Chapter 18

31 2 0
                                    

-Bellatrix-

"You're back!" nakangiting salubong sa amin ni Symon ng makabalik kami sa mesa.

Ngingitian ko sana siya pabalik ng marinig ko ang nagbabantang tinig ni Orion.

"Don't you dare smile back at him Bellatrix!"

Dahil dun ay umurong ang pagngiti ko at sa halip ay tinanguan nalang ang lalaki.

"Psh! Posessive much cousin?" pasaring ni Symon dito.

Mukhang ito lang ang tanging immune sa deadly look ni Orion. Ang iba kasi nilang pinsan ay tikom ang bibig at halos ayaw magsipagkomento.

Sinamaan ito ng tingin ni Orion na nginisihan lang ng lalaki.

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito pansinin ni Orion at sa halip ay hinila na ako papunta sa pwesto nito kanina.

"Sit here" ipinaghila niya ako ng silya.

Walang imik na sumunod nalang ako dahil hindi pa ako nakakamove on sa nakita kong galit niya kanina. First time ko siyang makitang galit noon ng makipag-away siya sa orphange ng dahil sa akin kaya alam kong ibang ibang klase magalit ang taong ito.

Kanina nga ay naisip ko ng halikan siya para pakalmahin eh. Iyon kasi ang nagpapakalma sa kanya noon. Buti nalang talaga kumalma siya bago pa ko nakagawa ng kababalaghan.

"Eat" napatingin ako sa platong inilapit niya sa akin. Hindi ko namalayang nalagyan na pala niya iyon ng laman.

"Eat Bellatrix" mariing utos niya ng titigan ko lang ang plato.

Natatarantang nadampot ko ang kutsara ko at sunod-sunod na sumubo ng mga pagkain.

"Hey dahan-dahan lang" masuyong hinaplos ni Orion ang likod ko dahilan upang magtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

"So are you guys okay na? Did you already kiss ang make up?"

Muntik ko ng maibuga ang pagkaing nasa bibig ko dahil sa sinabi ng pesteng doctor. Pero dahil sa pagpigil ko na maibuga ang mga pagkain ay bumara iyon sa lalamunan ko.

Walang habas na napaubo tuloy ako with matching paghampas sa dibdib para bumaba ang pagkaing nastuck sa lalamunan ko.

Taranta namang napatayo ang lahat at nag-aalalang dinaluhan ako. Mabilis akong inabutan ng tubig ni Orion saka tinitigan ng masama ang pinsan

"I swear I'm gonna cut your freaking tounge Symon Collin!" nanggigigil na saad nito sa pinsan.

"My goodness Symon!" angil naman ni Estelle dito saka ako nilapitan at tinulungan imassage ang dibdib ko.

Nang makaraos at guminhawa ang pakiramdam ko ay wala sa sariling nailibot ko ang paningin sa paligid. Pinapalibutan ako ng mga Montegrande at nakuha na namin ang atensyon ng lahat.

Umikot ang mga mata ko ng makita ang kaliwa't kanang camera na nakatutok sa gawi namin.

Great! Just great! Be ready to be trending again Bella!

"You okay?" nakangiwing saad ni Symon na nakalapit na rin pala sa akin.

Bwisit ka! Sa isip ay sambit ko.

Hindi ko siya sinagot dahil naaasar ako sa walang preno niyang bibig.

"How can you ask that? Ikaw kaya salaksakan ko ng pagkain sa lalamunan!" angil ni Daire sa pinsan.

"Tsk! Bakit naman kasi sunod-sunod ang subo mo ng pagkain? Hindi mo ba alam na it's dangerous?"

Hindi makapaniwalang napabuga ako ng hangin. What the heck!?

ORION'S STAR (Orion Montegrande)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon