-Bellatrix-
Kinabukasan nga ay maaga akong sinundo ni Orion sa bahay at siya ang naghatid sa akin papunta sa M-Ent. Si Amie naman ay sakay ng van ko kasama ang driver naming si kuya Jimmy.
Pagpasok sa entrance ay nakangiti kaming binati ng mga guards na ginantihan naman namin ng masayang pagbati din.
Ayon kay Orion ay sa opisina daw ni Eryx kami didiretso muna para kausapin ang boss.
Sa loob ay napansin kong pinagtitinginan ako ng lahat ng taong nadadaanan namin. Karamihan ay halata ang disgusto na makita ako sa lugar na ito pero meron namang iba na nakangiti sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at taas noo akong naglakad patungo sa elevator.
People think that I have a nasty personality. Well , if that's what they think then so be it! Wala akong time na baguhin kung ano mang pananaw nila.
"Bellatrix!" nakangiting bungad sa amin ni Eryx pagpasok namin sa opisina niya. Lumapit siya sa akin at magaang niyakap ako.
"Tsk! Do you really need to hug her?"
nakasimangot na reklamo ni Orion na nginisihan lang naman ng pinsan."Goodmorning president" I smiled at him.
"Ready ka na ba?"
Tumango ako.
"Photoshoot muna bago recording" ani Eryx na tumingin kay Orion. "Okay lang ba bro?"
"No problem with me" sagot nito.
"Good" tumango-tango si Eryx. "Oh anyways , how's your manager's mom? I've heard about what happened"
"She's fine now. Thanks to your family"
"That's good" tumango-tango siya. "So okay , si Rion na ang bahala sayo. I have a meeting to attend to but I check on you mamaya pag nagrerecord ka na"
"Okay" ngumiti ako sa kanya. "Thank you so much Mr. President"
"Call me Eryx , Bellatrix"
"Okay Eryx then" madali naman akong kausap eh.
"Alright. You're dismissed" ani Eryx saka tumingin kay Dream. "Paki-assist sila"
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko ng tumango lang ang babae.
Lumabas kami ng opisina niya at tinungo na ang studio. Nagningning ang mga mata ko ng makita ang naggagandahang damit ng Stella na nakadisplay doon. Iyon daw ang gagamitin ko para sa photoshoot.
Ipinakilala ako ni Dream sa mga staff at sa glam team. Si Orion naman ang nag-introduce sa akin sa personal stylist ko. Padala daw iyon ng Stella para sa akin.
Like wow! I have my very own personal stylist!
Si Amie lang kasi talaga at ako ang nagsi-style ng mga #Ootds ko. Di naman kasi talaga ako bigtime celebrity.
But now , hindi na ako maiistress sa mga damit na isusuot ko at mababawasan na rin ang palagi naming pagbabangayan ni Amie.
We started the photoshoot at ang unang sinuot ko ay isang galaxy inspired off-the-shoulder puffed sleveless dress. Hinayaan lang na nakalugay ang bahagyang kinulot kong buhok.
The title of my first solo album is 'KALAWAKAN' kaya galaxy inspired ang theme ng photoshoots.
"Okay , let's start!"
Tumango ako kay Orion saka pumwesto sa gitna.
"Nail it Bella!" pagchi-cheer sa akin ni Amie.
"Alright , start na tayo. Give me an innocent look Bellatrix" utos ni Orion na agad ko namang ginawa.
BINABASA MO ANG
ORION'S STAR (Orion Montegrande)
RomanceMONTEGRANDE SERIES 1 Because of the tragedy that ends his father's life and made his mother became mentally unstable , Orion was forced to live in an Orphanage. That's where he met the quiet and loner Bellatrix. The moment he saw her ay alam na niy...