshhh! Ba't ka naman matatakot? Amie anak mo si Wyneth at walang makakaagaw sa kanya mula sa iyo"
"Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sakin Bella" puno ng luha ang mga matang umiling siya.
"Amie , Wyneth is your daughter" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Ikaw lang ang may karapatan sa kanya kaya tahan na hmmmn?"
Humihikbing tumango siya.
"Lea and I won't let that happen. Hindi ka namin pababayaan"
"P-pero mayaman siya Bella"
Mayaman? Natigilan ako. Mayaman pala ang nakabuntis sa bruhang ito? Sino naman kaya iyon? Bigla tuloy akong nacurious.
"Alam ba niya na may anak siya sayo?"
Umiling siya. "Wala siyang alam. S-sa tingin ko ay hindi niya ako natatandaan"
"O eh yon naman pala eh! Kalma ka lang jan"
"P-pero ---"
"Tsk! Amie ---"
BINABASA MO ANG
ORION'S STAR (Orion Montegrande)
RomanceMONTEGRANDE SERIES 1 Because of the tragedy that ends his father's life and made his mother became mentally unstable , Orion was forced to live in an Orphanage. That's where he met the quiet and loner Bellatrix. The moment he saw her ay alam na niy...