-Bellatrix-
Dinala ako ni Orion sa M-Hotel dahil ayaw niyang sa ibang hotel ako tumuloy. Mas mapapanatag daw siya kung sa hotel ng pamilya nito ako tutuloy.
Hindi na rin ako nakipagtalo pa dahil una , pagod na pagod na ako emotionally and physically at pangalawa ay natatakot din ako na baka masundan ako ng mga haters ko kahit saan ako pumunta.
Atleast dito sa M-Hotel ay alam kong secured ako.
Sa hotel ay sumakay kami sa private elevator na nakalaan para lamang sa kanilang magpipinsan. Ayon dito ay okupado nilang pito ang 47th hanggang 50th floor ng hotel.
Huminto kami sa 50th floor at pumasok sa pinto kung saan nakasulat ang pangalang Orion Montegrande.
Pagpasok ay namangha ako sa laki at ganda ng silid. Ang disenyo nito ay hango sa galaxy. Ang kulay ng mga furnitures ay naghahalo ang blue violet at purple. Maging ang mga gamit ay may mga disenyong pang-outer space. Kumikinang din ang mga mumunting ilaw ng cieling ng buong silid na mistulang mga bituin sa kalangitan.
"So , how's my place?" tinig ni Orion na nagpahinto ng amazement ko.
"I-It's beautiful"
"You like it?"
Mabilis akong tumango.
"Yes"
"You can see real stars from here" may hawak itong remote at napanganga ako ng bumukas ang bubong ng buong silid at lumitaw ang napakagandang kalangitan.
"Wow" namamanghang wika ko habang nakatingin sa clear glass ceiling. Hindi maulap ngayong gabi kaya kitang kita ang mga bituin.
"This was supposed to be Estelle's place but she swapped this with mine on the 49th floor as a birthday gift to me" kwento niya.
"I see" nakangiting komento ko.
This place relieves all my stress. Mula pang bata ako ay malaki na ang interes ko sa outer space. Gustong-gusto kong tinitingnan noon ang mga stars dahil pakiramdam ko ay nawawala lahat ng lungkot at problema ko sa buhay.
"You can stay here"
Lumipad ang tingin ko sa kanya.
"H-ha?"
"Stay here. Mas ligtas ka dito"
Stay here? In this place? Kasama siya? No way!
Kapag nagkataon ay baka bumigay na talaga ang puso ko at mahulog akong muli sa kanya.
Pero anong masama doon? Wala naman talaga siyang asawa at sinabi naman niyang mahal pa rin niya ako.
But no . . . Hindi pwede! Hindi ko pwedeng kalimutan nalang ang mga nangyari noon. Masyadong naging malaki ang sugat na iniwan sa akin ng nakaraan.
At mali mang sisihin si Orion sa mga nangyari sa akin noon ay hindi ko mapigilan ang aking sarili.
Iniwan niya ako . . .
Umasa ako na magiging masaya kami . . .
Naniwala ako sa pangako niyang hindi niya ako iiwang mag-isa . . .
At nasaktan ako ng labis ng umalis siya.
Kung noon nga ay halos madurog ako ng iwan niya ako , ano pa kaya ngayon? Baka ikamatay ko na.
Ngayon okay na ko. Mahal ko pa rin siya pero masasabi ko ng kaya ko kahit wala siya sa buhay ko. Ayoko kong mahulog muli ng malalim sa kanya.
Ayoko na . . .
BINABASA MO ANG
ORION'S STAR (Orion Montegrande)
RomansaMONTEGRANDE SERIES 1 Because of the tragedy that ends his father's life and made his mother became mentally unstable , Orion was forced to live in an Orphanage. That's where he met the quiet and loner Bellatrix. The moment he saw her ay alam na niy...